Epilogue

71 8 0
                                    

Dhenzel's POV:

Tanging lagaslas ng tubig dagat at mga huni ng mga ibon ang naririnig ko nang magising ako sa kwarto ko. Dahan dahan akong tumayo at umupo sa kaliwang bahagi ng kamang ito at mapatingin sa maliit na cabinet na may nakalagay na lamp kasama ang mga prutas at isang larawan. Napakunot ang noo ko at dahan dahang nilapitan ang larawan. Naguguluhan man pero tinitigan ko ito ngunit hindi ko pa rin maaninag ng maayos kaya't hinanap ko ang aking salamin na nasa tabi lamang nito at agad kong sinuot. Ngayon, mas malinaw na ang nakikita ko. Isa itong larawan naming dawa ni Denver sa kasal namin na masayang masaya. Nakikita ko ang saya sa ngiti niya pero hindi sa mga mata niya. Dahan dahan ko itong hinalikan at niyakap. Sandali pa akong tumingin sa paligid kung saan nakalagay pa ang iba naming larawan sa kasal namin. Napakasaya pala namin nung araw na 'yon. Sandali pa akong tumitig sa mga larawan ng maalala ko ang nangyari kagabi.

"Denver!" Dahan dahan akong tumayo sa kamang ito at naglakad palabas ng kwartong ito nang makasalubong ko si Rhendel- ang pangatlo sa apat naming anak ni Denver. Maputi ang kulay niya, bagsak ang buhok, may singkit na mga mata, matangos ang ilong, at may mapulang labi. Normal ang pangangatawan at matangkad na lalaki. Kung ihahalintulad, para siyang lalaking version ng sarili ko. Nakatingin lang siya sa'kin at parang hinihintay ang sunod kong sasabihin.

"Rhendel" nakangiting sambit ko. Nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya kasunod ang mahigpit niyang pagyakap sakin.

"Naalala mo na kami mom?" sambit niya.

"Oo anak, I'm sorry" paghingi ko ng tawad. Hindi naman siya nakasagot at patuloy lamang sa pag iyak habang nakayakap sakin. Hinimas himas ko lang ang malalambot at kulay itim niyang buhok at patuloy na hinihingi ng tawad sa kanya.

Alam kong hindi ako maging mabuting ina, hindi dahil sa hindi ko sila inaalagaan nung mga panahong kailangan nila ako kundi dahil lagi ko silang nakakalimutan dahil sa sakit ko.

Nang matapos si Rhendel sa pag iyak ay agad din siyang kumalas sa pagkakayakap sa'kin at ngumiti.

"Where's your dad? Where's Denver?" Masayang sabi ko. Masaya ako dahil hanggang sa paggising ko ay naaalala ko pa rin sila. At dahil sa pagbalik ng mga alaala ko, sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Ang kinakatakot ko. Ang tuluyang pamamaalam ng asawa ko. Pero kahit nangyari yun, umaasa ako na masisilayan ko pa siya sa araw na ito.

"Hinihintay niya po kayo sa bahay, mom" aniya.

Inalalayan niya akong bumaba ng yateng sinasakyan namin, ang naging saksi sa pagsalubong namin sa bagong taon. Sunod kaming sumakay sa isang kulay gray na van kung saan nakaupo sa tabi ni Rhendel ang asawa at ang nag iisang anak na lalaki ni Rhendel, si Anthony. Sa passenger seat naman kung saan ako nakaupo ay katabi ko ang bunsong anak ko, si Dhelrio. Kasalukuyan pa siyang nag aaral bilang isang law student sa isang sikat na paaralan dito sa Pilipinas. Nakasuot siya ng formal attire at nakatitig lang akin. Kung pagmamasdan siya , para siyang batang version ni Denver. Kulay puti ang balat niya na parang kay snow white, mayroon siyang bagsak na buhok na siyang tumatakip sa mga kilay niya. May bilugang mga mata, matangos na ilong at may maliit ngunit nakakaakit at mapulang labi. Kung titingnan, mukha siyang inosenteng lalaki na mukhang babae. Nakakapagtaka na sa hitsura niya ay wala pa siyang nagiging girlfriend.

Nakangiti siya pero lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya. Hinawakan ko ang mukha niya at nagwika.

"You look like your father, Dhelrio" pagkatapos kong banggitin ang pangalan niya ay lumiwanag ang mukha niya. At gaya nang ginawa ni Rhendel nang tawagin ko ang pangalan niya, lumuluha siyang yumakap sakin, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa sobrang saya na naalala ko rin siya.

Buong byahe kaming tumatawa at kanya kanya sila ng kwento tungkol sa nangyari sa buhay nila nung hindi ko sila naaalala. Naikwento rin nila ang lahat ng sakripisyo ng daddy nila para maitawid ang pag aaral nila habang inaalagaan ako. Napakasarap sa pakiramdam na hindi sila pinabayaan ng asawa ko nung mga panahong kailangan siya ng mga ito, at nung mga panahong kailangan ko siya.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon