Dhenzel's POV:
"Dhenzel ko gising na" narinig kong tawag ng isang lalaki. Pagmulat ko ng mata ay bumungad ang mukha niya na nakatitig sa'kin habang nakangiti. Agad akong napabalikwas dahil sa gulat ko. Nakita ko siyang nakasuot ng sando at maikling short lamang.
"Sino ka? Nasan ako? Bakit kasama kita?" Sunod sunod kong sabi habang nalilito pa rin kung bakit ako napunta sa lugar na 'to. Napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha, naging malungkot ang hitsura niya at halatang hindi inasahan ang mga sinabi ko. Natawa ako sa isip ko dahil sa inasal niya.
Napatingin ako sa paligid ko, nasa kuwarto ako na punong puno ng litrato kasama ang lalaking nasa harap ko. Nariyan ang mga litrato sa kasal namin at iba pa. Masasabi kong maraming masasayang alaala ang mayroon dito sa loob ng kwartong 'to. Mga alaalang hindi matutumbasan ng kahit anong halaga. Napansin ko rin ang crib na nakalagay sa kaliwang bahagi ng kama kung saan ako nakatayo. May mga laruan din na nakakalat sa crib na 'to. At sa tabi ng crib na ito nakalagay ang isang maliit na cabinet na may lamp sa taas at isang litrato ng babae at lalaking masayang kumakain. Napangiti ako nang makita ko ito at agad na kinuha saka ito niyakap. Isa ito sa mga masasayang alaalang babaunin ko sa pagtanda ko. Sa dulo naman ng kwartong ito sa kaliwang bahagi pa rin ay mayroong salamin kaya't nakita ko ang buong repleksyon ko mula dito. Mas lalong nahubog ang katawan ko at masasabi kong mas lalo akong gumanda.Mukhang alagang alaga ako ng lalaking nasa harapan ko.
Biglang bumukas ang pinto kaya agad kaming napatingin dito at nakita ang isang batang babae na masayang tumatakbo palapit sakin.
"Andrea" masayang sambit ko bago siya salubungin ng yakap. Napatingin naman ako sa lalaking tinawag akong Dhenzel saka ako ngumisi.
Biglang lumiwanag ang mukha niya at agad akong niyakap. "Naaalala mo na kami!" masayang sambit niya at ilang beses akong hinalikan sa ulo.
"Yung anak mo lang ang naalala ko Mr-?" Pagmamaang maangan ko. Bigla siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa'kin at padabog na pumunta sa kama namin.
" just kidding Mr. Villanueva" sabay halakhak ko. Alam kong hindi nakakatuwa ang biro ko dahil sa totoo lang, hindi ko talaga sila naaalala minsan. Madalas pala. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Wala naman akong naaalalang nangyari sa'kin na siyang naging dahilan kung bakit ko sila nakakalimutan. Siguro dahil umi-edad na rin ako kaya nakakaranas ng ganito.
"Hindi nakakatawa Mrs. Villanueva" sabay irap niya. Nakakatuwa siyang tingnan, parang bata. Na-miss ko yung ganitong kulitan namin. Hindi ko na nga maalala yung huling beses kaming naglambingan ,eh.
"Wait, nasan ako?" Pagkukunwari kong nakalimutan ko ulit sila. Agad namang napatayo si Andre sa kama at agad na lumapit sa'kin. Bigla akong natawa sa inasal niya.
"Sorry na please! Dhenzel ko alalahanin mo na ulit kami" pagmamakaawa niya sabay nguso. Jusmiyo! Alam kong dumadamoves lang 'tong lalaki na 'to. Pasalamat siya mahal ko siya. Inayos ko muna ang suot kong plain white shirt at short saka dahan dahan akong lumapit sa kanya at akmang hahalikan siya nang magsalita si Andrea.
"Iww! kadiri!" Naiiritang sabi niya saka nagtakip ng mukha gamit ang mga cute at malilit niyang mga kamay. Natawa naman ako sa inasal ng anak namin. Manang mana sa daddy niya, pasaway. Habang si andre, ayun badtrip.
"Go to your room!" asar na sabi ni Andre sa anak niya. Haynaku, nakuha pang makipagtalo ng ama sa anak niya dahil hindi siya nakakuha ng kiss sakin.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
Ficción GeneralPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019