Chapter 26

34 8 1
                                    

Dhenzel's POV:

Hapon na nang makarating kami ni mommy sa Amsterdam bridge at ngayon kasalukuyang kaming nakatingin sa papalubog na araw. Pumukit si mommy sandali at may kinuhang booklet sa loob ng kanyang shoulder bag.

"Maliit ka pa nung una tayong pumunta dito kasama ang daddy mo, ito ang paborito niyong lugar na dalawa"pag uumpisa ni mommy. "Sobrang saya mo nang makita mo ang mga bulaklak na tumutubo sa gilid ng tulay at sinubukan mong kumuha ng isa habang kami ng daddy mo ay abala sa pakikipag usap sa bagong lipat nating kapitbahay at niyaya kami nito na ipakita sa amin ang kanilang bahay"dagdag pa niya habang nakangiti sa kawalan at hawak ang isang picture.

"Sa sobrang saya ng pag uusap namin ay nakalimutan naming nasa tulay ka pala  at kumukuha ng bulaklak kaya dali dali kaming tumakbo pero nakasalubong namin ang isang batang lalaki  at ikinukwento niya sa amin ng nangyari sa iyo at kung paano ka niya niligtas " masayang sabi ni mommy sabay about sa akin ng isang maliit na larawan noong bata pa ako. Natawa ako sa hitsura ko na natutulog habang nakadila naman ang kasama kong batang lalaki."mommy sino po a itong batang lalaking katabi ko?" Tanong ko.
"Siya si Rijo" masayang tugon ni mommy.Biglang may kung anong naalala mula sa aking pagkabata ang bumalik.

Limang taon pa lamang ako ng mga panahong una kaming pumunta sa Amsterdam bridge , una ko palang nakita ang mga bulaklak na tumutubo rito ay agad akong nabighani. Habang abala sila mommy at daddy na nakikipag usap sa bagong lipat naming kapitbahay ay sinubukan kong kumuha ng isang bulaklak sa may gilid ng tulay nang bigla akong nadulas , mabuti na lang at nakahawak pa ako sa tulay. Hindi ko alam kung anong gagawin at walang lumalabas na boses sa aking bibig para humingi ng tulong at habang patagal ng patagal , unti unti na rin akong nakakabitaw sa tulay. Malakas ang agos ng tubig mula sa ilalim ng tulay at alam kong kapag nalaglag ako ay imposibleng mabuhay pa ako.

Hanggang sa naramdaman kong may humawak sa kamay ko at tinulungan akong makaakyat muli sa tula. Nang titigan ko ang mukha niya medyo nasilaw ako kasi kalbo siya hahahahahaha! Isang batang lalaki ang tumulong sa akin at ina amin ko cute siya hehez.

"Ang lampa mo naman baboy" natatawang sabi nito sabay tapik sa mga sugat ko sa tuhod. Sayang crush ko pa naman sana siya kaso bad pala siya.

"Gusto ko lang naman kumuha ng bulaklak eh" nanginginig kong sabi. Lumapit naman siya sakin at may inabot.

"Sa'yo nalang ito" masayang sabi niya sabay akmang iaabot ang isang bulaklak.

"Salamat"masayang sabi ko at akmang kukunin na ang bulaklak ng bigla niyang binawi.

"El el mo" sabay takbo papunta sa bahay nila. Nagalit ako sa kanya kaya hindi ko na napigilan ang bibig ko.

"Kalbo masamang tao" sabay tawa ko. Napalingon naman siya sakin at ngumisi.

"Isusumbong kita sa parents mo" sabay talikod niya at pumasok na sa bahay nila kung saan nandoon sila mommy.

"Subukan mo pepektusan ko 'yang makinis mong ulo" bulong ko sa hangin. Sumunod ako sa kanya para alamin kung isusumbong niya nga ako.

Pagpasok ko sa loob ng bahay nila ay sinalubong  ako ni mommy at daddy na alalang alala. Agad napayakap sakin ang dalawa.

"Ayos ka lang ba anak?"nag aalalang tanong ni mommy sabay yumakap sakin.
"May sugat ka princess" dagdag ni daddy. Nakita ko namang tumatawa yung batang lalaki na kasalukuyang nakatingin sa amin. Tiningnan ko siya ng masama at binelatan niya lang ako. Kapag ako nakalapit sa kanya sasabunutan ko siya , ay oo nga pala kalbo siya. Tiningnan ko siya at hinimas himas ang ulo ko at mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya tiningnan niya ako ng masama. At dahil sa nangyari ay agad kaming umuwi at ginamot ako ni mommy.

"Anak ayos na ba ang pakiramdam mo?"  Nag aalalang tanong ni mommy." Opo"masaya kong tugon. Aalis na sana si mommy sa kwarto pero pinigilan ko siya.
"Mommy ano pong pangalan nung bata kanina?" Sabay cross arm." Rijo po  aking prinsesa"masayang tugon ni daddy.

Ilang araw akong hindi makalabas dahil natatakot si mommy at daddy na baka maulit ang nangyari hanggang sa isang araw lumabas ako ng bahay at pumunta sa Amsterdam bridge at tiningnan ang paglubog ng araw ng dumating yung Rijo na yun.

"Lampababoy" pang aasar nito sa'kin. Tinarayan ko lang siya. Hindi naman siya nakuntento at humawakan ang sugat ko."aray!" Sigaw ko habang tumatawa lang ang kalbo. Umalis nalang ako sa tulay at iniwan siyang tumatawa. Kinausap ko si mommy at daddy na pumunta kami sa bayan para makalayo ako sa kalbo na yun. At nangyari nga ang kinatatakutan ko, ang mawala si daddy.

Lumipas pa ang isang linggo at nagbago na nga ang mommy lagi niya na akong sinisisi sa pagkawala ni daddy. Sa sobrang takot ko sa kanya ay tumakbo ako sa tulay  at umiiyak.  Nakita ako ni kalbo at akala ko aasarin niya ako pero hindi, binigyan niya ako ng panyo at pinatahan ako. Hanggang sa maging magkaibigan kami pero laging BABOY ang tawag niya sa'kin habang kalbo naman ang tawag ko sa kanya.

Isang hapon nakita kami ni mommy at pinauwi ako kaya sila hindi ko narinig ang pag uusap nila. Hanggang isang araw nalaman kong aalis na sila at lilipat na ng ibang bahay kaya't dali dali akong lumabas at nakita kong paalis na ang kotse nila. Hinabol ko ito pero hindi ko naabutan pero narinig ko siyang sumigaw." Babalikan kita princess".

"Naaalala mo na ba kung sino siya anak?"tanong ni mommy kasabay nun ang pagbalik ko sa realidad. Tumango lang ako bago nagsalita.

"Si kalbo" bulong ko sa hangin.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon