Chapter 50

36 7 0
                                    

Dhenzel's POV:

Kahit pilitin kong alisin sa isip ko si Denver, hindi ko magawa. Sadyang malakas ang epekto niya sa'kin. Kaya kahit mahirap, gusto ko na siyang kalimutan.

"Hi" bungad sa'kin ni Andre matapos akong pumayag na makipagkita sa kanya sa isang cafeteria malapit sa'min. Kasalukuyan siyang nakangiti sa'kin at mukha siyang naglalaway na aso.

"Ikwento mo na" matamlay kong sabi pagkaupo ko. Wala akong balak na makipaglandian pa sa kanya.

"Masyado ka namang mabilis, sulitin muna natin ang oras natin" nakakadiring sabi niya.
"Umayos ka kung ayaw mong masampal!" Gigil 'to! Broken na nga ako tapos lalandi pa 'to Argggg!

"Okay basta kailangan muna nating mag almusal para may lakas tayo sa mga pupuntahan natin okay" biglang naging mahinahon ang boses niya. Good. Madaling naman pala siyang kausap.

"Okay" tipid kong sabi at nagsimula nang kumain ng mga inorder niya. Mabilis kong naubos ang nga pagkain ko pero siya, wala pa sa kalahati. Nakakapagtaka dahil sa pagkakaalam ko, ginto ang oras para kay Andre pero hindi 'yun ang pinapakita niya ngayon. Nakangiti lang siya at parang pinaglalaruan lang ang pagkaing nasa harap niya.

"Sorry ah, ngayon nalang ulit kasi ako nakakain ng pancakes kaya nilalasap ko ng todo" sabay ngiti niya, ngiting kakaiba.  Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa inasal niya. Parang may gagawin siyang hindi maganda, kailangan ko siyang bantayan sa bawat galaw niya.

Pagkatapos ng kalahating oras, sa wakas natapos na rin siya kumain. Kasalukuyan siyang nagmamaneho papunta sa isang pamilyar na lugar, teka ito yung sementeryo kung saan nakahimlay ang mga magulang ni Denver. Bakit dito?

"Bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong ko.  Natawa naman siya bago sumagot.

"Diba gusto mong mag move on? Ito ang unang destinasyon natin" nakangiti niyang sabi with pagtaas ng kilay pa, yay! . Oo gusto kong mag move on pero bakit dito?

"Wala naman kinala-"

"Akala mo lang wala" sabay ngisi niya. Agad siyang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Hindi ko maintindihan" naguguluhan na talaga ako.

"Malalaman mo mamaya" agad niyang sagot.

Bakit nadadamay ang mga magulang ni Denver dito? Wala naman silang kasalanan.

Biglang may kung anong kumirot sa puso ko nang makita ko ang puntod nila at bulaklak na iniwan ko. Biglang naglandas ang mga luha sa mukha ko. Hindi ko na talaga alam. Nasasaktan ako. Naaawa ako sa sarili ko.  Pero sa kabila ng lahat, nagawa ko pa rin ngumiti nang maalala ko ang pangakong binitawan sa'kin ni Denver.

Alam mo lagi kong sinasabi sa kanila na ihaharap ko sa kanila yung babaeng papakasalan ko.

Napakasarap isipin na makakasama ko siya sa walang hanggan. Pero bakit ganun.....

Hindi pa kami nag uumpisa pero nakarating na  kami sa dulo.

"Sorry po , umabot na agad kami sa dulo " Piyok kong sabi habang  nililinis ang lapida nila. Nagsimulang magtirik ng kandila si Andre.

"Hello po Tito and Tita, long time no see po, btw nandito po kami para malaman ng kasama ko na hindi siya ang unang pinangakuan ng anak niyo" diretsong sabi niya habang nakatingin sa'kin.

Nabingi ako sa sinabi ni Andre.

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Tama ang narinig mo Dhenzel, hindi ikaw yung unang pinangakuan ni Denver na pakakasalan niya" pagpapaliwanag niya. Lalong bumigat ang dibdib ko.  Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at isiping nagsisinungaling lang si Andre.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon