Chapter 48

22 7 0
                                    

Denver's POV:

"RD" narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Katatapos lang ng klase ko at kasalukuyan kong hinihintay si Dhenzel sa gate.  Agad akong napalingon at nagulat ng nakita ang tumawag sa pangalan ko, si Sabrina.

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, hindi dahil sa nararamdaman ko kundi dahil natatakot akong may masamang balak silang dalawa ni Andre para sirain kami ni Dhenzel.

"Bakit parang nakakita ka ng multo?" Sarkastikong sabi ni Sabrina habang naglalakad papunta sa kinatatayuan ko. Agad naman akong umayos at umarteng walang nangyari.

"Sab! Kailan ka pa nakauwi ng Pilipinas? Dapat nagsabi ka para nasundo kita" masayang sabi ko at niyakap siya. Agad naman siyang Kumalas at nagsalita.

"Why are you here? Hinihintay mo ba si Dhenzel? Yung babaeng ginamit mo para pabalikin ako? " tugon niya dahilan para mabigla ako. Paano niya nalaman? Hindi ko alam ang sunod kong sasabihin kaya hindi ako nakasagot agad.

"Oh bakit parang nagulat ka sa sinabi ko? Don't worry tayong tatlo lang ang may alam" dagdag pa niya habang hinihimas ang braso ko. Agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko bago nagsalita.

"Tatlo?" Nagtatakang tanong ko. Napangisi naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw ,ako at si Andre" nakangiting sabi niya. Agad akong naglakad papasok ng campus para puntahan si Dhenzel. Nakita ko namang sumunod sa'kin si  Sabrina pero hindi ko nalang siya pinansin.
"RD wait!" Sabay hawak niya sa braso ko nang maabutan niya ako.

"Ano bang gust-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang dumampi ang labi niya sa labi ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sumabay sa paggalaw ng labi niya. Natauhan ako ng maalala ko si Dhenzel. Tumalikod na ako kay Sabrina at agad na naglakad pero agad niya rin akong pinigilan.

"RD ano ba! Nandito na ako,Sa'yo na ulit ako! Sa'yong sa'yo na ang buong pagkatao ko" kagat labing sabi niya habang isa isang tinatanggal ang butones ng blouse niya. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad ng magsalita siya.

"RD ano ba! Saan ka ba pupunta! Kay Dhenzel? Nandito na ako kaya hindi mo na siya kailangan!" Mga salitang binitawan niya dahilan para mapatigil ako sa paglakad. Humarap ako sa kanya bago nagsalita.

"Inaamin ko na ginamit ko siya nung umpisa pero minahal ko na siya! At kahit kailan hindi ko siya iiwan! Sorry Sabrina" agad kong sabi dahilan para mahirapan ako sa  paghinga. Nakita kong kumunot ang noo niya.

"Kaya  pala ang lakas ng loob mong talikuran ako dahil pupuntahan mo siya! Hindi mo ba alam na kasama siya ngayon ni Andre na dating mahal niya! At sigurado akong sinabi na ni Andre ang plano mo sa kanya" sunod sunod na sabi ni Sabrina. Parang paulit ulit na sinakal ang puso ko dahil sa narinig ko.

Kasama siya ngayon ni Andre na dating mahal niya..

Sinabi na ni Andre ang plano mo...

Gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Hindi pwede 'to! Handa na akong papasukin si Dhenzel dito sa puso ko pero bakit parang hindi naaayon ang lahat sa plano ko? Bakit? Lalong sumikip ang paghinga ko dahilan para mapaupo ako at naghabol ng hininga. Lumapit sa'kin at agad akong inalalayan para makatayo. Pinilit kong maglakad pero hindi ko na kinaya. Gusto kong puntahan si Dhenzel para magpaliwanag pero hindi ko na kinaya at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.


Nagising ako at parang natauhan sa nangyari, nasa ospital na pala ako.Nakita kong nakahiga sa upuan si Sabrina at natutulog. Biglang pumasok sa isip ko si Dhenzel kaya dali dali akong tumayo sa kama pero hindi ko kinaya. Nakita ko namang nagising si Sabrina na agad akong inalalayan para makahiga sa kama. Nagbuntong hininga si Sabrina bago nagsalita.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon