Dhenzel's POV:
Lumipas pa ang mga araw at nasanay na rin akong kinukulit ni Denver mayabang, no choice naman talaga kasi ako at desperada na akong gawin ang lahat para pang maibalik ang wallet ko." See you tomorrow Dhenzel" pagpapaalam ni Steph sa'kin kasunod ang pag apir niya kay Denver na nasa tabi ko ngayon at napakalaki ng ngiti. "See you tomorrow Steph, ingat ka sa pag uwi mo ah" pagpapaalala ko sa kanya, siniko niya ako bago bumulong sa'kin.
"WAG MALANDI AH"madiin niyang bulong sa'kin dahilan para Kaltukan ko siya. Natawa lang naman ang bakla at nagsimula ng maglakad palayo sa'min. "Let's go" masayang sabi ni Denver at nagsimula ng maglakad. Napatingin muna ako sa papalubog na araw kasabay ang paggalaw ng mga ulap sa kalangitan bago tuluyang naglakad at sumunod kay Denver. Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng bigla siyang huminto at napahawak sa ulo. Nung una ay hini ko siya pinansin at inisip na nagbibiro na naman siya pero bigla siyang napaupo sa gitna ng daan kaya dali dali akong lumapit sa kanya para alalayan siya.
"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. Hindi naman siya umimik kaya lalo akong nag alala." Denver? Ayos ka lang ba?" Ulit kong sabi nang bigla siyang napahiga sa kalsada at napasabunot sa kanyang ulo at saka namilipit sa sakit. Nataranta na ako at hindi alam ang gagawin kaya humingi na ako ng tulong.
"Tulong!" Sigaw ko habang nakahawak kay Denver. Biglang nangisay si Denver na lalong nagpabigat ng loob ko." DENVER! DENVER!" Sigaw ko sa kanya, bigla siyang napatigil at nagsalita.
"Patola" natatawa niyang sabi saka tumayo at inayos ang sarili. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman na ayos lang siya pero naiinis ako dahil sa ginawa niya." Siraulo ka talaga!" Galit kong sabi sa kanya at nagsimula ng maglakad palayo sa kanya. "Uyy sorry na!" Mabilis niyang sabi habang mabilis na naglalakad papalapit sa'kin."ayoko ng mga joke mo!" Madiin kong sabi nang nakalapit siya sa'kin. Tumango lang naman siya at ngumiti." Sorry pu" habang nagpapacute ang mayabang akala mo naman gwapo, po na gwapo na!
Medyo madilim na nang madaanan namin ang Amsterdam bridge at napagpasiyahan namin na magpahinga muna rito. Kasalukuyan kaming nakatingin sa buwan at mga butuin na kumikinang, bigla kong naalala ang mga masasayang alaala namin ni Andre sa lugar na 'to kung paano kami nagsimula at kung paano kami nagtapos. May kung anong kumirot sa puso ko ng maalala ang dati, ang dating hindi na kayang balikan pero kaya pa rin akong saktan. Napabuntong hininga ako bago nagsalita.
"May tanong ako sa iyo Denver at pwedeng sagutin mo ng maayos?" Mahinahon kong sabi sa kanya at agad namang nabaling ang atensyon niya sa'kin dahil sa sinabi ko." Sure!" Agad niyang sabi saka humarap sa'kin at ngumiti na nagsasabing kahit anong sabihin mo makikinig ako, kahit anong tanong mo sa sagutin ko. Napangiti ako ng bahagya bago nagsalita.
"Bakit may mga pangyayaring hindi umaayon sa inaasahan natin? Bakit may mga bagay na kahit gaano mo ingatan ay masisira pa rin ? Bakit may mga pangakong hindi natutupad? At bakit may mga tanong na hindi masagot." Sunod sunod kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya. Naglaho ang mga ngiti niya sa labi at nagsimulang magseryoso.
"May mga bagay na hindi umaayon sa'tin dahil hindi naman ito para sa'tin, may mga bagay na kahit gaano mo ingatan ay masisira pa rin dahil walang permanenteng bagay sa mundo dahil lahat ay nagbabago pero nasa iyo kung mananatili ka o lilisan na, may mga pangakong hindi natutupad kasi hindi naman sa'yun nakatakda ang mga pangakong iyon siguro nagkataong ikaw ang naroon kaya sa'yo nasabi 'yon" seryoso ng sabi niya habang nakatingin sa kawalan. Tila tumayo a lahat ng sinabi niya sa puso ko, ano bang meron sa lalaking 'to para ipamukha sa'kin ang lahat ng katangahang nagawa ko sa nakaraan ko? Nagsimula ng mamuo ang mga luha sa mata ko pero pilit kong pinigil ito dahil may isa pang tanong ang hindi niya nasasagot.
"Bakit may mga tanong na hindi nasasagot?" Pilit kong pinakamalala ang sarili ko upang hindi maluha. Nakatingin pa rin siya sa kawalan bago nagsalita.
"Minsan kasi ang sagot sa tanong natin ay nandyan na pero hinahanap pa rin natin sa iba" seryosong sabi niya saka tumingin ng diretso sa mga mata ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at may naramdamang kung ano mula rito. Ano itong nararamdaman ko? Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano itong nakikita ko? Unti unting bumabagal ang takbo ng bawat segundo at lumalabo ang
buong paligid ko at tanging mukha lang ni Denver ang nakikita ko? Bawat segundong tumatakbo pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi pwede itong nararamdaman ko, kaaway ko ang lalaking to at siya ang pinaka kinaiinisan ko kaya imposible itong nararamdaman ko, imposibleng maging ganito ako dahil mayabang siyang tao, imposibleng.........Mahulog ako sa taong nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019