Chapter 17
Stephen's POV:
"SI MAMA"Sigaw ko matapos makarinig ng kung anong nabasag sa kusina. Agad akong napatakbo kasama si Dhenzel at Jordan papunta sa kinaroroonan ni mama.
Nakita kong may dugo sa lamesa katabi ng isang bote ng alak. Hindi naman namin nakita si mama dahil nasa ilalim ito ng lamesa.Alam kong si mama ang may gawa noon dahil simula ng mawala si papa ay nag iba na rin ang ugali niya. Naaawa at naiinis ako kay mama dahil hindi lang naman siya ang naiwan kundi pati kami, ako ang pinakamagandang anak niya huhu.
Hindi muna kami lumapit nila Dhenzel sa halip ay nagsalita muna ako.
"Ma? Ano bang nangyari sa inyo? Alam kong masakit sa iyo ng mawala si papa pero hindi lang naman ikaw ang naiwan ma kami rin! Kami rin! Katulad ko, alam kong hindi na niya makikita ang maganda kong mukha dahil wala na siya, Patawad pa dahil hindi mo na ako makikita" sabay iyak ko. Actually mukhang napasobra nga ang acting ko at kita ko iyon sa mukha ni Dhenzel at Jordan na parang hindi sang ayon sa aking sinabi. Natanaw ko naman na unti unting tumayo si mama mula sa ilalim ng lamesa, nakasimangot ang mukha nito na parang naiinis o natatae na ewan. Mukha tuloy siyang palaka HAHAHA.
"Anong pinagsasabi mo diyan benedicto, nag aayos lang ako dito ng nabasag na pinggan ang dami mo ng daldal at saka tigil tigilan mo ako sa pagsisinungaling mo tanggapin mo ng kamukha mo ako!" Sunod sunod na sabi ni mama. Hindi pala siya nasugatan , ketchup lang pala iyon. Napangiti naman ako dahil bumalik na ang mama sa dati at madaldal na ulit ito.
Hindi ko naiwasan maluha sa sobrang saya kaya agad akong lumapit kay mama para yakapin ito pero agad naman niya akong pinigilan.
"Naku benedicto baka magkapalit tayo ng mukha mahirap na, kawawa ako pag nagkataon"natatawang sabi ni mama. Naiinis naman ako kasi tinawag niya akong benedicto like watdapak binaon ko na yung pangalan na iyon. Stephen Benedicto kasi ang name ko mygad ewan ko ba saan galing yung benedic- ay basta.
"Benedicto" wika ni Dhenzel at sabay silang tatlong tumawa. Nakakainissss nahungkat pa yung pagkatao ko mygadd.
Tiningnan ko ng matalim ang tatlo at tumigil na sila sa pagtawa. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Magluluto na ako" maikli kong sabi sabay punta sa kusina. Narinig ko namang nagtawanan ulit ang tatlo pero hindi ko nalang sila pinansin.
Alas dose na ng hating gabi ng matapos ako sa pagluluto kaya dali dali na akong pumunta sa lamesa at tinawag na ang tatlo, natutulog pa rin kasi si kuya Angelo at ayoko rin siyang makita kaya hindi ko nalang pinagising kay Jordan. Siya kasi ang dahilan kaya iniwan ako ng una kong minahal, si Bern. Naalala ko tuloy ang huli naming pagkikita.
"Steph, mahal na mahal kita ,ikaw lang ang pinakamagandang babaeng nakilala ko" malambing na sabi ni bern sa akin.
"Maganda ba yan?"singit naman ni kuya Angelo.
Hindi ko nalang pinansin si kuya at niyaya nalang si bern na kumain. Binigay ko lahat ng kailangan ni bern ,lahat lahat pero iniwan niya ako dahil binantaan daw siya ni kuya ,doon na natapos ang pag iibigan namin.
Agad naman akong bumalik sa realidad ng maramdaman kong may tao sa likod ko na nangangamoy alak. "Si kuya" inis na sabi ko sa isip ko. Nagtungo na ako sa lamesa at sabay sabay kaming kumain nila Dhenzel, jordan, mama at ang Nakakainissss na si kuya Angelo.
"Pasensya na kasi ngayon lang kayo nakapaghapunan" Mahinahon kong sabi. Agad naman ngumiti si mama.
"Ano ka ba anak, sobra sobra na ang tulong mo sa amin-" naputol ang sasabihin ni mama ng magsalita si kuya.
"At pagtulong kay Bern" malamig nitong sabi. Nag init naman ang ulo ko sa sinabi ni kuya.
"Ano bang problema mo?! Hindi ba ikaw ang may kasalanan kaya kami naghiwalay ni bern noon!" Galit kong sabi sa kanya. Hindi naman siya sumagot kaya mas lalo akong nagalit.
"ANO SUMAGOT KA! ANO BANG KASALANAN NI BERN BAKIT PINAGBANTAAN MO SIYA!" Sigaw ko at sa puntong ito tumigil siya sa pagkain at nagsalita.
"Dahil niloloko ka lang niya "Malamig niyang sabi. Hindi ako naniniwala sa kanya dahil simula bata palang kami, masama na ang trato niya sakin na parang hindi niya ako kapatid kaya't imposible ng ipagtanggol niya ako.
"SINUNGALING!"Sigaw ko ulit sa kanya. Inawat naman ako ni Dhenzel na nasa tabi ko. Hindi na sumagot si kuya.
"Ano! Sumagot ka! Bakit mo ginawa yun!"nangingig na ako sa puntong iyon dahil lahat nalang ay tinututulan ni kuya. Natatakot na tuloy akong sabihin sa kanila ang tungkol sa kasal ko dahil baka pati yun ay pigilan niya.
"Maaari po bang huwag tayong mag away sa harap ng hapagkainan" Mahinahon pero malaman na sabi ni mama. Pero si kuya ay mukhang napikon na kaya nagsalita.
"GINAWA KO YUN KASI MAHAL KITA DAHIL KAPATID KITA!" Madiin na sabi ni kuya.
Totoo ba ito? Tinawag akong kapatid ni kuya?ginawa niya yun para sa akin? Sobrang saya ng puso ko at hindi ko namalayang may tumulong luha sa mga mata ko. Ngayon ko lang naramdaman na ipinagtanggol ako ni kuya Angelo, ang lalaking kinaiinisan ko dahil hindi matanggap kung sino ako at kung ano ako. Agad kong pinunasan ang luha ko.
Gusto kong lapitan si kuya para yakapin at sabihing....
"Mahal din kita kuya"natawa nalang ako sa isip ko enebe kese mahal niya daw ako. Steph magtigil ka nga ano to family stroke ,ay alam HAHAHA.Nginitian ko lang si kuya at saka nagpatuloy na sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019