Chapter 24

31 8 1
                                    

Dhenzel's POV:

"Mommy maniwala po kayo sakin nakausap ko po si daddy"pangungulit ko kay mommy habang magkasama kaming naghuhugas ng Plato dahil katatapos lang namin mag almusal.Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula nang nanaginip ako at nakasama ko si daddy pero ayaw pa rin akong paniwalaan ni mommy.

"Naku Dhenzel huwag ka na ngang kakain ng hotdog ulit, kung ano ano naiisip mo " pang aasar sakin ni mommy. Naalala ko tuloy yung mga panahon na nandoon ako sa Vizayas sa pamilya ni Steph grabe nakakamiss at pati si Andre dahil sa sinabi ni mommy  na hotdog. Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa mga mata ko at agad naman lumapit sakin si mommy na nagaalala.

"Bakit ka umiiyak anak" natatarantang sabi ni mommy. Natawa naman ako sa inasal niya hihihi ang cute kasi ni mommy mana sakin CHAR!

"May naalala lang po ako sa hotdog"masaya kong sabi. Nawala naman ang pag aalala ni mommy at bumulong sakin.

"Malalate ka na sa School" Mahinahon niyang sabi. Ommygosh oo nga pala ngayon pala ang first day ko sa school bilang 3rd year college student at mukhang malalate ako NOOO! Agad akong pumunta sa kwarto at saka dumiretso sa cr. Nang matapos ako ay nagpaalam na ako kay mommy.

"Aalis na po ako mom" masayang sabi ko kay mommy. Napatango  naman  siya at saka yumakap.

"Mag iingat ka ah, mahal na mahal ka ni mommy" masayang sabi ni mommy. Kumalas na ako sa pagkakayakap at lumabas na ng bahay. Teka nasaan si Steph? Baklang yun hindi man lang ako tinawagan o pinuntahan man lang sa bahay hays. Kinuha ko ang phone ko at nakita kong kanina pa pala tumatawag sakin si bakla HEHEZ SORRY NA BAKLA!  Mabuti nalang pala at nagpaload ako kagabi, matawagan nga.

"Bakla nasaan ka?" Tanong ko pero imbes na sagutin niya ang tanong ko ay binungangaan ako.

"Kdtzc$#ksyxbalavaisvsh............
Nandito ako sa isang caffe malapit sa campus"galit niyang sabi. Mygadd sasabihin din pala ang dami pang kuda , vaklang toh!

Pupungas pungas ako nang makarating sa caffe dito malapit sa campus hindi ko kasi alam yung schedule ko kasi si Steph ang may alam kaya no choice ako makikita at makikita ko ang mukha niya hays! Pagpasok ko sa caffe ay nakita ko si Steph na nakaupo sa may dulo at may kasama siyang babaeng maganda. Ay lalaki na ba siya at Infairness maganda ang babaeng  kasalukuyang makikitang usap sa kanya.

"Sorry na Noreen please patawarin mo na ako ,wala akong iba promise" narinig pagmamakaawa ni Steph sa babaeng kausap niya. Mygad kailan pa naging lalaki si bakla? Katapusan na ba ng ating whole world chareng! Biglang may  kalokohan akong naisip  kaya dali dali akong lumapit sa nakatalikod na si Steph at niyakap ito .

"Hello babe how are you?" Pabebe kong sabi habang nakayakap sa kanyang likuran. Napakunot naman ang babaeng maganda.

"Sino siya?!" Galit na sabi ni ateng butiful.

"Hindi ko siya kilala" narinig kong sabi ni Steph. Ay ganun pinapahiya niya ako sa harap ng babaeng butiful na ituu!

"Babe sorry na kung hindi kita pinagbigyan kagabi ah,pagod kasi ako eh"  pabebe kong sabi sabay yakap ulit sa kanya. Naramdaman kong may pandesal sa katawan niya mygad may abs si bakla hihihi. Napatayo naman si ateng butiful at sinampal si Steph.

"Sinungaling!"galit niyang sabi sabay walk out ganern pak pak boom. Hinawakan ko naman ang mukha ni Steph at saka nagsalita.

"It's okay babe, mamayang gabi ah" maga rot kong sabi at hinimas ang mukha niyang may balbas? Teka kelan pa nagpabaya si bakla sa mukha niya? Siguro nagpakalalaki na talaga siya pero paano yung kasal nila ni Jhonson? O baka hindi ito si Steph Noooo!

Agad napatingin sakin ang lalaking kanina ko pa nilalandi dahil akala ko siya si Steph ,mommy HELPPP! Nanlilisik ang mga mata niya sa sobrang galit omg omg paano to??!!!

"Sorr-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita siya.

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo ah! Sino ka ba! HAA!" Sigaw niya sakin . Gravi katakot siya hehez.

"Hehe" yan nalang ang nasagot ko. Saan ba ang malapit na sementeryo dito dahil mapapaaga ang libing ko huhuhu! Kakahiya ka Dhenzel.

"Pagbabayaran mo to" pagbabanta niya sakin sabay alis. Saglit naman akong natulala dahil hindi pa rin nagsisink in sa utak ko ang mga nangyari. Maya maya ay nakita kong papalapit sa akin si Steph habang pumapalakpak.

"Grabe pang best actress ang peg mo dyan oh para kang babaeng nalulong dahil sa utot ganern" pang aasar ni Steph. Agad naman akong natauhan dahil sa sinabi niya at tiningnan siya ng masama.

"Sorry nga pala kasi nalate ako ng punta hehez" paawa niyang sabi pero hindi ako naaawa sa kanya dahil siya ang may kasalanan ng lahat. Naramdaman kong nauutot kaya sakto ito ang ganti ko sa'yong bakla ka! Agad kong tinutok ang mukha niya sa pwet ko at pinakawalan ang utot na galing sa kaba HAHAHAHA! Naubo naman siya kaya okay na ako kasi yung amoy  mukhang nag stay dahil naka aircon at kulob dito sa loob kaya lahat ng pumapasok ay agad ding lumalabas. Nakita kong galit na galit ang may ari ng caffe na ito at may dala siyang sarili oxygen grabe! Ang arte naman niya! Nakikiamoy na lang nga eh! Huli na naming napagtanto na may hawak siyang malaking itak at papalapit sa amin.

"MGA BABOY!" Sigaw niya. Dali dali naman kaming napalabas ng caffe at mabilis na tumakbo papasok ng campus WHOO! Success!

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon