Dhenzel's POV:
"Bumalik ka mamamatay bata" Sigaw niya. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa paglakad pabalik ng campus. Malalate na ako sa meeting namin pero wala pa rin akong masakyan ANO NG GAGAWIN KOOOO!!? Biglang may dumaang kotse sa harapan ko kaya agad ko itong pinara. Huminto naman ito at dali dali akong sumakay.
"Sa Tang Shu University po" nagmamadali kong sabi sa driver. "Okay po" tugon ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa nagmamaneho ng kotse at tumambad sa akin si TITO FERNANDO!
"HALA sorry po Tito" nahihiya kong sabi. Natawa lang siya at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Napansin kong medyo napapadalas na rin ang pagkikita namin ni Tito Fernando siguro palihim siyang sinabihan ni mommy na bantayan ako, si mommy talaga.
Naging mabilis lang ang byahe papunta sa campus kaya't hindi ako nahuli sa napag usapang oras naming magkakagrupo. Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ng biglang nagring ang phone ko. Wtf* unknown number na naman?!
"Hello" nag aalangan kong sabi. Medyo matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya.
"Ito ba si Dhenzel Jimenez?" Tanong ng lalaking nasa kabilang linya. Sino ba ito? At anong kailangan niya sa'kin. "Sino po sila" tanong ko sa kabilang linya." Pulis po ito, may nagreport po kasi sa amin na may pinatay daw po kayo" pagpapaliwanag ng nasa kabilang linya. Ano? Napatay? Sino? Paano? Saan? Kahit wala naman akong ginawa ay hindi ko pa rin maiwasang mag alala , wala ito Dhenzel napagkamalan ka lang, wala kang kasalanaaan!!
"Hello ma'am? Nandyan pa po ba kayo?" Tanong ng nasa kabilang linya."ah eh opo" natataranta kong sagot." Maya maya lang po ay susunduin namin kayo sa campus niyo" dagdag pa nito na dahilan para manginig ang mga binti ko. Wala akong kasalanan! nagsisimula ng sumikip ang dibdib ko at patuloy na rin ang pagpatak ng luha ko. Wala akong ginawa? Wala!
"Ma'am?" Sabi ng nasa kabilang linya. Ano ang pipiliin ko? Ang mapahiya sa harap ng tao dito sa campus dahil sa maling pambibintang o ako na ang susuko sa kanila?
"Ako na po ang pupunta diyan" pilit kong sabi habang patuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Nagsimula nang mag alala ang mga kagrupo ko pero sinabi kong tumawag lang ang mommy ko.
"Sige po itetext nalang po namin ang address sa inyo" huling sinabi ng nasa kabilang linya kasabay ang pagbaba ng telepono.
Pupunta ba ako o hindi..?
Pupunta ba sila o hindi...?
Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong basta na lang isuko ang sarili ko kahit alam kong wala naman akong ginawang masama. Kung pupunta ako sa ibibigay nilang address ay maaaring makulong ako ng walang nakakaalam, kung hindi naman ako pupunta ay baka sila naman ang pumunta sa akin at huhulihin nila ako sa harap ng maraming tao. WAAAAAHHHH basta pupunta na lang ako para walang makaalam.
Pagkatapos ng klase ay agad akong nagtungo sa sakayan ng jeep at naghintay ng bigla akong nakaramdam ng gutom kaya agad kong kinuha ang wallet ko sa bag ko pero hindi ko ito makita HALA! Nasan yun napunta??? Isip Dhenzel isip! Nandoon lahat ng importanteng ID's ko , School ID, Voters ID, Health ID, Credit Cards, at yung picture ni daddy Huhuhuhu nasan na 'yon? Umupo muna ako sa may tindahan malapit sa sakayan at inisip kung saan ko nawala ang wallet ko ng bigla kong maalala ang nangyari sa ospital.
Hindi ko maintindihan ang sulat ni doc jussko. Tinanggal ko ang ID ko at inilagay ito sa wallet ko kasama ang reseta ng gamot ni Denver at inilagay ito table malapit sa higaan niya at saka muling tinuon ang atensyon ko sa kanya na kasalukuyang natutulog.
Hala ka! Nasa ospital ko pala naiwan ang wallet ko kaya kung babalik ako siguradong lagot ako kay Denver na feeling pogi na yun dahil pinatay ko ang mga anak niya sa pamamagitan ng pagbasag sa itlog niya. Anong uunahin ko? Pumunta sa presinto o kunin ang wallet ko? Siguro kunin ko muna ang wallet ko para nakapagpaalam na rin ako kay Denver ng maayos at sa kanya ko nalang ipapasabi na bibitayin na ako, Advance thinker ako! .
Mahigit isang oras ang nilakad ko bago nakarating sa ospital kaya umupo muna ako sa labas nito at naghabol ng hininga, ang sakit na ng mga binti at paa ko huhuhu , nagugutom na rin ako. Pagtapos kong magpahinga ay agad akong nagtungo sa kwarto ng kinalalagyan ni Denver, dahan dahan akong sumilip dito pero............ Wala na siya! At tanging isang nurse na lang ang nakita kong nag aayos ng Kama dito. Lumapit ako sa nurse at nagtanong.
"Nurse nasan na yung pasyente dito?" Tanong ko habang binubuksan ang drawer malapit sa kama pero hindi ko nakita ang wallet ko Huhuhuhu pumunta ako dito para lang sa wala WAHHHHHH!
"Miss dala po ng pasyente ang lahat ng gamit na nasa loob ng drawer na 'yan" pagpapaliwanag ng nurse. WHAAAT!? Hawak ni Denver ang wallet ko NOOOO! Ayoko na nga siyang makita eh, nahihiya ako sa ginawa ko!
Nasa kalagitnaan ng pagdadrama ng biglang nagring ang phone ko." Nasan na po kayo ma'am?" Mula sa lalaking pulis na tumawag sa'kin kanina. Paano na to? Pagod na ang mga binti at paa ko huhuhu humanda talaga sa'kin ang pulis na ito kapag nakita ko nakuuu! Ngayon pang nagugutom at dala ng Denver na 'yun ang wallet ko.
"Papunta na ako" sagot ko sa text. Kahit pagod ay pinilit ko pa ring pumunta sa address na ibibigay ng pulis na 'yun. Nagtext na rin ako kay mommy na gagabihin ako. Malapit ng dumilim nang makarating ako sa binigay na address ng pulis, sobrang dilim sa lugar na ito at walang masyadong dumadaan na tao kaya medyo kinilabutan ako. Aalis na sana ako ng biglang may matalim na bagay ang dumikit sa tagiliran ko kasunod ang isang tinig na galing din sa likod ko.
"Holdap 'to" Matigas na sabi ng lalaki mula sa likod ko."Maawa po kayo sa'kin, gagawin ko po ang lahat ng gusto niyo basta pa kawalan niyo lang ako" pagmamakaawa ko sa holdaper. Natawa naman siya sa sinabi ko bago nagsalita. "Bakit naawa ka ba sa'kin? pero maiba ako ,kahit ano gagawin mo?" Tatawa tawang tanong ng holdaper."opoo" natatakot kong tugon." Harap" utos ng holdaper kaya agad akong humarap at nakita ang lalaking holdaper.
"WAAAAAAHHHHH" Sigaw ko matapos makaharap sa holdaper.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019