Chapter 41

29 7 0
                                    

Dhenzel's POV:

Dahil sa nangyari ay agad kaming pinauwi ni mommy ng Pilipinas dahil sobrang nag aalala siya. Wala naman kaming nagawa nila Steph kundi ang sumunod. Pagkalabas ko ng ospital ay agad din kaming umuwi ng pinas. Naging tahimik ang biyahe sapagkat natulog lang ako.

Gabi na ng namalayan kong lumapag na ang eroplano. Ginising ako ni Denver at saka inayos ang mga gamit namin. Hindi ko alam pero parang ayoko pang bumalik ng pinas kaya lang si mommy kasi nag alala. Pagbaba namin ng eroplano ay sinalubong kami ni Tito Fernando.

" pinasusundo ka ng mommy mo" masayang sabi ni Tito Fernando. Tumango lang ako at saka pumasok sa kotse niya. Sasama pa sana si Denver kaya lang sinabi ni Tito na siya na lang ang maghahatid sa'kin. Nakamasid lang ako sa paligid ng marealize kong sa ibang direksyon kami papunta.

"Tito saan po tayo pupunta?" Nagtataka kong sabi. Hindi naman umimik si Tito at sa halip ay nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho. Huminto kami sa isang kalsada, isang madilim na kalsada at halos walang dumaraang sasakyan. Bumaba si Tito sa kotse at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Nasan po tayo Tito?" Nagtatakang tanong ko. Napangisi siya ng kaunti bago sumagot. "Hindi mo ba naaalala ang lugar na 'to?" Pagbabalik niya ng tanong sa'kin.? Dahil sa sobrang curious ko ay pinagmasdan kong mabuti ang kalsada na kinalalagyan namin ng marealize kong..........dito nasagasaan si daddy! Napahawak ako sa bibig at napaupo dahil sa naalala ko. Pero bakit kami nandito? Bakit kami lang at wala si mommy? Naguguluhan ako.

"Alam niyo na po ba kung sino ang pumatay kay daddy?" Nanginginig kong sabi. Nagsimulang lumakad si Tito Fernando sa gitna ng kalsada bago nagsalita. " actually, matagal na naming alam ng mama mo kung sino ang pumatay sa daddy mo pero mas pinili naming manahimik para hindi ka madamay" pagpapaliwanag niya. Ano? Matagal na nilang alam? Si mommy? Totoo ba 'to? Hindi ko maintindihan.

"Tito-"

"Oo Dhenzel, hindi siya nakulong dahil pinagtakpan ko siya dahil mahalaga siya sa'kin at sa anak ko" dagdag pa niya na siyang lalong ikinasikip ng dibdib ko. "Sino po siya?" Piyok kong sabi kasunod ng tuloy tuloy na luha na umaagos sa aking mukha. Sa wakas, magkakaroon na ng katarungan ang pagkawala ni daddy.

Sandaling lumayo si Tito Fernando sa akin at may kinausap sa telepono at sa pagkakataong iyon gusto kong lapitan ang taong gumawa noon kay daddy at tanungin siya kung ano ang motibo niya sa ginawa niya. Gusto kong iparanas sa  kanya ang naranasan ko simula ng mawala si daddy at gusto ko siyang mabulok sa bilangguan. Agad na bumalik si Tito Fernando dala dala ang mabigat na sagot.

"Malapit siya sa'yo dhenzel" agad niyang sabi.  Sino? Naguguluhan ako dahil maraming tao ang malapit sa'kin, hindi ko alam.

"Tanungin mo na lang ang mommy mo" pagputol niya sa iniisip ko. Huh? Hindi ko naiintindihan. Si mommy? Kilala niya kung sino pero hindi niya sinabi sa'kin. Hindi ko na alam ang gagawin, naguguluhan na ako! Sa lahat lahat! Naguguluhan na ako. Biglang tumawa si Tito Fernando, tawang nagpataas ng balahibo ko. Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa patuloy na pagtawa ni Tito. "Uuwi na po ako" pagpapaalam ko kay Tito at saka nagsimula nang maglakad nang harangan niya ang dadaanan ko. "Teka saan ka pupunta? Ayaw mo bang sabihin ko kung sino talaga ang pumatay sa kapatid ko? Natatakot ka ba sa malalaman mo?"Nakakalokang sabi ni Tito at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. "Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit pinatay ang kapatid ko!" sa puntong 'yon, lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko kasabay ng pag iba ng boses niya. Pinilit kong Kumalas pero mas malakas siya sa'kin kaya wala akong nagawa. "Hindi totoo yan! Bitawan niyo ako !, TULONG!" Sigaw ko kasabay ang pagtulak niya sa'kin sa pintuan ng kotse niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko? Naguguluhan ako? Hindi siya yung Tito Fernando na kilala ko , bakit ganito? Tulungan niyo akoooo. Dahan dahang lumapit si Tito sa gawi ko at may ibinulong na ikinasikip ng dibdib ko. Hindi pwede 'to! Magsisinungaling lang si tito. Nagsisigaw ako  dahilan para mataranta si Tito." Sumigaw ka pa ng mas malakas, wala namang makakarinig sa'yo HAHAHAHAHA" nakakalokang sabi niya habang patuloy ang pagtulak niya sa'kin papasok ng kotse. Nanghihina ako dahil sumasakit ang ulo ko pero kailangan kong makauwi. "TULONG!"  Sigaw ko. Wala mang kasiguraduhan na may makakarinig sa sigaw ko, umaasa ako na may tutulong sa'kin. Hindi ako nagkamali dahil isang kotse ang dumaan sa kalsada kung saan kami naroroon. At dahil sa pagsigaw  ko ay naalarma  ito at agad bumaba sa kotse, na iyak ako ng makita ko kung sino ang iniluwa ng kotse...........si Andre.

Agad siyang lumapit sa'min pero natunugan siya ni Tito Fernando kaya itinulak niya ako sa loob ng kotse dahilan para mauntog ako sa bintana ng kotse. Nahilo ako  pero nakikita ko pa rin ang nangyayari sa labas ng kotse kung saan nagsusuntukan ang lalaki sa nakaraan ko at ang pangalawang tatay ko. Gusto ko mang tumayo para tulungan si Andre pero sadyang umiikot ang paligid kaya hindi ko na nakita ang sumunod na nangyari. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko na magawa dahil unti unti na ring binibiyak ang katawan ko, hindi pwede ito kailangan kong tulungan si andre. Kahit nahihiya ay pinilit kong kunin ang isang Matigas na bagay sa ilalim ng seat ng kotse at hinampas sa ulo ni Tito Fernando dahilan par nawalan siya ng malay. Nakita ko si Andre na alalang alala na lumapit sa'kin at yumakap." Sorry nahuli ako" nanginginig niyang sabi  habang patuloy na nakayakap sa'kin at kahit nahihirapan ay pinilit kong magsalita." Salamat, an-dre" pilit kong sabi kasunod ang pagpikit ng aking mga mata.

"Dhenzel!" Huling narinig kong salita bago tuluyan akong nawalan ng malay.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon