Chapter 34

24 8 0
                                    

Dhenzel's POV:

Gawin mo sa'kin yung mga ayaw mo

Gawin mo sa'kin yung mga ayaw mo

Shocks anong ginawa kooooo!!!! Magpapaalipin ako sa mayabang na 'yun tapos ano kakawawain niya ako kagaya sa mga nababasa kong stories like No Wayyyy! Pero paano ko siya tatakasan? Paano ko siya tataguan? Paano ko siya iiwasan? Kung nasa iisang campus lang kami Grrrrr! Ito na ata ang isa sa pinakaworst na nangyari sa buhay ko huhuhu anong gagawin koooooo?!!!

Kring* kring*

"Ay baklang palaka!" Gulat kong sabi ng makita kong tumatawag si Steph.

"Bakla? Wala kang balak pumasok?" Tanong niya sa kabilang linya. "Masama pakiramdam ko eh" matamlay kong sabi. Paano ba naman kasi kung hindi dahil sa punyetang Denver na 'yun na simula umaga hanggang gabi ay sinira niya ang araw ko kaya nalipasan tuloy ako ng gutom huhuhu kaya masama ang pakiramdam ko at nagtatae ako huhuhu. Hindi rin ako makatayo sa higaan ko dahil sa sakit ng katawan ko dahil na rin sa pagbagsak ko sa kalsada kagabi ,pero kung mayroon akong pinakapinagsisisihan kagabi ay ang pagpayag ko sa kundisyon niya , wala rin akong magawa kasi No choice ako.

Buong araw lang akong nakahilata sa kama ko habang inaalagaan ako ni mommy na alalang alala, nagtanong din siya kung anong nangyari sa akin pero ang sinabi ko lang ay napagod lang ako. Nakakainissss ang ganitong pakiramdam , sobrang sakit ng ulo ko na parang binibiyak habang umiikot naman ang paningin ko kapag sinusubukan kong tumayo, nagsusuka at kadalasang durog ang dumi ko, pururut huhuhu.

Isang linggo pa ang lumipas bago tuluyang bumuti ang pakiramdam ko, mabuti na lang at hindi lumala ang sakit ko dahil ayokong napupunta sa ospital.

"BAKLAAAAA!" Sigaw ni Steph na kasalukuyang tumatakbo papalapit sa'kin. Sinalubong ko rin siya at niyakap, grabe isang linggo lang akong nawala pero parang taon na ang lumipas.

"Kumusta ka na? Okay na ba ang pakiramdam mo? Sorry ah hindi kita nadalaw abala kasi ako sa papeles para sa pagpunta natin sa Paris, France eh" sunod sunod na sabi ni Steph. Nakakamiss rin 'tong baklang toh ah. "Ano ka ba okay lang yun ang mahalaga okay na ako" masayang tugon ko.



Break time na at nagpasiya kami ni Steph na kumain sa canteen. Namiss ko na rin kumain ng paborito kong Porksteak YUMYUM kaya dali dali akong kumain at walang pakialam sa mga taong nakatingin sa'min ng biglang may umupo sa tapat ko.

"Hi" pagbati nito sa'kin. Natigilan naman ako sa pagkain at tiningnan kung sino 'yun, nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nasa harap ko si .....

"Denver, anong ginagawa mo dito?" Nahihiya kong sabi sa kanya na kasalukuyang nakatitig sa'kin." Bakit kayo lang ba ang pwedeng pumunta dito sa canteen?" Agad naman niyang tugon. Hindi naman ako nakapagsalita kaya itinuon ko nalang ang sarili ko sa pagkain. Panay naman ang siko ni Steph sa'kin na siyang kinaiinisan ko, bakit pa kasi pumunta dito si Denver hindi tuloy ako makagalaw ng maayos. Nagulat ako ng biglang tumabi sa'kin si Denver at bumulong.

"Naaalala mo yung unang ayaw mo? Yung ayaw mo akong makausap? " pagpapaalala niya sa pesteng ganap na yan." Tungkol pala sa napag usapan natin nun ayoko na palang ituloy" Mahinahon kong sabi." Okay, edi hindi ko ibibigay ang wallet mo" mabilis niyang tugon. Bigla kong nailuwa ang kinakain ko kay Steph kaya agad na pumunta sa cr ang bakla na akala mo napano. "Mauna na ako ah" paalam niya at nagsimula nang maglakad."Sandali" pigil ko sa kanya, bakit ko ba ginagawa 'toooo naku kung hindi lang mahalaga ang wallet na yun jussko bahala na si batman kung anong mangyari

"Bakit?" Agad niyang lingon sa akin." Ikaw naman binibiro ka lang naman eh" pagpapaliwanag ko habang hinahaplos ang malaki niyang braso ahihihi. "Akala ko kasi totoo" agad na tugon niya. Ilang saglit lang ay bumalik na ang bakla kaya nagpaalam na kami kay Denver na pupunta na sa kanya kanyang klase pero dahil pabibo siya ay hinatid pa niya ako kaya ang ending ayun inasar ako ng mga classmates ko sa kanya qiqil.

Pag tapos ng klase ay agad kong sinundo si Steph sa room niya para umuwi na rin ng maaga at para naiwasan si Denver na mayabang. Bago kami dumaan sa main gate ng campus ay sinigurado muna naming wala na yung mayabang na yun. Pagkalabas namin ng gate ay Nakahinga na ako ng maluwag.

"YEHEY!" Masaya kong sabi habang nagtatatalon na parang bata. Nagpatuloy na kami sa masayang paglalakad ng biglang hawakan ni Steph ang kamay ko." Ikaw talaga Steph umamin ka na nga , crush mo talaga ako eh" pang aasar ko dito at saka hinalikan ang kamay nito ng napansin kong ibang kamay ang hawak ko, Noooooo! Kamay pala ni Denver ang hawak ko, bakit? Bakit? Akala ko ligtas na ako eh teka nasan si Steph? Tumingin tingin ako sa paligid pero hindi ko siya makita.

"Pinauwi ko na yung kaibigan mo" masaya niyang sabi. "Huh? Bakit naman?"Nagtatakang tanong ko at saka tinanggal ang kamay niya sa kamay ko."Kasi simula ngayon ako na ang naghahatid sayo" nakangiti niyang sabi. Seryoso? Gagawin niya talaga yung mga ayaw ko kainissss!

"Bakit mo na ginagawa 'to?" Naiinis kong sabi sa kanya. " kasi sabi mo ayaw mo akong makasama" pagpapaliwanag niya. "Eh paano kapag sinabi kong ayoko talaga!" Mataray kong sabi at saka nagpatuloy sa paglakad ng bigla niya akong hatakin pabalik sa kanya saka iniharap sa kanya.

"Paano kapag sinabi kong gusto ko? May magagawa ka ba?" Seryosong tugon niya dahilan para mamula at mag init ang mga pisngi ko Ommmmyyy nooooooooooo!!!

"Namumula ka" pagbati niya sa'kin at saka nauna ng naglakad.shockss ayaw ko ng ganitoooo.

"Natural 'yan" pagpapalusot ko at sumabay na sa paglalakad niya.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon