Dhenzel's POV:
Isang taon na ang lumipas pero sariwa pa rin ang sakit sa puso na dinadala ko. Ang hirap palang kalimutan ang unang pag ibig. Sinasabi ko sa lahat ng tao na naka move on na ako pero sa loob loob ko, hindi pa. Ayoko kasing mag alala sila lalo na si Stephen kaya sinarili ko nalang ito at alam ko rin naman na mapapagod din ang puso ko sa kaaasang babalik siya.
Nakita kong papalapit sa akin si Steph, napansin siguro ni bakla na kanina pa ako tulala.
"Mas piniling ko rin na lumayo upang ang puso ko ay muling mabuo , mas pinili kong takasan ang nakaraan upang iwanan ang mga alaalang hindi na dapat balikan dahil masyado na akong nasasaktan ,masyado na akong nagkukulong sa kwarto ng kalungkutan at ngayon hinding hindi na ako---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita ang bakla.
"babae? sino kausap mo dyan? nasaktan ka lang nagkaganyan ka na wait, nagdrudrugs ka ba?"pagpuputol nito sa pagdadrama ko.
"Ikaw kahit kailan at kahit saan ka talaga sa bahay, sa park , sa mall , sa cr, at ngayon pati sa barko panira ka ng momentum kainiss!" Naiinis kong sabi. Eh paano ba naman kasi hanggang dito sa barko paepal talaga.
"Talaga ba? spell momentum?" Pang aasar nito sakin. Ayoko nga mahina ako sa spelling eh hehez!
Pasalamat siya at sumama ako sa kanya pauwi ng Vizayas para ipaalam niya ng personal kay tita Maggie at sa kapatid niya na ikakasal na siya kay Jhonson , yung foreigner na nakilala niya sa restaurant kung saan siya nagtatrabaho. Oh diba naunahan pa ako ng vaklang toh! At magpapakasal na sila oh wow na wow koya wel debaKAINGGIT! buti pa siya may kalovewins, kung sabagay 2nd year college palang ako at marami pa akong mamemeet hehez.
"Buti nga may pumatol pa sa yo" pabulong kong sabi sabay tawa.
"Anong sabi mo?" Paglilinaw ni bakla. Kahit mahina ay dinig pa rin niya ang boses ko, iba nga naman talaga kapag sinaunang tao HAHAHAHAHA.
"Ewan ko sayo!" Sabay talikod ko sa kanya.
"Mukhang may naiinggit sa akin ah, alam mo gurl kalimutan mo na kasi si Andre" diin niyang sabi. Humarap ako sa kanya at nagkunwaring hindi alam ang sinasabi niya.
"Sinong an -Andrew o Andreson ang pinagsasabi mo,wala akong kilalang ganon!"Matigas kong sabi. Syempre noh kailangan din magpanggap.
"Aysauce, nagpapakabitter si ateng para masabing naka move on na" sabay taray sa akin. Hindi ko nalang siya kinibo alam ko kasing kilalang kilalang na niya ako at kahit anong sikreto ko ay malalaman niya. Kaagad naman siyang lumapit ng mapansing hindi ako kumibo.
"Alam mo girl hindi mo naman dapat sisihin ang taong nanakit sayo instead pasalamatan mo siya kasi dahil sa kanya may natutunan ka diba at saka sa pagmomove on hindi mo kailangang kalimutan lahat lahat , masasabi mong naka move on ka na kapag naalala mo siya at ang mga pinagsamahan niyo pero hindi ka na nasasaktan at nanghihinayang.Ganun ba ang nararamdaman mo? Hindi diba" pagpapayo sakin ni bakla at sa kanya pa talaga nanggaling ah.
"Wow! makapagsalita akala mo may experience--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"Experience saan? huwag mong sabihing--" agad naman niyang sabi.
"qaqa sa love!"pagputol ko sa susunod niyang sasabihin. Baklang toh kung ano anong naiisip.
"ah akala ko kung saan eh hehez pero maiba ako bakit ka ba iniwan? ikuwento mo naman"alanganing sabi ni Steph. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Gusto mo bang malaman? sige uumpisahan ko nang balikan ang mga alaalang galing sa nakaraan" pag uumpisa ko.
"Wow ha! ang lalim" tatawa tawa nitong sabi.
"Makikinig ka ba o sasapakin kita?" Inis kong sabi. Nasa momentum na ako ng pagkukwento ng biglang
"Pero seryoso ang lalim talaga" pagputol nito sa momentum ko. Huminga ulit ako ng malalim bago nagsimula.
Papunta kami sa birthday party ng kaibigan ni Andre na si Drake at dahil
malapit lang ito sa pinaglibingan ni daddy ,pinilit ko siyang dumaan muna rito. Nang makarating kami doon ay saglit kong kinausap si daddy at iniwan ang dala kong birthday cake para sa kanila ni mommy. Na traffic naman kami bago tuluyang makarating sa bahay nila Drake. Sobrang inis sa akin noon ni Andre kulang nalang ay palabasin niya ako sa kotse niya.Nasa kalagitnaan na ng party ng makarating kami sa bahay nila Drake at bakas pa rin sa mukha niya ang pagka inis at hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan. Dire diretso siyang pumasok sa bahay nila Drake at naiwan akong mag isa sa kotse.
Sumunod ako sa kanya sa loob at doon nakita kong may kausap si Andre, si Sabrina yung ex niya. Kitang kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Andre ng makita at makausap si Sabrina. Lumapit ako sa kanila at saka nakipag kamay kay Drake at Sabrina. Yung mga mata ni Andre ng sandaling kausap niya si Sabrina ay sobrang saya, yung sayang hindi ko na naibibigay sa kanya.
Napahinto ako sa pagkukwento, hindi ko namalayan na tumulo na pala yung mga luha ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili pero sadyang nanaig ang sakit na nararamdaman ko. Agad naman akong niyakap ni bakla at sinabing huwag ko ng ituloy ang pagkukwento pero pinilit kong magpakatatag.
"Okay, tuloy na natin" pagbawi ko.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019