Dhenzel's POV:
Isang linggo palang pero tila taon na ang lumipas, tapos yung sakit nandito pa rin. Pero yung nang iwan? Masaya na rin sa babaeng pinangakuan niya. Nandito na naman ako, sa estadong ito. Nahulog, walang sumalo. Nandito na naman ako sa estadong ito. Nasaktan ulit, wala namang bago. Paulit ulit lang ang scenario, ang pinagkaiba lang ay tao.
"Bakla? Sorry ah, wala ako dyan sa tabi mo para damayan ka, alam mo na ang dami kong inaasikaso dito sa ibang bansa para sa kasal. Don't worry uuwi agad ako kapag natapos na 'to" madamdaming sabi ni Steph sa kabilang linya.
"Huwag kang mag alala, okay lang ako. Kaya ko to" pagsisinungaling ko. Sa totoo lang, hindi ko na talaga kaya. Pagod na ako,pagod na ang buong katawan ko, pagod na ang utak ko , at lalong lalo na........
Ang puso ko.
Hanggang kailan ko ba mararanasan ang ganito? Bakit ba kasi napaka unfair ng mundo? Bakit kung sino pa yung nagmamahal ng totoo, siya pa yung niloloko?
"Haynaku! Sa akin ka pa nagsinungaling bakla ka" pilit na pinapagaan ang loob ko ni Steph.
"Ewan ko ba, pakiramdam ko nabuhay ako para lang saktan ng mga tao, pampalipas oras nila at kapag bumalik na yung hinihintay nila, maiiwan na naman akong mag isa. Nakakasawa na" nangingig kong sabi habang patuloy na nakikinig si Steph sa kabilang linya.
"Bakit kahit pangalawang beses na akong nasaktan, ganun pa rin ang pakiramdam?" Mahinang sabi ko. Narinig ko namang napabuntong hininga si Steph bago nagsalita.
"Alam mo be, sabi sa napanood kong movie ni Alex Gonzaga. Naging ganyan kasakit kasi naging ganun kasaya." Pagpapaliwanag niya.
"Huh? Dikogets" medyo naguluhan ako at wala akong oras para mag isip.
"Let me explain. Naging ganyang kasakit ang nararamdaman mo kasi maraming masasayang memories ang pinagsamahan niyo at ang mas masakit, sa Kabila ng mga alaalang pingsaluhan niyo, wala naman palang kayo" nasampal ako sa sinabi ni steph.
"Ano ba! Masakit na oh dadagdagan mo pa eh , palaka ka!" Medyo naiinis kong sabi. Alam kong kahit masakit ang mga binibitawang salita ni Steph, kaakibat non ang katotohanang ako lang ang sumugal at ang resulta, ako ang talo. Na kasalanan ko ang lahat ng 'to kasi nag expect ako na mahal ako kahit ang totoo, hindi naman ako.
Masama ba? Masama bang naghangad akong mahal niya rin ako? Na akala ko parehas ang nararamdaman niya at nararamdaman ko...
Sabay kaming lumipad , pero naiwan ako
Sabay kaming lumipad, pero siya lang ang nakarating sa dulo
"Pero seryoso, ang sakit. Minahal ko siya pero niloko niya lang ako." tuluyan ng lumandas ang mga luha sa mata ko. Akala ko kasi siya na yung tamang tao, mali pala ako.
"Bebegurl? Hindi naman kasi required na kapag mahal mo, mahal ka rin dapat" mahinang sabi ni Steph pero sapat na para marinig ko. Oo, hindi required na mahal ka rin ng mahal mo pero paano yung sumugal? Paano yung nahulog pero 'di sinalo?
Samakatuwid, paano ako?.
"Kaya mo namang buuin ang sarili mo, kinaya mo nga nung nawala si Andre sa'yo" pagpapaalala sa'kin ni Steph. Napabuntong hininga ako bago nagsalita.
"Kinaya ko kasi minahal niya rin ako pero si Denver, ako lang ang nauto" tuluyan ng bumuhos ang emosyon ko. Hindi ko na talaga kaya, tuwing naririnig ko ang pangalan niya, para akong tinatanggalan ng hininga. Alam kong nahihirapan na rin si Steph sa sitwasyon ko.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
Fiksi UmumPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019