Chapter 27

31 8 0
                                    

Dhenzel's POV:

"Si kalbo" bulong ko sa hangin. Biglang may kumirot sa puso ko ng maalala ang huling sinabi niya.

Babalikan kita princess.

Babalikan kita princess.

Hinaplos ko nalang ang nag iisang alaala ko sa kanya,ang larawan kasama siya.Nasan na kaya siya? Naaalala niya pa kaya ako? Tutuparin niya ba ang pangako niya?. Lumapit sa'kin si mommy at kinuha ang larawan.

"Itong picture na  ito ay kuha ng daddy mo habang natutulog ka pagkatapos kitang gamutin ng biglang dumating si Rijo kaya isinama na rin siya ng daddy mo sa picture" nakangiting sabi ni mommy kasabay ang sunod sunod na pagpatak ng kanyang luha, alam kong namimiss niya na si daddy. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Namimiss ko na rin po si daddy" malungkot kong sabi.



Kinabukasan ay maagang umalis si mommy dahil babalik na siya sa pagtatrabaho habang ako ito nag aayos na para pumasok.

*kring * kring

Si bakla tumatawag. "Hello bakla paalis na ako" masaya kong sabi.
"okay hintayin kita dito sa canteen ah"masayang tugon ni bakla.

Maaga pa sa napag usapan naming oras ni Steph nang makarating ako sa canteen. Buseet na baklang yun sabi nandito na daw siya hays. Umupo muna ako at nag order.

"Ate isa nga pong spaghetti" masayang sabi ko kay ateng tindera. Tumango naman siya at pumunta sa kusina. Bigla kong naalala yung mga grabeng rebelasyon  kahapon jussme. Hawak ko ngayon ang picture na hiningi  ko kay mommy kahapon. Pinagmasadan ko ang mukha ni Rijo. Mukhang may lahi siya HAHAHAHHA malaki kaya Hmmmm. Ang bestes ng neeesep ke ehe. Erase erase!

Ilang saglit lang ay may tumabi sa'kin na dalawang tao. Ang isa ay lalaki at ang isa ay babaeng maganda TEKA! Siya yung ateng butiful sa caffe Ommyy nakakahiya!!!!! "Dhenzel Nagkunwari kang hindi mo siya kilala"bulong ko sa sarili ko sabay tingin kay ateng butiful at ngumiti. Ngiti lang din ang isinukli niya sa'kin at nang tingnan ko ang kasama niya Omygulay! Hindi ito yung guy na napagkamalan kong si Steph Shocks! So ibig sabihin naghiwalay talaga sila dahil sakin NO NO NO! Lagot ka Dhenzel maninira ka ng relasyon. Nasan na ba si baklaaaaa!. Dumating na  yung spaghetti ko pero wala pa si baklang palaka huhuhu! Tagaktak na rin ang pawis ko sa sobrang hiya. Naramdaman kong may biglang nagpunas ng pawis sa mukha ko, napahinga naman ako ng maluwag dahil ang nagpunas nito ay si............ Kuyang napagkamalan kong si Steph shocks! Lalong sumikip yung dibdib ko. Tumingin siya sa akin ng masama bago nagsalita.

"Kumusta ka na babe? Sorry kung napagod kita nung isang araw ah , ikaw kasi gusto mo pa hanggang round 5" natatawa niyang sabi sakin habang pinupunasan yung pawis ko. Sasabog na ata  ang dibdib ko at tuluyan ng mawawalan ng hininga dahil sa sinabi niya. Mygaad nagsisimula nang tumingin ang mga tao sa amin dito sa canteen nakakahiya!.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ito huhuhu , ito na ba ang kabayaran ko sa ginawa ko sa kanya, ang masira ang pagkabirhen ko NO!. Napalingon ako sa mga tao na kasalukuyang nakatingin sa amin at nagbubulungan habang si ate butiful at kasama niyang guy ay patuloy lang sa pagkain. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palabas ng canteen nang pigilan ako ni kuyang napagkamalan kong si Steph.

"May galit ka ba sa'kin? Pag usapan natin 'to please , hindi ko kayang mawala ka" madamdaming sabi niya sabay tiningnan ako ng nagsasabing sabayan ko nalang siya. Aba pwede ng inominate na best actor si koya!.

"Smoooothh"Narinig kong  sabay sabay na sabi ng mga kapag namin estudyante. "Idol talaga kita Denver!" Sigaw naman ng isang lalaki. Mukhang nakuha na talaga namin ang atensyon nila. Dhenzel laban tayo para sa best actress.

"Talaga ba? Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo! Dahil manloloko ka ang sabi mo hanggang round 6 eh natulog ka na nung round 5"Kunwaring galit kong sabi sabay tingin kay ateng butiful na nakangisi na ngayon.

"Smooootherr" sabay sabay ulit na sabi ng mga estudyante. Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng bigla niya ulit hawakan ang kamay ko.

"Ano bang gusto mo round 7?" Kagat labi niyang sabi . Whoooo parang gusto ko yung round 7 ah ahe ahe.

"Smootheeeest" Sigaw ulit ng mga estudyante. Nakita kong tumayo na si ateng butiful kasama ang bagong guy niya.

"Nahihilo ako" sabi ni ateng butiful at saka sila lumabas ng canteen. Nakita kong ngumisi itong mukhang round 7 na si Denver saka ako binitawan at lumapit sakin." Gusto mo totohanin natin?" Bulong niya sa tenga ko. Biglang gumalaw ang mga laman loob ko sa sinabi niya ahihihi. Kinuha ko ang spaghetti na kinakain ko at ibinato sa mukha niya.

" 'yan ang bagay sayo" sabay lakad ko palabas ng canteen habang nagpapalakpakan ang mga estudyante dahil sa ginawa ko. Kumaway kaway lang ako sa kanila na parang nanalo ng  miss universe ng biglang magsalita si ateng tindera.

"Hija yung bayad mo!" Sigaw ni ateng tindera. Nawala ang mga ngiti sa labi ko at nakayukong bumalik sa canteen at inabot ang bayad. Nakakahiya!

"Bye babe" nakangiting sabi ni Denver habang habang kinakain yung spaghetti na itinapon ko sa kanya.

"Ggrrrrrrrrr" sabay padabog akong lumabas ng canteen.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon