Dhenzel's POV:
"WAAAAAAHHHHH" Sigaw ko matapos makaharap sa holdaper. Agad namang nawala ang kaba ko nang makita kung sino ang holdaper na kaharap ko.
"IKAWWWW!" Nanggagalaiti kong sabi sa buwisit na Denver na ito na kasalukuyang tumatawa, so ibig sabihin prank lang lahat ng 'to? Assaaaaarrrrr!
"Welcome to my channel" nagpipigil na tawa ni Denver habang nakatingin sa kanyang phone, ang cute niya hihihi.
"Ibig sabihin hindi totoo na may pinatay ako at ikaw yung pulis na tumawag sa'kin HA! AKALA MO NAKAKATAWA" galit kong sabi dahilan para magseryoso siya.
"Yung pulis at holdaper , ako yun pero yung pumatay ka TOTOO YUN! PINATAY MO MGA ANAK KO! Kaya pasisikatin kita sa YouTube channel ko " sarkastikong sabi niya habang pinandidilatan ako ng mata. Kahit anong gawin niya wala akong pake, asarin man niya ulit ako wala akong pake, mamatay man siya ngayon wala akong pake!
"Eh ano? Gawin mo kung anong gusto mo basta huwag mo na akong idamay ,huwag mo na akong kulitin dahil ayaw na kitang makausap, ayaw na kitang makasama, ayaw na kitang mahawakan, ayaw na kitang MAKITAAAAA" Sigaw ko sa kanya habang nakatingala sa mukha niya, sa sobrang tangkad niya ako pa tuloy ang nag aadjust grrrr!
"Edi 'wag pero-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at nagsalita na ako.
"Wala ng pero pero basta sinabi ko sundin mo! At huwag mo na rin akong kuhanan ng video dahil baka madiscover ako okay!" Pagpapaliwanag ko sa kanya. Sinunod naman niya ang sinabi ko at agad ibinaba ang hawak niyang camera."Masaya ka na?" Mahinang sabi niya. "Oo at huwag mo na akong susundan kahit saan okay!, ayokong sinusundan mo ako dahil ayoko ng STALKER OKAY!" Matigas kong sabi sa kanya pero natawa lang siya."Ang tigas din ng mukha mo eh noh! Ako stalker mo NO WAY!" Sigaw niya sa'kin na halos ikinabingi ko. Aba! Hindi ako papayag na inaapi ako porket gwapo siya!
"Hoy mister! Sino ka para sigawan ako HA?! Kaano ano ba kita HA?!" Sigaw ko pabalik sa kanya. "Sino ako? Ako lang naman yung lalaking pinagkaitan mong mag kanaka dahil sa ginawa mo! May kasalanan ka sa'kin kaya kailangan mong pagbayaran 'yun! " Sigaw niya pabalik sa'kin. Bastos pala bunganga nito eh GRRRR!
"Bahala ka sa buhay mo!"Sabay padabog akong tumalikod sa kanya at nagsimulang maglakad. "Baka nakakalimutan mong nasa akin ang buhay mo"nang aasar niyang sabi habang patuloy pa rin ang paglakad ko." Sinong may pake" sagot ko ng hindi lumilingon sa kanya.
"Kahit nasa akin ang wallet mo" narinig kong may tumunog na mga barya." Kahit nasa ito pa ang wallet -- TEKA YUNG WALLET KO!" Agad akong nagtungo sa kinaroroonan niya habang iwinawagayway niya ang wallet ko.
"Akin na 'yan" sabi ko habang pilit inabot ang wallet ko habang patuloy niyang itinataas ang kanang kamay niya kung saan hawak niya ang wallet ko. "Abutin mo" pang aasar niya sa'kin habang nakadila sa akin. Lumayo ako ng kaunti sa kanya at bumwelo sabay tumakbo sa kanya at inabot ang wallet ko pero na out of balance ako kaya nakapatong ako sa kanya na ngayon ay nakahiga na sa kalsada, ang lapit din ng mga mukha namin sa isa't isa. Ilang minuto rin kaming napako sa ganung sitwasyon hanggang sa magsalita ang ogag.
"Tuwa ng tuwa ah, sarap pumatong?" Sarkastikong sabi niya na ikinainis ko. Gaviiii napakayabang talaga akala mo naman hays sabagay gwapo naman talaga. Dali dali akong tumayo at nag ayos ng sarili ,ganun din ang ginawa niya. Nang bigla kong maalala ang wallet ko.
"Akin na yung wallet ko" masungit kong sabi sa kanya habang nakalagay ang kamay ko." Ganyan ba dapat kapag may hinihingi?" Pang aasar niya."Anong gusto mong gawin ko?" Galit kong sabi sabay turo sa kanya." Dagdagan mo lang ng PLEASE para malambing" pa cool niyang sabi. "Daming knows" bulong ko sabay crossed arms." Anong sabi mo?" Malakas din pala ang pandinig ng mayabang na ito." Ah eh wala ang sabi ko pwede ko na bang kunin ang wallet ko, PLEASE" Mahinahon kong sabi at agad naman niyang inabot sa'kin ang wallet ko at nang mahawakan ko na ito ay akma niyang babawiin kaya nakipag aagawan ako hanggang sa bitawan niya ang wallet ko dahilan para mapaupo ako sa kalsada. Lumapit naman siya sa akin na nag aalala at tiannong niya ako.
"Ayos ka lang ba? Sorry sa nagawa ko" paghingi niya ng tawad at unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa ilong ko, ito na naman ba tayo huwag kang magpadala sa tulsi Dhenzel.
"Pwede beng iteye me eke" pabebe kong sabi. Napangiti naman siya sa sinabi ko at itinayo nga ako. "Selemet"pabebe kong sabi at agad na kinuha ang wallet ko sa kamay niya at sinipa siya sa kanyang eggy dahilan para mapasigaw siya sa sakit."AHHHHHH" Sigaw niya habang namimilipit sa sakit."Double kill" sabi ko habang nakapose ala soldier. Bigla siyang tumingin ng masama sa akin na ikinatakot ko, omyyyyy baka patayin niya ako RUN DHENZEL RUN!. Tumakbo ako ng mabilis pero dahil pagod at gutom na ako ay agad akong nanghina at napaupo kaya naabutan niya ako at idinikit sa pader habang hawak hawak ang dalawang kamay ko. Kinuha niya rin ang wallet ko at inilagay sa bulsa niya.
"Sorry na , gagawin ko na lahat ng gusto mo basta huwag lang ito ehe este ibalik mo lang yung wallet ko"pagmamakaawa ko sa kanya." Kahit ano?" Nakangisi niyang sabi." Kahit ano" maikli kong tugon. Nilapitan niya ang kanyang labi papunta sa leeg ko dahilan para makiliti ako , akala ko hahalikan na niya ako pero tumaas yung labi niya papunta sa tenga ko saka bumulong.
"Gawin mo sa'kin yung mga ayaw mo" bulong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019