Dhenzel's POV:
"AAAHHHHHHHH" napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at naghabol ng hininga. Jussmee nasan ako ngayon bakit ang liwanag at puro puti ang paligid? Nanlalabo rin ang paningin ko kaya't hindi ko makita ng maayos ang paligid ko.
"Ommyy! Nasa langit na ba ako? Noo!" Natataranta kong sabi at nang napalingon ako sa gilid at may nakitang tao.
"San Pedro kayo po ba yan?" Natataranta kong tanong huhuhu! Naramdaman kong lumapit ang tao at........BINATUKAN AKO!
*Bugsh*
"Gaga sinong San Pedro sinasabi mo!" Galit na sabi ng isang bakla, baklang palaka.
"Buhay ako buhay ako!" Tumayo ako sa kinahihigaan ko at nagtatalon WHOOO!
"Shhhh! Baka magising mo si tita" pag aawat sa akin ni steph. Napatigil naman ako sa pagtalon. Ano si mommy NANDITO? Tumingin ako kung saan nakaturo ang daliri ni Steph at doon nakita kong natutulog si mommy na mukhang pagod at maga ang mga mata dahil sa kaiiyak. Biglang may kung anong kumirot sa puso ko at napaisip kung bakit siya nandito pagkatapos niya akong itulak sa barko.
Humakbang ako palapit kay mommy na biglang nagising at nagulat ng makita ako. Agad siyang lumapit sa akin at yumakap.
"Anak buhay ka"madamdaming sabi ni mommy."Salamat dahil lumaban ka at hindi mo ako iniwan"dagdag pa niya. Sobrang saya ng puso ko dahil sa mga narinig ko , nananaginip ba ako pakisampal mga ako huhuhu!. Tumulo ang mga luha mula sa akong mga mata, luha ng kaligayahan OMGGGG!.
Isang linggo lang ang tinagal ko sa ospital at ngayon uuwi na ako kasama si MOMMY! Sobrang saya ng puso ko dahil nandito na ulit siya sa tabi ko at nangakong hindi na ako iiwan. Kasalukuyan naming hinihintay si Tito Fernando dito sa labas ng ospital dahil siya ang naghahatid sa amin pauwi. Hindi ko alam pero parang nagbago na ng tuluyan si mommy , naging malapit nga siya sa akin pero mukhang lumalayo na ang loob niya kay Tito Fernando. Bakit kaya?
Ilang saglit lang ay dumating na si Tito Fernando at pinasakay na kami sa kanyang kotse. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang magtaka, bakit hindi sila nagkikibuan? Kumusta na ba ang kaso ni daddy?. At dahil hindi ko na kayang tiisin ang katahimikan , nagsalita na ako?
"Hmmm Tito kumusta na po kayo"? Habang nakangiti kong sabi. Agad naman siyang sumagot.
"Ayos lang naman,ikaw kumusta na ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni Tito. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil magkaugali sila ni daddy, parehong maalalahanin at maalaga kaya nga nagtataka ako kung bakit wala pa rin siyang asawa o kahit girlfriend man lang eh gwapo naman siya pero mas gwapo si daddy, missyou daddy!.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay biglang nagsalita si Tito." Oh Dhenzel mukhang malalim ata ang iniisip mo"nag aalalang sabi ni tito. Napansin niya na kanina pa ako nag iisip kung bakit wala pa talaga siyang asawa , mygad Dhenzel you are so pakialamero!
"Ahmm nagtataka lang po kasi ako dahil sa gwapo niyong yan eh wala pa kayong asawa o kahit girlfriend man lang" nahihirapan kong sabi sabay peace sign hehez.
"Ah yun ba bakit hindi mo tanungin ang mommy mo" nakangising sabi ni tito. Napatingin naman ako kay mommy na ngayon ay gulat na gulat at biglang lumabas ng kotse.
"Halika na Dhenzel"utos ni mommy kaya wala akong nagawa kundi sumunod. Nagpaalam na kami kay tito at nakangiti naman ito habang nakatingin kay mommy bago tuluyang umalis.Napatingin naman ako kay mommy at inasar.
"Ikaw mommy ah lumalovelife ka ulit ah" pambibiro ko sa kanya. Napangiti naman si mommy sa akin." Kung alam mo lang anak" mahinahong sabi ni mommy sabay yakap sakin. Kinilig ako hihihihi at hindi ako makapaniwalang maya yakap ko siya YEY!
"Aayusin ko muna ang kwarto mo ah masyado kasing makalat kaya dito ka muna sa sala okay" masayang Abu ni mommy sabay kiss sa noo ko Ommyy nikikilig talaga ako hihihi. Hindi muna ako pumasok sa loob ng bahay sa halip naupo ako sa may pintuan at napatingin sa mga bituin at ang buwan na kaaalukutang nagniningning. Hindi ko akalaing magiging totoo ang dating pangarap ko.
At ngayon handa na akong simulang muli ang buhay ko kasama ang taong naging magiging inspirasyon ko......si MOMMY.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019