Dhenzel's POV:
Pagtapos magsulat sa diary at pumasok na ako sa campus. Medyo masakit pa rin si eva ko pero dedma lang para hindi mahalata ng mga tao sa paligid ko. Halos sumabog ang puso ko sa sobrang saya ng makita ko si Denver na kasalukuyang nakatayo sa harap ng campus, OMG! Hinihintay niya ba ako ehe ehe. Habang papalapit ako sa kanya ay hindi ko maiwasang titigan si junjun niya, hindi ko kasi nakita ng maayos kagabi kasi madilim huhuhu.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa pumasok sa loob?"Pagmamaang maangan kong tanong sa kanya. Napansin kong hindi maganda ang hulma ng mukha niya pero ng lumapit ako ay agad itong napalitan ng ngiti.
"Sinisigurado ko lang na ligtas kang makakapasok sa campus natin at saka may bibilhin lang ako sa kanto"Mahinahon niyang sabi dahilan para kiligin ako. Ano ba Dhenzel! Aral muna bago LANDI pero pwede rin naman na BOTH hihihi.
"Okay lang ako don't worry, mag iingat ka ah"masayang tugon ko bago siya yumakap sa'kin. Akmang maglalakad na ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Sandali, susunduin kita mamaya" nakangiti niyang sabi habang hawak ang kamay ko. Ngumiti lang ako nilang pagsang ayon sa sinabi niya at saka lumakad. Pinagmasdan niya lang ako habang pumapasok sa loob ng campus, sobrang sarap sa pakiramdam na mahalaga ka, na ikaw yung priority. Napatingin ako sa relos ko na kulay sky blue at nakitang 5 minutes na lang at malalate na ako! Tatakbo na sana ako ng mabangga ang isang babae. Sobrang bilis ng pangyayari kaya hindi ko namalayang nabangga ko na pala siya. Tinulungan ko naman siya agad sa pagtayo bago ko napagtanto kung sino siya........ Si Sabrina. Nakaramdam ako ng takot ng makita ko siya, kakaibang pakiramdam na parang may masama siyang gagawin. Nakatingin lang siya ng masama sa'akin bago ako nagsalita.
"Sorry" paghingi ko ng tawad habang pinipilit ang mga gamit ko sa lapag. Hindi naman siya kumibo hanggang sa matapos ako sa pagpulot. Aalis na sana ako ng harangan niya ang daraanan ko.
"So you are the reason huh, wait for my revenge"mataray niyang sabi na ipinagtaka ko. Anong problema niya? Anong sinasabi niya? Bakit parang sa lahat ng nangyari , ako pa ang may kasalanan? Hindi pa ba siya masaya na nakuha na niya si Andre? Hays, hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy na ako sa paglakad, ayoko rin kasing masira ang magandang araw ko.
Dumiretso na ako sa loob ng room namin at mabuti nalang umabot ako sa oras Whoooo! Nagtatatalon muna ako sa sobrang saya na nakaabot ako sa oras nang mapansin kong nasa likod ko na pala ang prof namin kaya para akong makahiya na dahan dahang naglakad papasok sa loob ng room.
Pag upo ko sa upuan ko na katabi ng bintana ay may nakita akong sulat sa ibabaw ng desk ko.
Bakla? Kumusta ka na? Sorry ah busy kasi ako kaya hindi kita nadadalaw blah blah blah.
Biglang kumirot ang puso ko ng maalalang ilang buwan na rin pala kaming hindi nagkikita ni bakla. Namimiss ko na ang bestfriend ko Huhuhuhu. Hays, ang hirap talaga kapag mag aasawa na. Hindi na rin siya nag oopen ng kahit anong social media accounts niya kaya hindi ko siya makumusta.Biglang umihip ang malamig na hangin kaya napatingin ako sa labas, sobrang dilim.
Ilang saglit lang ay bumuhos na nga ang ulan , boseeet na panahon ito sumakay pa sa pagkamiss ko kay bakla. Nagsimula na rin na kumalat ang mga palaka sa kalsada, napangiti ako bago ko sila kinawayan.
"Hi bakla! Kung sino ka man diyan sana sumagot ka" natatawa kong sabi sa mga palakang nagkalat sa daan. Nagulat naman ako ng biglang nag ingay ang lahat ng palaka, OMGGGG ibig sabihin si bakla lahat 'yan ? Hahahahaha.
Ang tagal ng oraaaasss! Gusto ko nang makita si denverrrr! mabuti nalang at huling lecture na namin 'to kaya hindi ko na masyadong inisip ang oras.
30 minutes na matapos ang klase pero hindi pa rin ako sinusundo ni Denver dito sa room.
"5 minutes pa Dhenzel baka may ginagawa pa" bulong ko sa sarili ko habang nag iisip ng pwede kong gawin para hindi ako mainip kahihintay kay Denver. Lumipas pa ang Limang minuto pero wala pa rin siya kaya nag decide ako na umalis na. Medyo nagtatampo ako kay Denver kasi nagbitaw siya ng salita pero hindi niya tinupad. Naiinis ako pero parang mali kasi wala naman akong karapatan, kasi wala namang kami.
Nagpatuloy na ako sa paglakad ng may tumawag sa pangalan ko.
"Dhenzel!" Narinig kong sabi ng isang lalaki, bigla akong napangiti at napahinto dahil alam ko kung sino ang nagsalita , si denver.
"Sorry ngayon lang ako" nahihirapan niyang sabi. Teka? Bakit parang nag iba ang boses niya? Baka siguro sa sobrang pagod niya kaya natuyo na ang lalamunan niya hihihi naisip ko tuloy yung plok plok. Lilingon na sana ako kaso naisip kong mag pabebe muna ako kasi pinaghintay niya ako ng matagal.
"Pinaghintay mo ako ng matagal" pabebe kong sabi habang nakatalikod sa kaniya. Naramdaman ko naman ang yabag niya papalapit sa'kin. Gustong gusto ko ng humarap sa kanya para yakapin siya pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Dhenzel" tawag niya sa pangalan ko. May kung anong kumirot sa puso ko dahil sa tono ng pag tawag niya sa pangalan ko, mukhang hindi si Denver ang nasa likod ko. Sana nagkakamali lang ako sa inaakala ko. Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko at doon nakita ko ang unang lalaking minahal ko at lalaki na siyang dahilan kung bakit ako nagbago at ang lalaking iniwan ako. Kasalukuyan siyang nakangiti sa'kin habang naghahabol ng hininga dahil mukhang malayo pa ang tinakbo niya.
"Dhenzel" tawag niya ulit sa pangalan ko dahilan para tumulo ang mga luha ko. Mga luhang hindi dahil sa galak kundi mga luhang dahil sa pagsisisi. Hindi ko alam kung bakit siya nandito? Kung bakit siya bumalik? Kung bakit niya pa ako kakausapin ulit kung alam ko na ang sagot sa mga tanong na matagal kong tinago.
Gusto ko siyang lapitan at saktan. Gusto ko siyang tanungin, bakit pa siya bumalik kung kailan okay na ako, kung kailang limot ko na siya, kung kailang meron ng iba.
"Pwede ba kitang makausap?" Hingal niyang sabi.
"Andre" mahinang sambit ko.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019