Chapter 19

33 7 0
                                    

Dhenzel's POV:

Isang linggo rin kaming nanatili sa bahay nila Steph at masasabi kong sobrang worth it ng pagsama ko kasi naramdaman kong parang may pamilya ulit ako, sayang nga lang dahil kailangan na naming bumalik sa Manila dahil balik eskwela na naman. Kasalukuyan kaming nasa barko pabalik ng Manila pero yung pagkatao ko nasa Vizayas pa rin. Sobrang saya ng puso ko kasi dahil sa mga nalaman ko kay tita Maggie about kay mommy at kung gaano niya ako kamahal kaya handa na akong harapan siya.Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.

"Bakla?anyare sayo?baliw ka na ba?"Pang aasar ni baklang toh! Agad naman akong natauhan at tiningnan siya ng masama. Kasalukuyan kaming nasa gilid ng barko at nakatanaw sa papasikat na araw.

"Palibhasa pinayagan ka na ni tita Maggie na magpakasal eh, mayabang" sabay irap ko sa kanya. Nakita ko naman na parang naluha si bakla kaya tinapik ko siya.... ng MALAKAS!

"Aray naman, salamat sa pagdabog sa likod ko ah" naiinis niyang sabi at nakangiti pa rin.

"Bakit ka ba kasi umiiyak habang nakangiti? Ikaw ata ang baliw ah"pang aasar ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim bago nagsalita.

"Hays, masaya lang ako kasi bumalik na si mama sa dati at natanggap na niya ang pagkawala ni papa, nagkasundo na rin kami ni kuya Angelo at nawala na ang galit ko sa kanya habang si Jordan naman ay hindi ako binibigyan ng sakit ng ulo tapos pumayag sila na magpakasal na ako ,kung nandito lang sana si papa malamang sobrang saya niya dahil unti unti na kaming nagtatagumpay"mahaba at madamdaming sabi ni steph. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Huwag ka nang umiyak ,mukha kang natatae" bulong ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi kaya gumaan na rin ang loob ko.

"Sira ka talaga, btw anong plano mo ngayon pagbalik sa Manila?kakausapin mo na ba si tita Rose o ano?" Nag aalalang tanong niya. Sa totoo lang maging ako ay nag aalala sa kung anong magiging reaksyon ni mama kapag nagkita kami at ikwento ko sa kanya ang mga nalaman ko pero isa lang ang gusto ko, ang mabalik siya sa piling ko.

"Huwag kang mag alala ako na ang bahala ,ang isipin mo ngayon yung tungkol sa kasal niyo ni Jhonson" Mahinahon kong sabi. Biglang kinilig naman si bakla nang marinig niya yung pangalan ni Jhonson. Nakakairita siyang tingnan , mukhang tae HAHAHAHAHAHA!

"Enebe nemen heweg me me ngeng epeelele" malandi niyang sabi. "Haynaku! Nagkasingaw na naman ang bakla" bulong ko sabay tawa. Nakita ko namang biglang naging seryoso ang mukha niya na nakatingin sa likod ko.

"Para ka namang makakita ng multo" at saka ako lumingon sa direksyon kung saan nakatingin si Steph at doon nakita ko si......

"MOMMY" para akong bata na naghahanap nang kalinga ng isang ina. Automatic na gumalaw ang mga paa ko papunta kay mommy. Nakangiti siya sa akin ngayon.Gusto ko siyang yakapin at sabihing mahal na mahal ko rin siya kagaya ng sinabi sakin ni tita Maggie
pero natigilan ako dahil isang napakalakas na sampal ang ibinungad niya sa akin. Nawala ang mga ngiti niya ng tumingin siya kay Tito Fernando na nasa tabi niya.

"BAKIT KA NANDITO!"galit niyang sabi. Gusto ko man nagsalita pero ayaw bumuka ng bibig ko kaya lalong nagalit si mommy.

"TINATANONG KITA SUMAGOT KA!" Sa puntong iyon wala na akong ibang nagawa kundi umiyak , hindi dahil sa sakit na galing sa sampal niya kundi sa sakit dahil sa mga sinasabi ng mga taong nasa barko. Dahan dahan akong lumapit kay mommy pero agad niya akong tinulak sa gilid ng barko. Inawat naman ako ni Steph at sinabing huwag na akong lumapit kay mommy pero hindi ko siya pinakinggan.

"WALA KANG KWENTANG ANAK!PINATAY MO ANG DADDY MO!" Nanggagalaiti niyang sabi sabay hatak sa buhok ko, wala naman akong nagawa kundi umiyak lang habang hawak ni mommy ang buhok ko hanggang sa naramdaman kong parang nalaglag ako sa barko.

Hindi ko namalayan na nasa ilalim na ako ng tubig kasunod ng malakas na tunog mula dito. Hindi ko magawang lumangoy kaya't madami akong nainom na tubig dagat. Narinig kong nagsisigawan ang mga tao sa barko lalo na si Steph samantalang si mommy ay hinahampas ang dibdib ni Tito Fernando. Ilang saglit lang ay narinig kong sumigaw si mommy kasabay nun ay tuluyang paglubog ko sa tubig.

"DHENZEL!!"

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon