Chapter 46

25 7 0
                                    

Dhenzel's POV:

"Dito ba talaga tayo mag uusap?" Mapang asar na tono ni Andre. At ano naman ngayon kung dito sa Amsterdam bridge ko gustong pumunta, anong feeling niya gusto kong pumunta rito para sa kanya? Like wtf! Assuming siya masyado. Ayoko lang talagang makita kami ni Denver sa loob ng bahay ,mamaya ano pang isipin niya na ginawa namin. "Sinabi ko bang sundan mo ako?" Mataray kong sabi. Bigla naman siyang ngumiti dahil sa inasal ko. Anong nakakatawa doon? Nababaliw na ata 'tong tao na 'to. Ano bang klaseng pag aalaga ang ginawa ni Sabrina sa kanya at mukhang napariwara. Hays, bakit ko ba sila pinakikialaman, may sarili naman na akong buhay, may Denver na rin ako ehe ehe.

Napansin kong nakatitig pa rin siya sa lukot kong mukha,qiqil kasi ako sa kanya ih.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, simula ng makilala kita hanggang ngayon........MAHAL PA RIN KITA" diretso sabi niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya at napako sa kinatatayuan ko. Boset 'tong lalaking 'to, ano bang kailangan niya? Hindi ba siya nasarapan sa kwek kwek  ni sabrina? Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Shocks! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Diba naka move on na ako, bakit ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko pagdating sa kanya? Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at  akmang aalis pero pinigilan niya ako.

"Dhenzel, ikaw pa rin ang mahal ko" lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Bakit siya ganyan? Bakit babalik siya kung kailan okay na ako? Kung kailan nabuo ko na ang sarili ko, Kung kailan may mahal na akong iba.

"Ano ba talagang plano mo? Bakit ka ba bumalik? Para saktan ulit ako? Para paasahin ulit ako? Tapos ano iiwan mo nanaman ako kapag nahulog na ako sa'yo! Hindi na ako papayag, uuwi na ako" diretso kong sabi at saka tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Natanggal ko nga ang kamay ko pero niyakap naman niya ako. "Patawarin mo ako Dhenzel please!" Pagmamakaawa niya sa'kin. "Ayoko ng gulo Andre, uuwi na ako at baka makita pa tayo ni Sabrina" pagpupumiglas ko sa yakap niya pero sadyang malakas siya at hindi ko kaya.

"Makinig ka sa'kin, hindi ko mahal si Sabrina  nasabik lang pala ako sa kanya pero ikaw pa rin ang mahal ko" pagpapaliwanag niya at tila naluluha na rin siya dahil nararamdaman kong basa na ang damit ko sa may balikat. Hindi ako kumibo sa sinabi niya, alam ko ang totoo at kahit kailan hindi na ako magpapauto sa kanya.

"Dhenzel maniwala ka,ikaw talaga ang mahal ko" Piyok niyang sabi habang  nakayap pa rin sa'kin.

"Pero hindi na ikaw ang mahal ko, may iba ng nagmamay ari ng puso ko" agad kong tugon na lalong nagpaiyak sa kanya. "Alam kong mahal mo pa rin ako pero natatakot ka lang na masaktan ulit, nangangako ako na hindi na kita ulit iiwan Dhenzel pagbigyan mo lang ako" sunod sunod niyang sabi. Pinilit kong makawala sa pagkakayakap niya at nagtagumpay ako. Aalis na sana ako pero alam kong kailangan kong linawin ang lahat bago ako lumisan. "Sana bago mo ako iniwan inisip mo na 'yan, sana bago kayo nag landian inisip mo muna kung may masasaktan at sana sa umpisa pa lang sinabi mo na sa'kin ang lahat para hindi na ako nasaktan!" Sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Sobrang bigat na rin ng pakiramdam ko at ang dami kong iniisip tapos sasabay pa siya, hindi ko na kaya.

"Sorry Dhenzel sorry" Piyok niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Gusto ko man siyang saktan gamit ang aking mga kamay ko pero mas pinili ko siya saktan gamit ang mga katagang.....

"Hindi na kita mahal" nahihirapang sabi ko
dahilan para mapayuko siya. "Dahil si Denver na ang mahal ko, Oo ang pinsan mo ang bagong nagpapatibok ng puso ko" dagdag ko pa na siyang ikinagalit niya.
"Bakit sa dinami rami ikaw pa ang bibiktimahin niya" nanggagalaiting sabi niya at pinagsasapak ang sahig ng kalsada. Anong pinagsasabi niya? Hindi ako nabiktima, nainlove ako kay Denver at kusa ko 'yong naramdaman.

"Anong nakita mong nakakaibig sa kanya?" Seryosong tanong niya.

"Isa lang ang sagot, siya ang bumuo sa'kin nung sinira mo ako" diretso kong sabi at saka naglakad palayo sa kanya.

Ayoko nang makarinig pa ng kahit ano sa kanya dahil pakiramdam ko ay puro kasinungalingan lang ang sasabihin niya. Ayoko nang marinig ang mga dahilan niya dahil tapos na ang lahat at hindi na namin 'yun maibabalik.

"Wala na kami ni Sabrina" biglang sabi niya dahilan para huminto ako sa paglalakad.
" Anong gusto mong gawin ko? Magparty?" Sarkastikong sabi ko. Narinig ko naman siyang tumawa ng bahagya bago nagsalita.

"Naaalala mo na yung ikinuwento ko sa'yo dati?  yung tungkol sa pinsan ko?" Mahinang sabi niya at biglang may bumalik na alaala sa isip ko.

Hapon ng pumunta  kami  ni Andre sa Amsterdam bridge, masama ang loob niya ng araw na 'yun dahil sa pinsan niya na hindi ko kilala.

"Lagi nalang siyang kinakampihan ni mommy at daddy, pakiramdam ko tuloy ako yung ampon" madamdaming sabi ni Andre habang nakasandal sa'kin at nakatingin sa kawalan. Nanatili akong tahimik at nakinig sa kwento niya.

"Simula ng mawala si Tito at tita ay inampon na namin siya. Akala ko nung una mabait siya pero napansin kong makasarili siya , lahat ng bagay na gusto niya ay dapat mapasakanya. Laruam, pagkain , atensyon ni mommy at daddy. Inintindi ko nalang siya kasi alam ko namimiss niya lang ang mommy at daddy niya hanggang sa magbinata kami at nainlove ako sa isang babae"pagkukwento niya. Ramdam ko ang bawat sakit na nararamdaman niya sa bawat salitang binibitiwan niya. Niyakap ko lang siya at hinayaan magkwento.

"Mahal na mahal ko yung babaeng 'yun at ipinangako kong papakasalan ko siya. Naging okay naman ang lahat hanggang sa nakilala siya ng pinsan ko. Biglang nagbago ang lovestory namin dahil hiniling sa'kin ng pansin ko na hiwalayan ko ang babaeng pinakamamahal ko, si Sabrina." Hindi na niya napigilan ang sarili niya at tuluyan nang bumagsak ang  mga luha niya.

"Anong dahilan ng pinsan mo bakit hiniling niya yun sa'yo" Nagtatakang tanong ko habang hinihimas ang ulo niya. Agad naman siyang sumagot. "Si Sabrina daw ang babaeng matagal na niyang hinahanap, ang babaeng pinangakuan niyang babalikan. Wala akong nagawa at hinayaan kong mahulog ang babaeng mahal ko sa pinsan ko. Sinasaktan ko siya dahil 'yun ang sinasabi ng pinsan ko at siya ang nagsisilbing kanlungan ni Sabrina hanggang sa iwan na niya ako" naaawa at nasasaktan ako sa nangyari sa kanya.
"Huwag kang mag alala, hindi kita iiwan" tugon ko at niyakap siya.

Napahawak ako sa bibig ko ng mapagtanto kung sino ang tinutukoy niya. Hindi totoo ito, hindi totoong si Denver ang lalaking tinutukoy ni Andre na pinsan niya , HINDI! Bigla kong naalala ang araw na nakita ko si Sabrina sa campus. At pagkatapos nun ay hindi na ako sinundo ni Denver , ibig sabihin nagkita sila nung araw na 'yon at nilihim sa'kin ni Denver.Nanginginig ang buong katawan ko at nanghihina ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko pinaglaruan ako ng tadhana. Napaupo ako sa sahig at nagsimulang umiyak. Nasasaktan at naguguluhan ako sa mga nangyayari , hindi ko na alam ang uunahin ko at hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko. Alam kong wala akong karapatan dahil wala namang kami pero ang sakit! Ang sakit sakit dahil alam kong babalikan ni Denver si Sabrina dahil siya ang pinangakuan at siya ang unang minahal at ako, wala naman akong karapatan dahil KAIBIGAN NIYA LANG AKO! KAIBIGAN LANG! Ayaw maniwala ng isip ko  kay Andre pero bakit parang sumasang ayon sa kaniya ang puso ko. Naramdaman kong yumakap siya mula sa likuran ko.

"Hindi ka minahal ni Denver, niloloko ka lang niya at ginamit ka lang niya para bumalik sa kanya si Sabrina" pagpapaalala niya sa'kin. "Pero bakit niya ako gagamitin?" Pagbalik ko sa kanya, kahit alam ko ang sagot mas gugustuhing kong marinig yun kay Andre dahil mas kilala niya si Denver." Dahil alam niyang ex kita at alam niya rin na kilala ka ni Sabrina kaya pinagplanuhan niya ang lahat bago pa kayo magkakilala" mabilis na tugon ni andre. Nasampal ako sa katotohanang umiikot lang ang buhay ko sa pagiging option. Na ako ang kontrabida sa lovestory ni Sabrina.

At hindi ako magiging priority dahil second option lang ako.

"Gagawa ako ng paraan para bumalik ka sa'kin" seryosong sabi niya.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon