Rose's POV:
Simula ng iwan ni Denver ang anak ko, nag iba na siya. lagi ko nalang siyang makikitang malungkot at madalas ko siyang makikitang umiiyak. Talagang mahal na mahal ng anak ko si Denver pero mas mabuti na ang ginawang paglayo ni Denver dahil gusto niyang sumaya si Dhenzel at hindi magdusa kapag nalaman niya ang totoo. Nag aalala man, alam kong kayang kaya ni Dhenzel ang mga pagsubok na pinagdadaanan niya. Masakit sa'kin na makita siyang umiiyak . Kung pwede lang mapasa ang sakit, ako nalang ang sasalo nito. Ayokong makitang nagdurusa ang anak ko. Naaawa ako. Nasasaktan ako.
"Mommy"mahinang sabi ni Dhenzel habang lumuluha.
"Gising ka na pala anak, kumusta ka na?" Nag aalalang sabi ko. Bakit ba kasi nangyayari 'to sa anak ko, pwede namang ako nalang ang parusahan sa mga kasalanang nagawa ko basta't makita kong masaya ang anak ko.
Ngumiti ako ng pilit. Ayokong alalahanin pa niya ako kaya magpapanggap nalang ako na okay lang ang lahat kahit na ang totoo, durog na durog na ako dahil sa nangyayari sa kanya.
"Mommy, bakit? bakit?" Mahinang sabi niya habang patuloy ang pagpatak ng luha niya. Nanghihina ako. Nahihirapan akong huminga. Ang sakit pagmasdan na naghihirap ang anak mo. Pakiramdam ko wala akong kwentang ina.
"Matatapos din ang lahat anak, magpahinga ka muna para lumakas ka. Bibili lang ako ng gamot mo" pinilit kong ngumiti bago lumabas ng kwarto niya saka hinayaang maglandas ang mga luha ko.
Bakit?
Bakit ang anak ko?
Bakit hindi nalang ako?
Tatlong araw, tatlong araw kong nakitang naghihirap ang anak ko. Sobrang nasasaktan ako habang pinagmamasdan siya. Pagkatapos ng tatlong araw, nakalabas na kami ng ospital at ngayon, kasalukuyan siyang nagpapahinga.
"Patawad anak, hindi ako naging mabuting ina" madamdaming sambit ko habang hinihimas ang buhok niya. Kung nandito ang daddy niya, siguradong magagalit 'yun dahil sa nangyayari sa kanya. Hindi na rin naghihirap si Jack ngayon dahil masaya na siya sa langit.
Kailangan kong umisip ng paraan para masolusyunan ang problemang ito. Biglang may kung anong pumasok sa isip ko. Dali dali akong pumunta sa kusina at kumuha ng isang kutsilyo bago bumalik sa kwarto ni Dhenzel. Ito na lang siguro ang alam kong solusyon sa problema ng anak ko, kailangan na niyang mamahinga. Dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya.
"Patawad anak, mahal na mahal ka ni mommy" Piyok kong sabi at akmang itatarak na ang kutsilyo nang magising siya.
Nagulat siya nang makita ako kaya bigla siyang napatayo. Nabigla rin ako sa ginawa ko.
"Mommy" nakita kong ang takot sa mukha ng anak ko , na para bang mamamatay tao ang tingin niya sa'kin , pero ang gusto ko lang ay matapos na ang paghihirap niya, ito nalang kasi ang naisip kong paraan.
Akala ko kaya kong gawin, hindi pala.
Agad kong binitawan ang kutsilyong hawak ko saka napahawak sa pinto ng kwarto ni Dhenzel. Nakita kong nag iba ang ekspresyon ng mukha ng anak ko, naging galit at poot ang kaninang takot niya.
"Bakit mo ginawa kay daddy 'yun?" Lakas loob niyang sabi. Biglang may kung anong kumirot sa puso ko , pinagbibintangan niya ako, naniwala siya sa Tito niyang si Fernando.
Ang sakit.
Ang sakit na pati ang sarili kong anak, ako ang sinisisi sa pagkawala ng daddy niya. Naramdaman kong nangilid ang mga luha ko kaya imbes na sagutin ang tanong niya. Mabigat ang loob kong umalis ng kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019