Dhenzel's POV:
"Andre"tawag ko sa kanya. Napalingon naman siya sabay ngumiti.
"Hi" nakangiti niyang sabi. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha . Nakatingin lang siya sakin at nagtataka. Kitang kita sa mata niya ang awa, ang lungkot,at pagsisisi.
Tumingin ako sa kawalan bago nagsalita.
"Ang sakit isipin na kung saan tayo nagsimula, doon din tayo magtatapos" mahina pero sapat na para marinig niya.
"Akala ko tayo na"
"Akala ko ikaw na"
"Akala ko may kakampi na ako"
"Akala ko mahal mo ako"
"Akala ko hindi mo ako iiwan"
"Akala ko hindi mo ako sasaktan"
"Akala ko sapat na ako"
"Akala ko lang pala." Sunod sunod kong sabi kasabay ng pagpatak ng aking luha. Tanging mga hikbi ko ang naririnig sa buong tulay. Kaunti nalang ang natitirang oras na igugugol ko kasama siya kaya gusto kong ipakita na takot akong mawala siya.
Hinawakan niya ang kamay ko. Lumuhod at saka umiyak.
"Ang Alam ko kasi mahal na kita"
"Ang alam ko kasi nakalimutan ko na siya"
"Ang alam ko kasi hindi ko kaya ng wala ka"
"Ang alam ko kasi sayo na ang puso ko " malamig niyang sabi kasabay ng sunod sunod na hikbi. Totoo ba ito o nananaginip lang ako? Ito ba talaga ang kapalaran ko?Ang maiwan ng mga taong mahal ko.
"Pero maniwala ka sakin Dhenzel minahal kita pero kasi nung bumalik siya, nabura ka dito" sabay turo niya sa puso niya. Tila binuhusan ang buong katawan ko ng malamig na tubig. Minahal? Nabura? Kalokohan!
Nagpanggap ako na hindi nasasaktan sa mga sinabi niya kahit sa loob loob ko ,durog na durog na ako. Parang kahit anong oras pwede akong malagutan ng hininga dahil sa mga sinasabi niya. Pinilit kong magpakatatag dahil hindi ko pa nakukuha ang sagot sa tanong ko.
"Siya pa rin pala mahal ko at mali pala ang nararamdaman ko sayo" dagdag pa niya.
"Sana matanggap mo Zel dahil ayokong magsinungaling sayo ,sana mapatawad mo ako dahil hanggang dito lang ang kinaya ko, sana mapatawad mo ako dahil hanggang dito nalang tayo." Pagpapaumanhin niya. Hindi ko na kaya ang ganitong sitwasyon. Parang sasabog na ako.
Napaupo ako at ibinuhos lahat ng sakit. Paulit ulit kong hinampas ang pader sa gilid ko. Ang sakit sakit pero kailangan kong tanggapin, kailangan kong lumaban para sa sarili ko at hindi para sa ibang tao.
"Tama ,hanggang dito nalang"piyok kong sabi. Gusto ko man lumaban pero siya na ang unang sumuko.
Biglang nagring ang phone ni Andre. Agad niya itong kinuha.Pagkatapos basahin ang mensahe ay tumingin siya sakin.
"Hinahanap na ako ni Sabrina,mauna na ako. Salamat at paalam"pilit niyang sabi at nagpunas ng mga luha sabay talikod, nilakasan ko na ang loob ko para alamin ang sagot niya sa tanong ko. Ano mang sagot ang makuha ko ,ang mahalaga maliwanagan ako.
"Teka paano yung mga text at message mo sakin totoo yun diba? Kanina ko pa ito gustong itanong. Ito nalang kasi ang pinanghahawakan ko na alam kong totoo at galing sa puso niya. Matagal bago niya sinagot ang tanong ko.
"Joke lang lahat ng yun, naniwala ka naman." Malamig niyang sabi. Nanlambot ang buong katawan ko at napahawak sa tulay, pinilit kong tumayo at ngitian siya kahit pilit. Nagpatuloy na siya sa paglalakad papunta sa kotse niya.
Tumingala nalang ako sa langit at pinagmasdan ang paglaho ng buwan at mga bituin, pati sila iniwan na rin ako. Tanaw ko ang Madilim na kalangitan at tanging kulog ang naririnig ko.Napalingon naman ako kay Andre na nasa loob na ng kotse,nginitian ko lang siya at kumaway.
"Salamat at paalam" mahina kong sabi. Nag aalala siguro siya dahil uulan na pero ako nandito pa rin. Huminto siya sa harapan ko,Huminga ng malalim bago nagsalita.
"Okay ka lang ba ?" Nag aalalang tanong niya.
"Okay lang ako, salamat sa oras mo" pinilit kong ngumiti para maitago ang sakit kaya tumalikod nalang ako at umiyak.
"Dhenzel" tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Ang sakit sakit hindi ko alam kung bakit.
"Malaya ka na" huling sabi niya at nagpatuloy na sa pagmamaneho ,unti unting naglaho ang kotse ni Andre sa paningin ko kasunod ang malakas na buhos ng ulan.
Malaya ka na
Malaya ka na
Paulit ulit na bumabalik ang huling katagang sinabi niya.
Pasensiya na
Kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod
KakahintayKaya sa natitirang
Segundo ng kayakap ka
Maaari bang magkunwaring
Akin ka paMangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangako pa rin
Kahit masakitBaka sakaling
Makita kitang muli
Pag sikat ng araw
Paglipas ng gabiKung di pipilitin
Ang di pa para sakin
Baka sakaling
MaibalikMalaya ka na
MalayaSinabi kong okay lang ako , pero hindi ito, itong puso ko.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero sa pagkakataong ito wala ng Andre na ihahatid ako, wala ng Andre na maghahawak ng payong para hindi ako mabasa ng ulan dahil ngayon basang basa na ako sa ulan.Wala ng Andre na kaharutan ko sa lugar na ito dahil ako,ako nalang mag isa. Wala ng Andre na magsasabing mahal niya ako dahil iniwan na niya ako.
Naglalakad mag isa dahil iniwang nag iisa.
Featured song:
Malaya- Moira Dela Torre
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019