Rose's POV:
Isang gabi palang nawalay sa piling ko si Dhenzel ngunit labis na akong nag aalala pero sa kabilang banda, mas mabuti na rin na malayo siya dito dahil umaaligid na naman si Fernando at gusto niyang saktan si Dhenzel at 'yun ang hindi ko papayagan. Nabalitaan ko rin ang nangyari kay Dhenzel kaya agad ko silang pinauwi dito sa pilipinas upang alagaan siya ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin sila, nag aalala na ako baka natunugan sila ni.......Fernando.
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko ng maisip kong kasama ni Fernando si Dhenzel at may nangyari ng masama sa sa anak ko. Hindi ko mapapalabas ang sarili ko kapag nangyari 'yun.
*kring *kring
"Ano na namang kailangan mo!?" Galit kong sabi ng sagutin ang tawag ni Fernando.
"Wala naman, gusto ko lang sanang tanungin kung nandyan na ba si dhenzel?"sabay tawa ni Fernando sa kabilang linya. Bigla akong nakaramdam ng takot ng marinig ang pangalan ng anak ko na bibig has ng gagong ito. "Nandito na siya" pagsisinungaling ko, narinig ko namang tumawa lang siya sa kabilang linya."SINUNGALING!" Biglang naging seryoso ang boses niya. Nagtayuan ang mga balahibo ko." Kasama ko siya ngayon at baka hindi na siya makauwi HAHAHAHAHA" nababaliw niyang sabi." Huwag mong sasaktan ang anak ko!" Matigas kong sabi. " eh paano kung saktan ko? Anong gagawin mo?" Agad niyang tugon na lalong nagpainit ng dugo ko.
"NASA--" hindi ko na natapos ang sasabihin ng ibaba niya ang telepono. Anong gagawin ko? Baka saktan niya ang anak ko! Nawala na sa'kin si Jack, ayokong pati si Dhenzel ay mawala na rin dahil sa'kin. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng mahagip ng aking mga mata ang isang pamilyar na mukha ngunit hindi ko na ito inintindi sa halip ay nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa police station.
"Sir, tulungan niyo po ako!" Pagmamakaawa ko sa isang pulis na nakasalubong ko." Ano po bang problema?" Nag aalalang tanong ng pulis." Nawawala po ang anak ko at-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ang pulis.
"Kailan pa po siya nawala?" Tanong ng pulis." Kanina pang umaga" agad kong tugon.
"Patawad po pero 24 oras pa po bago ikonsiderang nawawala ang anak niyo" pagpapaliwanag ng pulis na siyang dahilan para magalit ako. " 24 oras! Paano kung sabihin kong kinidnap siya?!" Galit kong sabi dahilan para nagbago ang ekspresyon ng mukha ng pulis. "At paano niyo naman po nasabi?" Tanong ng pulis. "Tumawag sa'kin yung Tito niya na kumidnap sa kanya!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko dahilan para tumulo ang mga luha sa mga mata ko habang iniisip na baka bukas, wala na ang anak ko. Pinilit kong ayusin ang sarili ko bago humarap sa pulis."Kung hindi niyo ako tutulungan, ako na mismo ang gagawa ng paraan" pagkasabi ko ay agad akong tumalikod sa pulis at naglakad sa kung saang direksyon. Bawat hakbang na nagagawa ng paa ko, bawat luhang pumapatak sa mga mata ko, tingin ko kulang pa ito sa mga kasalanang nagawa ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung nasan ang anak ko, at hindi ko alam kung anong ginagawa sa kanya ni fernando. Patawarin mo ako anak dahil nadadamay ka sa kasalanan ko. Kung saan saan na ako nakarating at hindi ko alam kung saan ako titigil dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita ang anak ko at kahit pagod ay ipinagpatuloy ko ang paglalakad dahil umaasa akong makikita ko ang anak ko. Kung sino sino na rin ang pinagtatanungan ko pero ni isa walang nakasagot sa tanong ko. Bakit ba kasi nangyayari ito sa amin? Bakit kailangan kami pa ang magdusa? Bakit kasi hindi nalang kami patahimikin ni Fernando? Bakit ayaw niya pang kalimutan ang nakaraan namin? Bigla akong napahinto ng maalala ang nakaraan namin ni Fernando.
Isang masayang araw ng makilala ko si Fernando, napakabait, malambing at napagmahal sa magulang. Una ko palang siyang makita , alam kong may pagtingin na ako sa kanya. Nung una ay iniwasan ko siya sapagkat hindi kami pwede dahil mayaman langit siya at lupa ako. Napansin niya na iniiwasan ko siya kaya ng nag kausap kami ay inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko at sobrang saya ng puso ko ng malamang may pagtingin din siya sa'kin.
Lumipas ang isang taon bago ko ibinigay ang matamis kong oo kay Fernando, labis ang saya sa kanyang mga mata na nagsasabihing, hindi niya ako pababayaan. Pero isang linggo lang at lumabas na ang totoo niyang ugali, lagi siyang naghihinala, lagi niya akong sinasaktan at ang pinakamasakit , lagi niyang ipinamumukha sa'kin na pera lang ang habol ko sa kanya. Gayunpaman, mas pinili kong manatili sa tabi niya dahil alam kong magbabago siya pero mali ako hanggang isang araw, nakilala ko ang isang simpleng lalaki, isang lalaking kauri kong mahirap, isang mangingisda, at inuuna ang iba bago ang sarili at 'yun ang dahilan kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya.....kay Jack.
Pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko para kay Jack pero lalo lang itong lumalim dahil lagi siyang bumibisita sa amin at maghahandog ng mga simpleng pagkain na ikinatuwa ng mga magulang ko. Nalaman kong nay pagtingin din sa'kin si Jack at boto rin naman sa kanya ang mga magulang ko. Tila nawala ang nararamdaman ko kay Fernando kaya agad ko itong ipinagtapat sa kanya ngunit hindi siya pumayag na makipaghiwalay sa'kin at nagbanta na sisirain niya ang buhay ko.
Ipinagpatuloy ko ang nararamdaman ko kay Jack at masasabi kong masaya ako sa piling niya. Hanggang sa nalaman kong nagnakaw si Jack ng pera para lang may ihandog sa amin dahilan para magalit ako sa kanya at ipagtabuyan siya. Gusto ko ng malagay sa tahimik ngunit bumalik si Fernando at nangungulit, itinaboy ko siya pero hindi siya sumuko hanggang sa big yan ko siya ng pangalawang pagkakataon. Dalawang buwan ang lumipas at nalaman kong nagdadalang tao ako.
Bigla akong bumalik sa realidad ng tumunog ang phone ko, si Andre?
"ANO!? PUPUNTA AKO DYAN!" Taranta kong sabi saka dali daling tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Dhenzel.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
פרוזהPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019