Chapter 55

35 7 0
                                    

Dhenzel's POV:

"That's all for today class, goodbye" pagpapaalam ko sa mga pasawayyyy at makukulit kong mga Senior High School Students.

"Goodbye Miss Jimenez, soon to be Mrs. Villanueva." Mapang asar na tono ng boses nila. Mga batang 'to talaga oh basta love life updated.

"Advance kayo mag isip ah" natatawang sabi ko at naisip si Andre na papunta na dito anumang oras.

"Ay Ma'am, nasa labas na po si Mr. Villanueva" masayang sabi ni Matthew na isa sa mga estudyante ko. Biglang nagtinginan ang lahat bago nagsalita.

"Ayieeeeeeee" sabay sabay nilang sabi. At bumungad na nga si Andre sa pintuan ng classroom na 'to. Naramdaman kong biglang uminit ang mukha ko. Shocks! Nagba-blush ba ako? Kinikilig? Mygadd cassieee!

Napatingin ako sa mga estudyante ko na kasalukuyang nakatingin din sa'kin at hinihintay ang susunod kong gagawin. Ang cute nila tingnan. Inayos ko ang sarili ko at ang mga gamit ko saka naglakad na parang dalagang pilipina hanggang sa makalapit sa kanya.

"Let's go?" Masayang sabi niya. Anong meron? Bakit nakasuot siya ng magara eh kakain lang naman kami HAHAHA tapos ako mukhang teacher niya yay! Haynaku It doesn't matter naman.

"Sure Mr. Villanueva" mahinahong sabi ko at saka humawak sa braso niya at kumaway sa mga estudyante ko na parang isang miss universe. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse niya.


Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa isang mamahaling restaurant. Sobrang laki at mamahalin ang mga disenyo mula sa mga chandelier hanggang sa mga tables ay kabugan! Maraming tao sa loob  at halatang mayayaman ang mga ito dahil sa suot at pananalita pa lang. Agad kong kinalabit si Andre.

"Nakakahiya" bulong ko sa kanya at saka itinuro ang suot ko.

"Huwag kang mahiya. Sila ang dapat mahiya dahil kung wala ang mga katulad mo,  wala silang nalalaman" sabay nagpacute  ang ogag kainis! Naramdaman ko na namang uminit ang mukha ko, mabuti nalang at nakatalikod na siya kaya hindi niya ako nakitang namumula. Mas nakakahiya 'yun. Papunta kami sa  table namin nang mahagip ng mata ko ang isang tao na mukhang pamilyar, Denver? Napapikit ako dahil sa nakita ko at pagmulat ko ay wala na ito.

Nang nakapunta na kami sa table namin ay agad na umorder si Andre ng sobrang dami at mga mahal na pagkain. Mukhang mapapasabak ako ah. Bring it on!

Matapos niyang um-order ay tinitigan niya lang ako, AS IN titig na matagal.

"Baka matunaw ako ah" pang aasar ko sa kanya na halos hindi na alisin ang tingin sa'kin.

"It's been  2 years pero hindi pa rin ako makapaniwalang girlfriend ko na yung babaeng kaharap ko ngayon. Ang pinakamagandang babae sa mundo" nakangiting sabi niya. Kitang kita sa mata niya kung gaano siya kasaya. 

Yeah, it's been 2 years since iwan ako ng lahat ng taong akala ko ay magiging sandalan ko, iniwan ako ng mga taong mahal ko pero siya, nanatili lang sa tabi ko.

"Huh? Sino? Ako ba?" Maang maangan kong sabi. Nakita ko namang tumaray siya kaya natawa ako .HAHAHAHAHA  attitude ka ghorl?. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Nagtaka naman siya sa inasal ko.

"Thankyou" masayang sabi ko.

"Thankyou saan?" Nagtatakang sabi niya.

"Sa lahat lahat" agad kong sabi.

"Dikogets"sabay kamot niya sa ulo.

"Hays. Salamat dahil hindi mo ako iniwan nung mga panahong nawawala ako, yung mga panahong nag iisa ako, yung mga panahong magulo ang lahat. Salamat dahil sinalo mo na ako. Okay na?" Sabay tinarayan ko siya.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon