Rose POV:
Ilang beses na akong tinatawagan at tinetext ni Fernando para makipagkita siya sa'kin. Ilang beses ko na rin binababa ang tawag at hindi sinasagot ang mga text niya. Ayoko na ulit magpaalipin sa kanya , ayoko na ulit sundin ang mga utos niya na saktan ko ang anak ko. Sa simula palang ay alam na namin ang katotohanan sa likod ng pagkawala ni Jack pero dahil sa kasunduan namin, pumayag ako sa gusto niya. At ngayon kahit isiwalat niya pa ang buong katotohanan , walang maniniwala sa kanya lalong lalo na si Dhenzel. Hindi na ako malilinlang ni Fernando, ipaglalaban ko na ang anak ko pero natatakot pa rin ako na madamay si Dhenzel dito,pero nasa wastong edad na siya para malaman ang totoo at alam kong maiintindihan niya ako. Maiintindihan niya ang ginawa ko.
Alas dose na ng madaling araw ng makarating ako sa tapat ng bahay. Papasok na sana ako sa pintuan ng biglang may humatak sa'kin, si Fernando.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko" galit niyang sabi habang pahigpit ng pahigpit ang paghawak niya sa braso ko.
"Wala na tayong dapat pag usapan Fernando, hindi na ako natatakot sa'yo" habang pilit kong inaalis ang kamay niya sa braso ko pero imbes na alisin ay lalo niya itong hinigpitan. Ramdam ko ang sakit dahil sa ginagawa niya pero hindi ako nagpatinag.
"Kahit idamay ko pa si Dhenzel!" Matigas niyang sabi. Natatakot man akong madamay si Dhenzel pero alam kong hindi niya kayang lapitan ang anak ko hanggat nasa tabi niya ako kaya hindi na ako matatakot sa kahit anong banta ng lalaking ito.
"Subukan mo lang" Matigas kong sabi at tumalikod na sa kanya.
"Huwag mo siyang hahayaang malayo sa'yo kasi nasa paligid lang ako" nakangisi niyang sabi at tuluyang tumalikod at magsimulang maglakad palayo sa bahay namin.
Hindi ako nakatulog dahil iniisip ko kung anong mga hakbang ang gagawin ni Fernando para sirain ulit ang pamilya namin. Iniisip ko rin ang kaligtasan ni Dhenzel, nasa politiko si Fernando at alam kong kaya niyang gawin ang lahat dahil parte siya ng gobyerno.
Alas diyes na ng umaga pero hindi pa rin ako makatulog kaya't napagpasiyahan kong ipaghanda na lang ng almusal si Dhenzel. Ilang saglit lang ay bumaba na siya na pupungas pungas at saka yumakap sa'kin.
"Good morning mommy"masayang sabi niya. Niyakap ko rin siya pabalik at saka hinalikan ang kanyang ulo. Ilang saglit lang ay nagsalita na siya.
"Mommy pwede po ba akong sumama kay Steph na mamasyal?" Malambing niya sabi habang patuloy na nakayakap sa'kin.
"Oo naman , saan ba kayo mamamasyal?" Masayang tugon ko pero bigla akong natauhan ng maalala ang sinabi ni Fernando.
Huwag mo siyang hahayaang malayo sa'yo kasi nasa paligid lang ako
Huwag mo siyang hahayaang malayo sa'yo kasi nasa paligid lang ako
"Sa Paris, France po pero matagal pa naman po yun, sa Decem--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad akong nagsalita,"Hindi pwede!" Galit kong sabi. Nagulat naman siya sa inasal ko kaya napatango nalang siya at saka umupo. Patawad anak, alam kong mahalaga ang araw na iyon para sa'yo pero mas mahalaga ang kaligtasan mo.
"Anak sorry , pagod lang kasi si mommy" Mahinahon ko sabi at lumapit sa kanya na kasalukuyang kumakain. Maiintindihan mo rin ako balang araw anak,balang araw. Nginitian niya lang ako at yumakap.
Kinahapunan , nagpaalam si Dhenzel na pupunta sa Amsterdam bridge at dahil alam kong malapit lang ito sa bahay namin ay pinayagan ko siya. Nakapangbahay lang siya at may dalang shoulder bag nang umalis siya dito sa bahay.
Gabi na ngunit wala pa rin si Dhenzel kaya nag umpisa na akong mag alala, ang paalam niya sa akin ay bago magdilim pero hanggang ngayon wala pa siya. Nasan ka na Dhenzel?, hindi ako mapakali sa loob ng bahay kaya't pumunta ako sa Amsterdam bridge pero wala rin siya doon. Diyos ko nawa'y ligtas ang anak ko. Paulit ulit ko na rin siyang tinawagan ngunit hindi niya sinasagot.
Bigla kong naisip si Fernando, baka kung anong ginawa niya kay Dhenzel! Huwag naman sana kumalma ka Rose kumalma ka, walang nangyaring masama kay Dhenzel pumunta lang siya sa mall or sa kung saan kasama ni Steph okay kalma inhale exhale.
Patagal ng patagal ang oras, pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko dahil walang Dhenzel ang nasa paligid ko hanggang sa isang kotse ang huminto sa harap ng bahay namin. Agad akong nagtungo sa pintuan upang silipin nang makita ko si Dhenzel na lumabas mula sa kotse, dali dali akong tumakbo sa kinaroroonan niya at niyakap siya.
"Salamat sa Diyos at ligtas ka" hagulgol kong sabi habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.
"Mommy sorry po hindi po ako nakapagtext na pupunta kay Steph" narinig kong nag aalala ang boses niya. Niyakap ko lang siya hanggang sa may narinig akong boses na galing sa loob ng kotse, boses na kilala ko.
"Huwag ka ng mag alala wala pang nangyayaring masama sa kanya" nakangising sabi ni Fernando. Wala pa? Ibig sabihin may balak talaga siyang saktan ang anak ko.
"Bakit ka nandito? Paano--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Dhenzel.
"Mommy nakita po ako ni Tito Fernando sa may sakayan kaya hinatid na lang niya ako at hindi lang yun binilhan pa ako ni Tito Fernando ng isang dress"masayang sabi ni Dhenzel at ipinakita ang hawak niyang paper bag.
"Sa susunod ulit Zel ah" nakangising sabi ni Fernando. Magsasalita pa sana si Dhenzel pero pinigilan ko na siya at pinapasok sa loob ng bahay at saka itinuon ang tingin kay Fernando na todo ngisi.
"Wala ng susunod!" Matigas kong sabi sabay tinapik ang kotse niya.
"Meron pa! Marami pang susunod na mangyayari Rose ,abangan mo lang" pagbabanta niya sa'kin na ikinataas ng balahibo ko sa buong katawan at saka niya pinaharurot ng mabilis ang kotse niya.
Marami pang susunod , abangan mo lang
Marami pang susunod , abangan mo lang
Napahawak na lang ako sa bibig, ang mga katagang iyon ay narinig ko na sa kanya dati, nung nagsisimula palang kami ni Jack at bago mawala si Jack.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019