Dhenzel's POV:
"Babae? Bukas na yung lipad natin papunta sa Paris pero hindi ka pa rin nagpapaalam kay tita! Anong plano mo?" Sermon sa'kin ni Steph na kasalukuyang nakahiga sa malambot at kulay black kong kama." Ito na nga eh, nung unang paalam ko ay hindi ako pinayagan pero susubukan ko ulit ngayon" Sabay buga ko ng malalim na hininga. Sana patagal ako ni mommy, sana talaga." Wait bakla, dito ka lang ah magpapaalam na ako" lakas loob kong sabi kay bakla na tumatawa." Go girl support kita dyan" pag cheer niya sa'kin.
Agad akong bumaba sa sala kung saan nandoon si mommy at kasalukuyang may kinakausap sa telepono." Hindi ako papayag na malapitan mo siya!" Matigas na sabi ni mommy, hays may kaaway na naman si mommy at mukhang hindi maganda ang araw niya kaya sa mamaya nalang ako magpapaalam. Aakyat na sana ako ng marinig kong nagsalita si mommy." Anak ikaw ba 'yan?" Sabay nagtungo sa kinaroroonan ko. Napangiti na lang ako ng makita ako ni mommy na parang tangang gumagapang paakyat sa hagdan." Anak anong nangyari sayo?" Nagtatakang sabi mo mommy, Napabuntong hininga na lang ako bago lumapit sa kanya." May sasabihin lang po sana ako"mahinang sabi ko, ayoko na sanang sabihin sa kanya kasi baka magalit siya. "Ano yun? Sige na sabihin mo" mahinahong sabi ni mommy at saka lumapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "Ahhh bukas na po kasi ang alis namin papuntang Paris kasama si Steph kaya lang po baka hindi niyo ako paya-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si mommy." Sige na anak sumama ka na basta nangako ka sa'kin mag iingat ka ah" mahinahong sabi ni mommy."talaga po mommy salamat pooo!"nagtatatalon kong sabi saka yumakap kay mommy. Napangiti lang si mommy sa'kin bago ako nagpaalam na aakyat na sa taas para ipaalam kay Steph na pinayagan ako.
"Steph steph! Pinayagan ako ni mommy!" Nagtatatalon kong sabi habang sinasabunutan ko ang buhok niya. "Aray ko naman! Kailangan manabunot kapag pinayagan? HA!" Galit niyang sabi habang inayos ang masira niyang buhok." Sorry natuwa lang kasi ako" at ngumiti sa kanya.
Kinagabihan ay hindi na ako makatulog dahil sa sobrang excited kong pumunta sa Eiffel Tower Yehey! Nag message na rin ako kay Denver na hindi na tuloy yung date namin dahil aalis ako bukas at maintindihan naman niya ako. Alanganing oras na rin ng may narinig akong kotseng tumigil sa harap ng bahay namin. Hindi ko nalang pinansin dahil baka mali lang ako ng hula.
Alas 5 na pero hindi pa rin ako makatulog nakakainis nagkaroon tuloy ako ng eye bags huhuhu! Alas 9 pa naman ng umaga ang alis namin pero baka hindi ako magising kapag natulog pa ako. Tumayo na ako sa kama ko at sinimulang mag impake ng mga gamit. Pagkatapos ay agad akong nagtungo sa banyo para maligo Whooo! Ang lamig ng tubig ahihihi nakikiliti ang aking pipi. Papunta na ako sa kusina ng napansin kong gulo gulo ang lahat ng gamit at nagkalat ang mga kutsilyo sa sahig na tila may magnanakaw na pumasok. Nakita ko ang isang papel na may sulat.
Anak sorry, natabig ko lahat ng gamit nagmamadali kasi ako dahil May emergency sa trabaho
Mabuti na lang at hindi ako sinumpong ng katamaran kaya inayos ko na lang. Alas 8 na ng matapos ako sa lahat ng gagawin , nakapag ayos na ako ng sala, kwarto at pati kusina. Naayos ko na rin ang sarili ko at hinihintay ko na lang si steph.
Nag iwan din ako ng maliit na sulat sa may kusina at saka lumabas ng bahay at saktong dating ng pulang kotse ni Jhonson kasama si Steph omyyyy! Si Jhonson na talaga yung nagdadrive? Grabe ang pogi naman niya siguro ginayuma lang ni Steph 'to CHARENG!
Pinagbuksan ako ni Jhonson ng pintuan sa backseat at agad naman akong umupo, ang gara ng kotse daming ganap sa loob at ang bango pa!. Habang nasa biyahe ay panay ang harutan ng dalawa na para bang sila lang dalawa ang magkasama kulang na lang maghalikan sila, ay Bitter! Sayang wala dito si Denver ,ay malandi!
Mabilis kaming nakarating ng airport at saktong paalis na ang eroplano namin kaya dali dali akong bumaba sa kotse at nang makita ko ang malaking eroplano ay biglang nangatog ang mga paa ko, parang ayoko ng sumakay. Pagsakay namin sa eroplano ay kay nakaupo na sa may upuan namin at nang makita ko kung sino yun ay bigla akong kinilig.
"Nandyan ka na pal" nakangiting sabi ni Denver habang inayos ang upuan sa tabi niya. Napangiti naman ako bago nagsalita." Paano mo nalamang aalis ako?" Pabebeng tanong, napangiti naman siya bago nagsalita." Diba minessage mo ako" sabay kanto niya sa ulo niya. Ay oo nga pala hehez. Napatingin naman ako sa gawi nila Steph na katapat lang namin na patuloy pa rin ang landian Hays kainggit. Bigla akong napatingin kay Denver na kasalukuyan na palang nakatitig sa'kin. "Huwag ka nang mainggit sa kanila, gusto mo gayahin natin sila" kagat labi niyang sabi. Omyy in aakit niya ba ako HALA keenes!. Ngayon ko lang napansin na ang pogi niya pala sa suot niyang plain white t-shirt at black pants. Nag ahit na rin siya ng bigote at balbas kaya ang linis niya tingnan. Omyyy bakit ngayon ko lang naappreciate yung kagwapuhan niya. Nagsimula ng lumipas at eroplano habang ako nanginginig dahil sa sobrang takot ko! Ang hirap 'pag first time huhuhu. Naramdaman kong biglang hinawakan ni Denver ang kamay ko at saka ngumiti." Huwag kang matakot nandito lang ako sa tabi mo palagi" masayang sabi niya at dahil doon nawala ang lahat ng takot ko at napalitan ng kilig Yieeeeeeeee!
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa Paris dahil makatulog ako, mabuti na lang at ginising ako ni Denver kaya dali dali akong bumaba sa eroplano at saka sumigaw.
"WELCOME TO PARIS, FRANCE!" Masayang sabi ko dahilan para pagtawanan ako ng tatlo kong kasama kasunod ang biglang pag flash ng phone ni denver, kinuhaan niya pala ako ng litaro. Nilapitan ko sila at sinabihan." Sabayan niyo ako dali" sabi ko sa kanila at saka bumilang ng tatlo.
"WELCOME TO PARIS,FRANCE!" Sabay sabay naming sabi at saka nagtawanan.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019