Chapter 31

37 6 0
                                    

Dhenzel's POV:

Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil may importanteng bagay daw ang dapat pag usapan naming magkakagrupo sa Tesis. Hindi tuloy ako nakapag almusal kaya bumili nalang ako ng tsokolate sa tindahan malapit sa'min. Nasa hallway ako ng makita ko ang isang lalaki, ang lalaking kinaiinisan ko, ang lalaking sumira ng unang araw ko sa campus na 'to, at ang lalaking--- Sandali bakit iba ang nararamdaman ko? Hindi na inis o kahit galit kundi awa, awa dahil kasalukuyan siyang nasa gilid ng hallway at nakabulagta. Dali dali akong lumapit sa kanya at napahawak sa bibig ko. Puno ng dugo ang kanyang polo at puro gasgas ang mukha niya.

"Denver" Piyok kong sabi habang hawak ang mukha niya. Nagmulat naman siya ng mata at saka pilit na ngumiti sa'kin.

"Ma-saya ka na ba?" Pilit niyang sabi kasabay ang muling  pagpikit ng kanyang mga mata.

"Denver? Sorry gumising ka!, tulong!" Sigaw ko habang patuloy siyang niyuyugyog. Agad namang dumating ang dalawang guard na siyang nagbuhat at nagdala sa kanya sa ospital.

Kasalanan ko ito, kasalanan ko kung bakit siya nagkaganito, kung hindi sana ako gumanti edi sana hindi naging ganito, ang tanga ko!

Kasalukuyan akong nasa tabi ni Denver at nakahawak sa kanyang kamay."Denver sorry" paulit ulit kong sinasabi sa kanya kahit alam kong hindi niya naririnig. "Sana paggising mo mapatawad mo na ako" dagdag ko pa habang hawak pa rin ang kamay niya. Ilang saglit lang ay nagising na siya at tumingin sa'kin.

"Pirin-ses" pilit niyang sabi. Agad akong lumabas sa kanyang kwarto upang tawagin ang kanyang doctor. "Stable na ang kalagayan niya ,ang kailangan niya lang gawin ay kumain at magpahinga"paalala ng doctor at saka may inabot sa aking papel.

Denver V. Dela Cruz
1 kemerlu chenemes
2 chenelin
1 buriking

Hindi ko maintindihan ang sulat ni doc jussko. Tinanggal ko ang ID ko at inilagay  ito sa wallet ko kasama  ang reseta ng gamot ni Denver at inilagay ito sa table malapit sa higaan niya at saka muling tinuon ang atensyon ko sa kanya na kasalukuyang natutulog.

"Parang kilala kita, nagkita na ba tayo dati?" Tanong ko sa kanya at saka hinawakan ang sugat sa noo niya kaya napaaray siya.

"Ahhhhh" sabay hawak niya sa noo niya. "HALA sorry masakit ba?" Nag aalalang tanong ko dahil nagising siya sa ginawa ko.Napakunot naman ang kilay niya bago nagsalita. "Hindi, masarap nga eh isa pa nga"sarkastikong sabi niya. Natawa naman ako sa inasal niya at ganun din siya. Sandaling tumahimik ang paligid namin ng biglang magtama ang paningin namin kaya't agad akong umiwas. Sobrang awkward kaya para maiwasan ito ay nagsalita na ako.

"Mauna na ako" Mahinahon kong sabi at akmang aalis na ng hawakan niya ang kamay ko.
"Sandali" pagpigil niya sa'kin.

"Bakit?" Agad kong sabi , napayuko naman siya bago muling nagsalita."Sorry" mahina niyang sabi na siyang dahilan para mabuo ang mga luha sa mata ko, bakit ganun? Kahit ako ang may kasalanan ay siya pa rin ang nanghingi ng tawad samantalang ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan. Bakit ibang iba siya nung una ko siyang nakita? Bakit hindi niya ako sinigawan o kahit saktan dahil ako ang may kasalanan nito? Bakit iba ang nararamdaman ko?

"Sorry din kasi kung hindi dahil sa'kin hindi ka sana nagkagan--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil wala ka namang kasalanan kasi ginusto ko 'to" pagpapaliwanag niya habang nakatingin ng diretso sa akin, hindi ko tuloy maiwasang mamula dahil kahit ang daming sugat at benda sa mukha niya ay napakagwapo pa rin niya. Ilang minuto rin kaming  nagkatitigan at biglang lumapit siya sa'kin, bigla akong kinabahan, wait hahalikan ba niya ako NOOOO! Napapikit nalang ako at naramdaman kong dumampi ang kanyang kamay sa labi ko. Pagmulat ko ay nakita ko siyang nakangiti kaya nginitian ko rin siya at bigla siyang tumawa ng napakalakas, hindi ko alam kung anong meron hindi naman ako mukhang clown. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung may mali ba sa mukha ko pero wala naman o hindi kaya jussko baka nabaliw na ito ommyyyyy! Tumigil na siya sa pagtawa at muli akong nginitian kaya nginitian ko ulit siya dahilan para tumawa ulit siya ng malakas. Nakakainissss na siya ah kung hindi lang siya gwapo baka tinakpan ko na ng unan ang mukha niya hanggang sa hindi na siya makahinga. Kinuha ko ulit ang phone at ngumiti rito at doon ko napagtanto na may tsokolate pa pala sa labi at ngipin ko kaya pala pinagtatawanan niya ako. Natawa na rin ako dahil sa hitsura ko ng bigla siyang nagsalita.

"Ang cute mo" napatigil naman ako sa pagtawa at napatingin sa kanya. Kasalukuyan siyang nakayuko at  tila humihikbi kaya't nilapitan ko siya para patahanin ng bigla niya akong gulatin

"WAHHHHH" panggugulat niya sa akin kasunod ang maliwanag na ilaw ang tumama sa mata ko. Napapikit ako saglit at inisip kung ano 'yun teka flash ba yun!? NOOOO! Kinuhaan niya ako ng picture omyyyy anong hitsura ko doon , para nakabawi ay kinuhaan ko rin siya ng litrato pagkatapos kong hawakan ang isa sa mga sugat niya pero alisto siya kaya maayos ang mukha niya na nakapeace sign ang nakuha kong litrato kainis bakit ang gwapo niya!

"Thankyou" masayang sabi niya. "Para saan?" Nagtatakang tanong ko. "Para sa litrato na ito" sabay ipinakita niya sa akin ang hitsura ko sa picture nakakainisssssss!
#bunginasiDhenzel
#kawawasiDhenzel
#mamamataynasiDhenzel

Mygadddd ginawa pa niyang wallpaper niya huhuhu , kukunin ko sana yung phone niya kaso nilagay niya sa loob ng pants niya ahihihi gusto kong kunin kaso baka iba makuha ko, Bastos! ERASE ERASE ERASE!

Nakita kong nakakagat labi siya at parang sinasabing kunin ko ang phone niya sa loob ng pants niya kaya ang ginawa ko ay pinalo ko ng sapatos ko ang pants niya. Namilipit naman siya sa sobrang sakit.

"Say Babye to your babies" tatawa tawa kong sabi sabay takbo palabas ng kwarto niya.

"Bumalik ka mamamatay bata"Sigaw naman niya.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon