Dhenzel's POV:
Nagising ako na sobrang sakit ng balikat ko. Nilibot ko ang mata ko sa paligid, nakita ko si Andre na natutulog sa tabi ko. Nasa ospital pala ako. Sandali, nasan si mommy? Agad akong napaupo sa higaan ko ng biglang sumakit ang balikat ko. Nagising si Andre dahil sa ginawa ko.
"Dhenzel humiga ka lang, hindi pa magaling ang sugat mo" mag aalalang sabi ni Andre at saka ako inihiga.
"Nasan si mommy?" Natatarantang sabi ko.
Hindi naman sumagot si Andre at yumuko lang."Ayos lang ba siya? Kumusta na siya?" Sunod sunod kong sabi nang pumasok si Sabrina dito sa kwarto.
"Nakauwi na siya sa pamilya niya" mataray niyang sabi.
Biglang may kung anong kumirot sa puso ko.
Tuluyan na ngang sumama si mommy sa kanila at iniwan na ako. Ayos na rin siguro 'to ang mahalaga ligtas siya at makakauwi na sa pamilya niya, sa pamilyang hindi ako kasama.
"Nasan siya? Pwede ko ba siyang makausap?" Masayang sabi ko.
"Nagpapahinga siya at pinasabi niya sa'kin na ayaw ka na niyang makita. Sinisisi ka niya sa nangyari sa kanya"nakangising sabi niya.
Ano? Ayaw na niya akong makita? Bakit?
Ang sakit.
Hindi na ako kumibo sa sinabi niya.
"Alam mo napakaswerte mo nga eh kasi lahat nalang ng atensyon nasa'yo tapos lahat ng akin ay inagaw mo kaya tandaan mo 'to, lahat ng natitira sayo ay kukunin ko" Matigas niyang sabi saka lumabas ng kwarto. Ano pang kukunin niya? Eh lahat na kinuha niya sa'kin. Una si Denver, ngayon naman si mommy.
"Patawad mommy." Paulit ulit kong sabi habang yakap yakap ang sarili ko.
Nag iisa nalang talaga ako.
Isang linggo pa akong tumagal sa ospital. Isang linggo akong nakahiga at walang kasama kundi si Andre.
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung sino ako, kung ano pa ang pakinabang ko sa mundong 'to.
Sana alam ko.
Magmula nang marinig ko ang mga sinabi ni sabrina, tuluyan nang lumayo ang loob ko kay mommy. Kung ayaw niya , ayaw ko na rin siyang makita. Hindi ko na siya guguluhin kahit kailan.
Hindi muna ako umuwi sa bahay. Hindi ko pa kasi kaya dahil baka lalo lang akong masaktan at malungkot kaya sa condo muna ako ni Andre tumuloy.
"Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako, nasa sala lang ako" nakangiting sabi ni Andre. Nginitian ko lang siya bilang pagsang ayon.
Ilang araw akong hindi makatulog ng maayos. Sila mommy pa rin kasi ang laman ng utak ko. Lagi ring basa ang nga unan ko, mabuti nalang at laging nandyan si Andre para alalayan ako.
Araw araw niya akong inaalagaan, dinadamayan at hindi siya nagsasawang nakinig sa mga paulit ulit kong kwento tungkol sa buhay ko. Mas naging malapit din kami sa isa't isa at nilinaw ko sakanya na hanggang kaibigan lang muna ang pwede kong ibigay sa kanya.
"Naiintindihan ko. Maghihintay ako hanggang sa pwede na " nakangiti niyang sabi at hinalikan ang kamay ko. Tumango lang ako bilang pagsang ayon.
Sa totoo lang , may natitira pa kasing parte sa puso ko si Denver. Kahit alam kong hindi niya sinuklian ang pagmamahal ko, nandito pa rin siya sa puso ko. Tanga na kung tanga pero oo, umaasa pa rin ako na magkikita ulit kami at magkakausap. Gusto ko lang siyang yakapin, makita at mahawakan. Kahit alam kong kay Sabrina na ulit siya.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
BeletriePaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019