Dhenzel's POV:
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko, teka nasan ako? Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko.
Anong nangyari? Bakit ako nandito? Bakit nakatali ang mga kamay at paa ko? Bakit ang dilim sa lugar na ito?
"Tulong! Tulungan niyo ako! " Sigaw ko pero parang walang nakakarinig sa'kin. Maya maya pa ay may naririnig akong yabag ng paa.
"May tao ba dyan? Tulong!" Sigaw ko sa pag asang naririnig ng taong 'yon ang boses ko. At hindi nga ako nagkamali dahil agad itong nagtungo sa kinaroroonan ko. Malayo palang ay naaaninag ko na papunta siya dito. Hindi ko makita ang hitsura niya dahil nasisilaw ako sa hawak niyang flashlight.
"Dhenzel? Mabuti nalang at gising ka na. Sandali ikukuha kita ng makakain" tinig mula sa taong hiningan ko ng tulong. Sa boses palang niya, alam ko na kung sino siya. Alalang alaa siya ah.
Plastik.
Akala ko matutulungan niya ako pero hindi. Kilala ko siya at alam kong hindi niya ako tutulungan, hindi sa oras na ito at hindi sa pagkakataong ito.
"Sandali Andre, nasan ako?" Matamlay kong tanong na siyang nagpahinto sa kanya.
"Ah eh sorry hindi ko pwedeng sabihin, pero huwag kang mag alala alagaan kita dito" agad niyang sabi.
"Bakit ayaw mong sabihin? Natatakot ka na tumakas ako?natatakot ka na malayo ako sayo? Natatakot kayo na baka magsumbong ako kay mommy dahil dito? pwes nagkakamali kayo. Sawa na ako, pagod na ako, hindi ko na kaya ang mga nangyayari sa buhay ko. Gusto niyo akong patayin? SIGE GAWIN NIYO NA ! TUTAL PATI ANG SARILI KONG INA AY GUSTO RIN AKONG MAWALA! ANO NA! PATAYIN NIYO NA AKO! " Sigaw ko na nagpataranta kay Andre.
"Shhhh ano bang sinasabi mong papatayin ka namin, hindi ko 'yun gagawin sayo. Magpapakasal pa tayo at gagawa ng pamilya 'pag natapos na ang lahat ng ito" pagpapakalma sa'kin ni Andre.
Hindi ko na alam. Ang dami pa ring tanong ang gumugulo sa isip ko. Siguro ito na ang sagot. Siguro tama mga si Tito Fernando, na si mommy nga ang pumatay kay daddy, pero bakit? Anong kasalanan ni daddy?
Bakit?
"Gulong gulo na ako Andre. Hindi ko na alam ang gagawin ko, lahat ng bagay sa buhay ko ay parang isang malaking misteryo. Gusto ko nalang maglaho" Piyok kong sabi. Sunod sunod na ring lumandas ang ang mga luha sa mukha ko.
"Huwag ka ng mag alala dahil nandito na ako, hindi na ulit ako lalayo sayo, pangako" agad niyang sagot.
Bakit mommy? Bakit?
"Uyy! Ang aga naman ng celebration niyo, bakit alam na ba ng magaling kong pamangkin ang lahat tungkol sa buhay niya? HAHAHAHA" dumating na pala si Tito Fernando.
"Ano pa bang kailangan kong malaman? Gulong gulo na ako! At gusto ko nang manahimik ang buhay ko. Nagmamakaawa ako sa inyo Tito , kahit ano gagawin ko basta malaman ko lang ang totoo" bahala na. Susugal na ako , malaman ko lang ang totoo.
"Oops! Akala ko ayaw mong malaman ang totoo? Sinungaling ako diba? Bakit parang Bumaligtad na ang dating matapang kong pamangkin. Bakit, may ginawa na ba sa'yong kakaiba ang mommy mo?" Pang asar na sabi ni tito at nilapit pa ang mukha niya sa mukha ko. Biglang nag iba ang timpla ko.
"Wala akong panahon para makipagtalo. Gusto kong malaman ang totoo kaya sabihin mo na sa'kin bago ko bangasan ang mukha mo" sabay dura ko sa mukha niya. Dapat lang 'yan sayo.
Agad naman siyang napaiwas sa'kin at pinunasan ang mukha niya. Nagbago rin ang ekspresyon ng mukha niya. Napalitan ng galit kaya napangisi lang ako. Akmang sasampalin niya ako ng pigilan siya ni Andre.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019