Chapter 10

39 8 0
                                    

Dhenzel's POV:

Hating gabi na ng makarating kami sa bahay. Pinunasan ko ang mga luha ko bago ako bumaba sa kotse ni Andre.

"Zel?" Nag aalalang sabi ni Andre. Alam kong dahil ito sa nangyari sa party kaya kailangan hindi niya mahalatang nasaktan ako.Inayos ko ang mukha ko bago humarap sa kanya.

"Kaya mo bang wala ako?" Tanong niya. Sa totoo lang, hindi ko kaya dahil sa loob ng 3 taon nasanay na akong siya ang kasama ko, sa hirap at saya hindi ko siya sinukuan pero bakit parang sumusuko na siya sa aming dalawa. Kung sa bagay alam ko naman na ang sagot.

"Oo naman, nabuhay nga ako nung wala ka eh" pagsisinungaling ko. Sa puntong yun hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa  pinipigil.

"Paano ka?" Tanong ni Andre na halatang naguguluhan. Ayokong nakikita siyang naguguluhan at nalulungkot kaya magpaparaya na ako.

"Ayos lang ako, alam ko namang masaya ka sa kanya sapat na yung pinaramdam mo sakin na mahal mo ako kahit sa kaunting panahon at sa maling pagkakataon, hindi mo naman sinadya yun diba? Yung minahal mo ako kahit alam mong mahal mo pa siya?" Sabay yakap ko kay Andre. Kailanman hindi ko naisip na sa ganitong paraan lang matatapos ang lahat. Mas mabuti siguro kung magpanggap ako na ayos lang ang lahat kaysa hadlangan ko ang kaligayahan niya.

"Pagod ka na ba Zel?" Mahinang sabi niya.Hinding hindi ako mapapagod na mahalin siya pero alam kong kahit anong gawin kong laban, mawawala rin siya.

"Oo pagod na ako" mahirap man pero kailangan kong subukan,subukang lumaban ng mag isa dahil alam kong sa huli ako rin ang maiiwan.

" salamat Dhenzel" nakangiting sabi ni Andre ngunit kita sa kanyang mata ang lungkot na  nadaramana.Nagsimula na siyang magmaneho.

Pinagmasdan ko lang ang unti unting paglayo ng kotse ni Andre sa bahay, alam kong ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ko ang kanyang ngiti, mga ngiting sa iba na niya na makukuha. Dito na rin nagtatapos ang relasyong iningatan ko.

Pagod ba ako? Sa tingin ko hindi pero yung puso ko, oo. Sobrang sakit ng makita kong masaya siya sa piling ng iba, sa piling ni Sabrina. Yung dating mahal niya,yung unang babaeng nagpangiti sa kanya, yung unang minahal niya, yung unang nanakit at nang iwan sa kanya pero still siya pa rin ang mahal niya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nagulat ako nang makita ko si mommy na tila awang awa sakin.

"Anak" mahinang sabi niya, halo halong emosyon ang naramdaman ko nang marinig kong tinawag niya akong anak.lungkot at sakit dahil sa nangyari sa aming dalawa ni Andre at saya dahil nandito si mommy.Kusang ngumiti ang labi ko na tila batang nabigyan ng candy. Sabik na sabik na akong makasama ulit siya pero teka bakit nandito siya? Ibig sabihin dito na ulit siya.

"Mommy,tinawag mo akong anak"  nakangiti kong sabi habang patuloy ang pagtulo ng aking mga luha.Sobrang miss ko na siya at gusto ko na siyang yakapin pero biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Anak ng puta, bakit ka umiiyak! ,Huwag mo akong tingnan ng ganyan baka mapatay kita!,TANDAAN mo wala kang kwentang anak!".

Kinuha niya ang kanyang bag at saka mabilis na lumabas,umaasa ako na lilingon siya at hihingi ng tawad pero hindi. Patuloy lang siya sa paglakad hanggang sa natanaw ko siyang kasama ang isang pamilyar na mukha, si Tito Fernando.

Iniimbestigahan nila kung sino ang pumatay ka daddy o kung anong motibo kung bakit nangyari kay daddy yun. Napangiti ako bigla dahil hindi  pa rin sila tumitigil hanggat hindi nila nakakamit ang hustisya sa pagkawala niya.

Kumuha ako ng unan sa  sala at itinuloy ang pag iyak ng maalala ko na may naiwan pala ako pero mali, iniwan na pala ako.

Ang hirap palang magkulong sa kwarto ng panandaliang saya dahil ngayon hindi na ako makalabas sa sakit na aking nadarama.

Mahal niya ako at mahal ko rin siya pero hindi sapat yun para masabing kami ang para sa isa't isa.

Imbes na magalit ako sa kanya , inisip ko nalang na ako ang may kasalanan ng lahat. Ang duwag ko kasi dahil mas pinili kong palayain siya kaysa ipaglaban.Binigay ko naman yung best ko pero still kulang.

Binuo ko siya pero sinira niya ako.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon