Dhenzel's POV:
Maliwanag na nang nakarating ako sa bahay. Hindi ko alam kung paano ko nagawang maglakad ng sobrang layo para lang makauwi. Kung tutuusin ayoko ng umuwi pero kailangan kong tuparin ang sinabi ko kay Fernando.
Sa haba rin ng nilakad ko ay hindi man lang ako nakaramdam ng kahit anong pagod. Siguro nasanay na ako, o sa ibang salita,
Manhid na ako kaya kahit anong sakit o pagod, hindi ko na nararamdaman.Walang gana akong pumasok sa loob ng bahay at doon nakita kong payapang nagsusulat si mommy. Ang galing, hindi man lang nag alala sa'kin , kung sa bagay gusto naman niyang mawala ako diba.
Aakyat na sana ako sa kwarto ko nang mapansin niya ako. Tiningnan niya lang ako ng matagal, napatingin nalang din ako sa kanya at nakita kong namamaga ang mga mata niya na para bang hindi natulog o umiyak ng matagal.
Sandali pa kaming nagtitigan bago ko napagpasiyahang umakyat na pero nagsalita siya.
"Anak, yung tungkol pala doon sa nangyari-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Para saan pa kung alam ko naman na ang totoo. Bakit? nag aalala ba siya, tsk.
"Huwag ngayon , pagod ako at ayokong makarinig ng kahit anong paliwanag" walang gana kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya kung saan ang mga luha ay nag uumpisa nang mabuo.
May kung anong kumirot sa puso ko nang makita ko siya sa ganoong sitwasyon.
Hindi ngayon Dhenzel.
Huwag kang magpapadala.
"Sige, magpahinga ka na muna" mapait niyang sabi at saka tumalikod sa'kin at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Hindi ko alam pero parang tinutulak ako ng sarili ko na yakapin siya pero inisip kong hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko. Pumunta na ako sa kwarto ko at nagpahinga.
Tatlong araw na ganito ang naging sitwasyon namin, walang usap usap, walang pansinan, wala kahit ano. Sobrang boring din sa loob ng kwarto ko kaya magsulat nalang ako sa diary ko tungkol sa nangyari sa'kin at ang plano namin ni Fernando.
Gusto ko man siyang kausapin, hindi dahil sa gusto kong bumalik kami sa dati kundi dahil sa napag usapan namin ni Fernando. Nauubusan na rin ako ng oras at panahon para maisakatuparan ang plano namin. Kailangan ko nang gawin ang plano para matapos na ang lahat ng ito.
"Anak"tawag niya sa'kin ng pumunta ako sa kusina para uminom habang patuloy pa rin siya sa pagsusulat. Halos ilang pahina na ang naisusulat niya pero hindi pa rin siya tapos.
Napahinto naman ako at tumingin sa kanya. Nginitian niya lang ako, ngiting may lungkot sa mga mata. Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya pero umiling lang siya kaya umakyat na ako sa kwarto ko.
Unang araw ng Disyembre , huling araw naman para magawa ko ang pinangako ko kay Fernando.
Sabihin mo na Dhenzel.
Ngayon na.
Bahala na. Basta masabi ko sa kanya ang gusto ni Fernando.
Pagbaba ko sa kusina ay nakita kong mahimbing na natutulog si mommy sa dining table. Nakaramdam ako ng lungkot dahil habang lumilipas ang araw, pagbagsak ng pagbagsak ang katawan ni mommy. Pinagmasdan ko siya ng panandalian bago ko napagtantong gising na pala siya kaya nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
Nakita ko siyang nakangiti sa'kin kaya umiwas na ako ng tingin. Babalik na sana ako sa kwarto ko ng nagsalita siya.
"Anak" tawag niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019