Chapter 35

26 8 0
                                    

Dhenzel's POV:

Kahit anong gawin kong pag iwas at pagdedma sa kanya still nangungulit at nangungulit pa rin siya, pero yung pangungulit niya ay hindi nakakainis kundi nakakatuwa. Grabehan naman kasi ang ginagawa niya para lang mapansin ko siya.

"Pang apat at panghuling ayaw mo, ang nakikita ako kaya simula ngayon lagi na akong nasa tabi mo, anuman ang ginagawa mo, nasaan ka man ay sasama ako" pagpapaliwanag niya habang nakasunod sa'kin. Jussssme saan ba ako pwedeng pumunta kung saan hindi na niya ako susundan??? AHA ALAM KO NA!

"Denver? Mag ccr lang ako ah" Mahinahon kong sabi. Tumango naman siya at sinabing naghihintay siya sa labas. Agad akong pumasok sa cr at tumingin sa relo ko.

"3:00 pm, mamayang 6 na ako lalabas para siguradong wala na siya" sabi ko sa isip ko at saka pumasok sa isang cubicle at kumanta.
"Oh bakit ba kailangan pang umalis, pakiusap lang na huwag ka nang umalis ,tayo'y mag usap teka lang ika'y huminto, huwag mo kong iwan aayusin natin 'to" tamang kanta lang ako sa loob ng cr, feeling ko kasi ang ganda ng boses ko kapag kumakanta sa banyo. Ipagpapatuloy ko na sana ang pagkanta ko ng biglang may nagsalita.

"HOY! HUWAG KA NANG KUMANTA ANG PANGET NAMAN NG BOSES MO" Sigaw ng babae sa kabilang cubicle kaya nahiya na akong kumanta. Nagsalamin na lang muna ako pero hindi pa rin ako lalabas dahil ayokong makita ang Denver na 'yun. Lumipas pa ang ilang minuto hanggang sa maging oras pero hindi ko pa rin makikitang lumabas ang babaeng sumigaw sa'kin kanina habang kumakanta ako, nunigagawa nun. 4:30 pm biglang bumukas ang pinto ng cubicle kung saan nandoon si ateng sumigaw kanina at pagbukas ng pinto ng cubicle niya ay sumambulat ang mabahong amoy  sa buong paligid at pilit sumusuksok sa butas ng ilong ko, potaaaaa mukhang mapapalabas ako ng wala sa oras nito ah. Ilang saglit pang nanatili ang amoy sa loob ng cr kaya nagpasiya na akong lumabas ng cr, grabe si ate ang tatag sa loob POTAAAAA.
"Ate makapagsabing panget yung boses ko ah yung pala mas MABAHO yung tae mo!" Sigaw ko bago tuluyang lumabas ng cr. Nakita ko naman si Denver na naghihintay pa rin sa labas ng cr at may mga kausap na mga babae, lalaki nga naman.

"Babaero" bulong ko bago tuluyang nakalapit sa kanya. Napangiti namang siya ng makita ako.

"Nandyan ka na pala , bye girls" pagpapaalam niya sa mga babaeng kausap niya. Nginitian ko lang sila pero tinarayan nila ako, ABA ATTITUDE Ah! Napasimangot naman ang mukha ko dahil sa mga babaeng 'yun , sarap tusukin ng ballpen sa mata!

Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng mapansin kong nakatingin siya sa akin at tumatawa. Napahinto ako sa paglalakad at saka ko siya hinarap." Bakit ka tumatawa, mukha ba akong clown?" Mataray kong tanong sa kanya. Napangisi naman ang peste bago nagsalita." Yung mga girls kasi lapit ng lapit sa'kin" pagmamayabang niya sa'kin." Eh ano naman" mataray kong tugon. " baka kasi magalit o magselos ka" mahina niyang sabi pero narinig ko." Anong sabi mo? Ako magseselos ? Sa iyo? IN YOUR DREAMS!" Sigaw ko sa kanya saka nagpatuloy sa paglalakad. Wtf! Ako magseselos hello! Sino ba siya noh oo gwapo siya pero hindi ko siya type at kahit ilang libing babae pa ang lumandi sa kanya wala akong pakialam.

Madilim na pero nasa kalagitnaan palang kami ng daan pauwi sa bahay, kainiss kasi 'tong lalaking ito may naglalaman pang 'ihahatid kita baka mapahamak ka pa' like Hello kaya kong umuwi mag isa at kaya kong protektahan ang sarili ko kaya itinaboy ko na siya. Huminto naman siya sa paglalakad habang patuloy naman akong naglalakad palayo sa kanya, nakatanaw lang siya sa'kin.

"Hays mabuti naman at tinigilan na niya ako" bulong ko habang naglalakad ng may nakasalubong akong asong kalye at nagsimulang kumahol sa harap ko. Napako naman ako sa kinatatayuan ko at hindi nakagalaw, omyyyyy help I need helpppp! Lumingon ako kay Denver na kasalukuyang naglalakad palayo sa'kin NO CHOICE NA AKOOOOO!

"DENVER TULONG!!!!" Sigaw ko sa kanya, napalingon naman siya at agad tumakbo sa kinaroroonan ko na tila alalang alala."Shuuuu! shuuuuu!  Pagpapaalis niya sa aso pero mas lalo itong naging agresibo. Nagulat naman ako ng biglang lumapit si Denver sa aso at saka may kinuha mula ka kanyang bag at iniabot sa aso. Agad namang nag iba ang timpla ng aso at dinila dilaan siya nito.

"Good boy"masayang sabi niya sa aso, biglang sinadya yung puso ko dahil hindi ko inakalang ganun ang ginawa niya sa aso. Nang makaalis na ang aso ay tinuon na niya ang sarili niya sa'kin na kasalukuyang nakatitig sa kanya.

"Okay ka na?" Nag aalalang tanong niya. "oo, salamat nga pala" masayang tugon ko. "Wala 'yun , sige na mauna na ako" pagpapaalam niya at nagsimula nang maglakad, malungkot yung mukha niya.OMGGGG! Hindi pwede 'to baka mamaya may nakasalubong akong aswang o kaya multo o kaya ahasssss No No No!

"Denver saglit" pagpigil ko sa kanya, napatigil naman siya sa paglakad at napalingon sa'kin." May kailangan ka pa?" Malungkot niyang tanong sa'kin. "Pwedeng ihatid mo ako sa bahay, PLEASE" pakiusap ko sa kanya. Kahit alam kong nakakahiya pero grab the opportunity na itechhh!

"Sure" biglang lumaki ang ngiti sa kanyang mga labi at nagsimula nang maglakad. Napatingin na lang ako sa kanya habang naglalakad. "Ano na? Tatayo ka lang ba dyan o ihahatid kita" pagtatanong niya sa'kin.

"Susunod na po Sir" pang aasar ko sa kanya at sumunod na sa paglalakad niya.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon