Dhenzel's POV:
Sa pangalawang pagkakataon , sinira na naman ng lalaking yun ang araw ko. Ano bang trip niya? Sa tuwing gusto kong maging maganda ang araw ko saka naman siya eeksena NAKAKAINISSSS!. Busset din kasi si bakla eh kung dumating siya edi sana hindi ko nakita yung lalaking yun hays. Hindi ko nga pala nakita kahit anino ni bakla kanina sa campus kanina ah saan na naman kayang ilog nanghuli ng insekto yung palakang 'yun.
Kasalukuyan akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko at hindi makatulog dahil sa kahihiyan na nangyari sa'kin kanina. Pero bakit parang nag iba ang pakikitungo ng lalaki na yun sa'kin eh parang kelan lang nung pinagbantaan niya ako hmmm hindi kaya dahil yun kay ateng butiful? Gusto niyang magselos si ateng butiful sa aming dalawa WTF! Ginawa niya akong REBOUND GIRL grrrrr! Lagot siya sa'kin bukas sisiguraduhin kong mapapahiya siya sa harap ng maraming tao kagaya ng ginawa niya sa akin. Bigla ko tuloy naisip yung sinabi niyang round 7 Mygaddd pati yung pagkababae ko tinapakan niya NOOO! Napayakap naman ako sa sarili ko ng maisip ko siyang nakahubad YUMYUM! ahihihi Bastos ERASE ERASE !
Kinabukasan ay naabutan kong naghahanda na si mommy ng almusal. Maganda ang gising niya kasi todo ang ngiti niya ng salubungin ako.
"Gising ka na pala anak, halika kumain na tayo" masayang sabi ni mommy. Napangiti nalang ako at tumango. Pagkatapos kong kumain ay agad akong pumunta sa cr at nagbihis. Nakangisi ako habang nagsusuklay ng buhok at iniisip ang dapat kong gawin para mapahiya siya ng todo ah basta! mamaya na lang kapag nasa campus na ako.
Ilang saglit lang ay nakarating na ako sa campus at agad kong hinanap yung Denver na 'yun pero hindi ko siya nakita. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang ang mga babae ay nakatingin sa'kin at nagbubulungan.
"Siya pala yung babaeng pinalit ni Denver kay Noreen , so cheap!" Narinig kong sabi nung isang babaeng mukhang pusit. Aba! Ginawa pa akong chips sira ulo to ah! Hays kalma Dhenzel 'wag mo nalang silang pansinin.
"Kaya nga at mukha pa siyang pokpok" narinig kong sabi nung babaeng mukhang seahorse sa sobrang haba ng nguso. Ginigigil talaga ng mga ito eh teka lapitan ko nga. Lumapit ako sa kanila at nagsalita.
" kung magbubulungan kayo 'wag niyong iparinig sa ibang tao" mataray kong sabi sa dalawang babaeng nagbubulungan. Ngumiti lang ito at saka pumalakpak dahilan para mas lalo silang dumami SHOCKS! charot lang naman 'yun ito naman sila ate. Nakatingin silang lahat sa akin ng masama omggggg! Kalma kalma.
"Mauna na ako" sabay talikod ko sa kanila. Nakahinga ako ng maluwag nang makalayo ako sa kanila WHOOO! Akala ko kakainin na ako ng mga lamang dagat. Maglalakad na sana ako ng may humawak sa balikat ko mula sa likod.
"Saan ka pupunta?" Biglang naninigas ang katawan ko ng marinig ang boses nang humawak sa'kin ommg hindi kaya si......
"Huy! anyare sa'yo teh? takot ka sa boses ko no" natatawang sabi ni Steph mula sa likod ko. Hinayupak 'tong baklang to! aatakihin ako sa puso ng wala sa oras.
"Bakla? Saan ka ba nanggaling kahapon at hindi ka pumasok!" Galit kong sabi habang nakangiti lang ng todo ang baklang palaka. Anyare dito? Nabusog siguro siya sa pagkain ng insekto HAHAHAHA.
"May goodnews ako sa'yo bebegurl!" Nagtatatalon niyang sabi. "Ano yun?"nagtataka kong sabi habang patuloy na hinahanap ang Denver na 'yun.
"Pupunta tayo sa Paris, France at itotour tayo ni Jhonson sa Eiffel Tower sa bakasyon" masaya niyang sabi hawak hawak ang buhok ko at winawagwag jussssme!. Sinampal ko siya dahilan para matauhan siya sa ginagawa niya sa'kin. "Sorry" sabay peace sign niya. Tumango nalang ako at hinanap ulit yung Denver na 'yun pero hindi ko pa rin siya mahanap ,nasan na ba yung lalaking yun!
"Nagugutom na ako tara sa canteen" sabay hatak sa'kin ni steph. Ayoko sanang sumama kasi nag almusal na ako at gusto kong hanapin yung lalaki na yun kaya lang baka magtampo si bakla kaya sumama na ako. Pagdating namin sa canteen ay nakita kong namutla ang isang lalaki nang makita ako ,teka siya yung lalaking sumigaw ng idol niya daw si Denver nung isang araw ah bakit naman siya namumutla? Tumayo siya sa upuan niya at pumunta sa kanan sa dulo ng canteen kung saan nakaupo si Denver at isang babae na tumatawa. Napangiti ako ng bahagya sa naisip ko.
"Doon tayo" sabi ni bakla sabay turo doon sa kaliwang table na malayo kay Denver. Pupunta na sana ako kay Denver na 'yun kaso baka makisali si bakla kaya ipinagpaliban ko muna. Habang abala sa pagkain si bakla ay nagpaalam akong mag cr.
Dali dali akong pumunta sa table ni Denver at nanlaki ang mata niya nang makita ako. Ito ang plano ko ang sirain ang magandang usapan nila ng babaeng kasama niya.
"Hi babe kumusta pakiramdam mo? Sorry kung hindi tayo umabot ng round 7 kasi napagod na ako" sabay tumabi sa kanya. shocks! Ano yung nasabi ko huhuhu. Hindi na tuloy ako birhen sa harap ng mga tao huhuhu. Napakamot nalang siya sa ulo sa sobrang inis. Galit na galit naman ang babaeng kausap niya dahil sa sinabi ko.
"SINUNGALING AT MANLOLOKO KA" galit na sabi nung babae sabay itinapon ang malamig na juice sa mukha ni Denver at umalis. Napangiti ako ng todo at tumingin sa kanya na ngayon ay nanlilisik na ang mga mata sa galit.
"Bakit mo ginawa yun" nagpipigil niyang sabi. Nawala naman ang ngiti sa labi ko at napalitan ng awa. Halos maluha na siya sa galit jussko anong ginawa ko!!
"Sorry" mahina kong sabi. Napangisi naman siya sa sinabi ko at tumayo.
"Sorry babe pagod ako hindi kita mapagbibigyan sa round 7" malakas niyang sabi dahilan para mapatingin sa'min ang lahat ng tao sa canteen pati na si Steph na nasa harap na namin ngayon.
"Pwedeng makisali?" Masayang tanong niya kay Denver. "Saan?" Walang ganang tanong ni Denver. "Sa round 7 este sa pagkain" malanding sabi ni bakla. Tumango lang si Denver at nagsimulang maglakad palabas ng canteen.
"Mamaya nalang yung round 7 babe" natatawang sabi ni Denver pero halatang dismayado siya sa nangyari. Naiwan naman kaming pinagbubulungan ng mga tao dito sa loob ng canteen. Lumingon si Denver sa kinaroroonan namin at nakita kong may mga luhang pumapatak sa mga mata niya.
May kung anong kumirot sa puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman 'to. Hindi ko alam kung bakit nakokonsensiya ako sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makuhang ngumiti dahil sa ginawa ko. Ito naman ang ginusto kong mangyari pero bakit parang may mali.
Bakit?
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019