[1]: The Introduction [Part 1]

2.2K 27 2
                                    

"Friendship isn't about whom you have known the longest... It's about who came, and never left your side.."

[ NORMAL POV ]

Eleven girls, eleven boys.

Parang ang rami naman ata niyan? Twenty-two lahat. Pares-pares pa. At take note, MAGKAKAIBIGAN silang lahat. Ang dami no? Paano nagsimula? They were kindergarten back then. 22 lang sila sa klase, mga bata nga naman madali lang maging close. Pero bilib ako sa pagkakaibigan nila ah, its been 14 years, maybe? sabi nga nila, "If a friendship lasts longer than 7 years, psychologists say it will last a lifetime." Parang napatunayan na nila yan. Marami nga silang pinagdaanan pero nananatili pa rin ang matatag na pagkakaibigan nila.

You wanna meet them? Lets start with the GIRLS. *wink*

SAMANTHA FAY JONG - Ang pinaka bata sa kanilang lahat. Half-korean siya, ang pamilya nila ang nagmamay-ari ng Jong Interprises. Shopping addict, mahilig sa rambutan (oo as in rambutan). 15 years old palang siya pero accelerated siya sa school. Laging nasa top 1 since elementary kaya na accelerate dahil sa anking talino (grabe talaga siguro ang IQ nito). First year college na siya ngayon, Business Management, 5'7 ang height (maliit lang po siya, kumpara sa mga kaibigan niya. Pinakabata eh.) Born on August 25, 19**. Bunso sa limang magkakapatid, only daughter, lahat kasi ng mga kapatid niya lalaki at successful sa buhay. Ang pinaka close niya sa barkada ay si Ashley Hope Hernandez. You can call her Sam or Fay.

ASHLEY HOPE HERNANDEZ - Over sa kakikayan, Shoppaholic din kagaya ni Samantha (kaya naman pala, diyan sila nagkakasundo talaga) Health conscious, everyday exercise, dapat kompleto ang Go, Grow, and Glow foods sa mga kinakain niya. Pure breed na Filipino, pero big time din ang pamilyang Hernandez dahil sa malawak na pagaari nila na pagawaan ng sapatos, worldwide. 16 years old na, born on March 27, 19**. Only daughter (big time nga. Nag-iisang anak lang eh.) Second year college, Business Management din. Adventurer, nakapunta na siya halos lahat ng mga foreign countries (actually silang magkakaibigan, magkakasama sa mga trips niya.) 5'7 to be exact ang height niya. Mahilig siya magtambay sa coffee shop pag nababagot sa bahay or manuod ng sine, mag-isa. And yeah close talaga sila ni Samantha. Ash or Hope ang nickname niya pero ang tawagan nila ni Sam ay 'kambal'.

MIKAELA YVONNE ALCANTARA- Sporty type na babae. Soccer, volleyball, badminton, table tennis, lawn tennis, halos lahat na ng sports sinasalihan niya (she's incredible). Alcantara's Housing Corp. ay pagmamay-ari ng parents ni Mika. Pure breed na Filipino din. Pangatlo sa apat na magkakapatid, only daughter ulit (mahilig sila sa isang babae lang sa magkakapatid no? ). Bookworm, halos lahat na ng libro sa mundo nabasa na niya. Since 3 years old pa kasi si Mika, naimpluwensyahan siya ng kuya niyang mataas din ang IQ. Hindi siya accelerated, pero matalino rin siya. 17 years old, born on July 10, 19**, 5'8, taking up Nursing, second year na. She's an artist, marunong siyang magdraw pati paint marunong din siya. She even won 1st prize sa isang Painting Contest sa Australia wheh she was 13 years old. Don't you dare call her by her second name baka maupakan ka.

KYLIE RAE DE GUZMAN - Wattpad addict. Mahilig siya sa mga motor (hindi usual sa babae yan ah). Sumasali din siya sa mga international competition sa motor racing. Black belter sa japanese martial arts (astigggg!). BSHRM, 17 years old, second year college. DG Food Corp. ang business ng parents ni Kylie. Kylie or Rae, kahit alin diyan pwede mo itawag sa kanya. Twitter addict, hindi siya masyadong mahilig sa facebook mas nakababad siya sa twitter. Once in a blue moon lang niya kung buksan ang facebook niya. 5'8 ang height, born on May 25, 19**. Chess master, nakikipag compete na siya international. Pure breed Filipino, paborito niya ang adobong manok and durain.

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon