[LEIGH's POV]
Di ako makapaniwala sa mga sinabi ni Tyler, Kylie at Hunter sa'kin. Totoo bang panaginip lang yun? Parang totoo eh. Damang-dama ko na nandun ako sa pangyayaring yun.
Tapos...tapos..pupunta daw yung muntik ko nang masagasaan? Ano ba talaga ang nangyari? 101% clueless talaga ako.
"Ate, kain ka na muna oh. Mamaya pa daw yung bisita mo." tumingala ako at nakita ko si Autumn na may hawak na tray ng pagkain. Ngumiti ako sa kanya saka niya nilapag yung pagkain sa may mesa. Umuwi na muna kasi sina Tyler, Hunter at Kylie para makapagpahinga.
"Kay, kumain ka na ba? Mag-aalas 2 na rin oh. Baka di ka pa kumakain." tanong ko sa kanya habang abala siya sa pag-aayos ng pagkain ko.
"Ok na ako ate. Kumain na rin ako sa school. Kaya ikaw nalang. Lika na." alok niya sa'kin. "Si Ashley at Mika ba pumupunta rito?" tumango lang siya. Kaya sumubo na ako ng pagkain.
~When I dream, I think of you
Breathe I think of you
All day I think of you
Give all my love to you my baby boo
Swear its true all I do is think of you~
Napatingin agad si Autumn sa phone niya. Sumenyas siya na sasagutin muna niya. Tumango lang ako.
"Hello? Oh Ashley. Napatawag ka?" tumingin ulit siya sa'kin. "Oo andito naman, kumakain kasi siya eh. Okay, sige. Bye." saka binaba ang phone niya.
"Ano shabi ni Ashley?" natatawa siyang tumingin sa'kin. Sino bang hindi? Punong-puno yung bibig ko ng pagkain tapos nakikipag-usap ako sa kanya.
"Pupunta raw sila Mika dito ate. Silang dalawa lang."
Nilunok ko muna ang pagkain ko bago ako ngasalita ulit. "Kay, hindi ba talaga nanligaw si Hunter kay Mika?" napakunot ang noo niya pagkatanong ko non.
"Ang alam ko lang naman ate, Nag-aaway sila lagi. Pero yung ligaw? Wala eh." tumango lang ako.
So? Totoo nga na panaginip yun lahat? Di pa rin ako makapaniwala eh.
Tapos na comatose pa ako. Naguguluhan na ako. Ano bang nangyari sa araw na yun? I want answers.
[KAI's POV]
"Pre tama na yan. Wala ka ring mapapala sa alak."
"Mahal *hik* ko shiya *hik* fre. Ayokong *hik* iwan shiya *hik*." napaface palm nalang ako. Paano ba naman? Naglalasing tong isa eh sa hindi ko naman alam ang pinagsasasabi niya.
Kinuha ko nalang yung bote ng alak sa tapat niya para di na siya maka-inom pa. Buti nalang di siya pumalag.
Nagtext ako kay Austin na papakuha kami sa bar.
To: Gagong Austin
Brad, sunduin mo kami sa AA bar. Ayokong mag-drive na may lasing na kasama.
Sent!
Wala pang isang minuto, nagreply agad si Austin.
From: Gagong Austin
Ge brad.
Di ko na siya nireplayan kasi papunta na rin yun dito. Yung nasa tabi ko? Knockout na eh. Tch, maglalasing tapos matutulog dito pagkatapos. Sa susunod hindi ko na siya sasamahan pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/24457064-288-k845464.jpg)
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
AcakYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)