[35]: Ehh?

232 7 0
                                    

[JACE's POV]

Booogsshhh!

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko yung ingay. Agad akong lumabas ng tent ko, tumingin muna ako sa katabi ko pero wala eh. He's sleeping like a log. Leche 'to, pag tulog talaga walang pakialam sa mundo. Psh, bala ka d'yan Dylan. Kaya lumabas na ako ng makapangchismis ako.

"Hoy! Ano yan! Tch." rinig ko na sigaw ni Ashley. Bunganga pa Abo, -_-. Tinignan ko nalang yung gate kung anong meron.

Ehh? Bakit parang may tao ata? Lumapit na si Leigh at Ate Sue sa may gate. Sumunod na rin ako, pumulot pa ako ng bato. Panghagis ko, baka zombie eh. :3

"Ty, ano yan? Sino ba yan? Bakit nakahandusay yan d'yan? Patay na ba yan? Gisingin mo ba ka di na humihinga." sunod sunod na sabi ni Ashley.

"Bunganga mo oy Abo." sabi ko sa kanya pero sinamaan lang niya ko ng tingin. Psh.

Nakita naming may dugo sa gilid ng labi ni Tyler. Hala! Baka vampire na si Ty at kinagat niya yung nakahandusay! Ningatngat ko ang kuko ko. Natataranta akong nakatingin sa paligid. Baka maya maya kami naman sunggaban ni--"Aray Nata!! Para san yun!!" hinawakan ko ang ulo ko. Sakit non ah.

"Hoy Lee, alam ko yang iniisip mo. Wala pang zombie o vampire apocalypse dito sa'tin. Langya 'to."

"Sorry naman kasi. Malay mo di ba Nata de coco?" babatukan na sana niya ako ulit pero lumayo ako bahagya saka nagpeace sign.

"Ano ba kasing nagyari diyan Ty?" tanong ni Kylie sa kanya.

"Eh, gago eh. Lasing kasi yan. Isasara ko na sana ang gate ng may marinig akong kaluskos sa labas ng gate kaya tinignan ko. Pagkalabas ko agad niya kong sinuntok kaya bumawi lang ako. Ayan, tulog agad. Sinira pa kagwapuhan ko." saka niya pinahiran ang dugo sa labi niya.

Pffft, si Tyler yan eh. "Anong nangyayari dito?" napatingin kami sa likod namin. Si Charles na kinukusot pa yung mata. -_-

"Yow, mang Thomas. Buti naisipan mo pang gumising. Kulang kasi ng audience dito. Dalian mo ng madagdagan." sinamaan lang niya ako ng tingin saka tumakbo palapit sakin.

"JACE LEE!! KAILAN KA BA MAGTITINO!!"

Tumatakbo na rin ako. Di niya ako mahahabol eh. "Matagal na akong matino!! Di lang halata!!" sigaw na sagot sa kanya.

.

.

.

[CHLOE's POV]

Minulat ko ang mata ko at tumingin sa katabi. Tnapik ko siya. "Oy, Sam. Gising na. Tirik na tirik na yung araw baka malusaw tayo dito. Mainit eh."

Isang mata yung una niyang minulat at tumingin sa'kin. Sumenyas ako na tayo na siya. Agad naman siyang bumangon at nag indian sit na nakapikit ulit? -_-

"Anong oras na ba?" antok na tanong niya sa'kin. Tinignan ko ang phone ko. "7:15 am na Sam."

Ehh?

Bumalik kasi siya sa pagkakahiga niya. Jusme, kaya hinila ko ang isang kamay niya para makabangon ulit siya.

"Isa Sam. Tignan ko lang kong makapagshopping ka pa mamaya pag di ka bumangon." at kasing bilis pa ni Flash kung bumangon. -_-, shopping addict nga naman.

"O, ano pa hinihintay mo d'yan Chloe? Bagong taon? Bilisan mo d'yan!"

See? Ako pa pinagalitan. Langya, aba at nauna pang lumabas sa'kin. Tumayo na rin ako at lumabas ng tent. Nakita ko din yung iba na lumabas na.

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon