[46]: Chloe Jane Anderson

310 12 0
                                    

[CHLOE's POV]

*sigh* Wala na bang mas boring sa araw nato? Its December 18, malapit na ang pasko pero andito pa rin ako sa boring na bahay na ito. Ayokong umuwi dito dahil wala akong magawa, bukod sa pagtingin ko ng maganda kong mukha, wala na.

"CJ! Andyan si Mommy mo!" rinig kong sabi ni Manang Alice galing sa labas ng kwarto ko. Matamlay akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto. Simula noong umuwi kami galing dun sa beach resort na pinuntahan namin ni Tristan tas nakita namin sila Sam at Charles. Di na ako lumabas ng bahay.

Nawawalan ako ng gana eh. Yung christmas ko sobrang boring. Yung mga nagbibigay kulay sa pasko ko every year, wala parang naging colorless ata. Bumaba ako ng sala para puntahan si Mom.

"Hi baby." bungad sakin ni Mom na umiinom ng kape sa sala. Ngumiti ako sa kanya saka lumapit and kiss her cheeks.

"Hi Mom. How's Saudi?"

"It was fine dear. Nag file na rin ang daddy mo ng divorced papers."

*sigh* Ito pang isa kong problema. Maghihiwalay na si Dad and Mom. What a great christmas gift right? Nagkaroon kasi ng affair ang Dad and Mom found out na halos 2 taon na yun. Kaya siguro wala palagi si Dad for the past 2 years because of that ugly bitch.

Umupo nalang ako sa tabi ni Mom at nag Indian sit. "Is everything alrigh dear?" nilingon ko si Mom saka ngumiti ng papilit.

"Of course Mom. Okay lang naman siguro ang lahat."

"Siguro?"

"Yeah."

"How's your friends?"

Napabuntong hininga ako bago sumagot. "I don't know Mom. Nagkawatak watak kasi kami eh. Bigla nalang silang nawala a month ago."

"God has good plans dear. Malay mo may reason ang lahat ng nangyayari ngayon." saka ako niyakap ni Mom. Siguro nga, na sa lahat ng nangyari sa amin ngayon may magandang rason behind it.

*

*

*

"Mom, aalis lang ako." tumango si Mom saka kumaway sakin ng mahina. Lumabas ako ng bahay at sumakay sa kotse ko. There is one place na alam kong may makakausap ako.

*

*

*

Lumabas ako ng kotse at sinuot ang shades ko saka naglakad sa kinaroroonan niya. Umupo ako sa tabi niya.

"Its good to see you Dad." sabay lapag ko ng bulaklak na dala ko. Pinunasan ko ang puntod niya. "How are you? Okay ka lang ba dyan? Kami ni Mom we're fine."

Bahagya akong tumingala sa langit. Di naman kasi masyadong mainit yung panahon kaya di masilaw. "They're having a divorce Dad. Tito Emannuel cheated."

Magulo ba? Yes, I have two Dads. But ang totoo kung Daddy is in heaven na. Its been 8 years ago simula noong nawala ang tunay na Daddy ko. May brain cancer siya. Tito Emannuel is my Dad's bestfriend na may gusto kay Mom dati pa but mom loves my true dad.

"I miss you Dad. Wala nang naglilibre sakin ng pagkain every sunday midnight. I miss our bondings Dad."

"Chloe?"

Agad akong lumingon sa likuran ko. I smile bitterly to him. Hindi naman sa ayaw kong makita siya but pag may nakikita akong isa sa kanila. I miss them more. Ngumiti siya sakin saka ako nilapitan at umupo sa tabi ko.

"Visiting him?" turo niya sa puntod ni dad. Tumango ako. "Namimiss ko lang siya eh. Ikaw ba?"

"Visiting my Mom and my sister." di halata sa kanya na wala na siyang Mama at isang kapatid. He's really brave. Siya yung tipo ng tao na kahit hindi masyadong nagsasalita pero deep inside may tinatagong mabait na side.

"Samahan na kita?" ngumiti lang siya saka tumayo at nilahad ang kamay niya para tulungan akong makatayo.

"Umuwi ka sa inyo?"

"Yes. Umuwi lang ako kasi death anniversary ni Mom bukas at sa 26 naman sa kapatid ko." sagot niya akin habang naglalakad kami papunta sa puntod ng mama niya at kapatid.

Ang buhay ng tao nga naman. Di mo masasabi kung hanggang saan. Di mo masasabi na magiging masaya ko hanggang sa huling hininga mo. Kasi sa buhay ng tao may ups and downs. Di ka laging nasa taas, minsan sa buhay mo napupunta ka sa baba.

Noong nakaabot na kami sa puntod, agad niya nilapag ang mga bulaklak na dala niya saka nagtirik ng kandila. Tumingala siya sa langit saka pumikit at sinabi ang mga katagang ito, "Saranghae."

"I LOVE YOU"

Ang daming pwede mong sabihan ng i love you. Girlfriend, boyfriend, mga kaibigan, kapatid, pinsan at iba pa. Pero ang mga katagang yan, mas nagkakaroon ng mas mabigat na meaning kung ang taong nagsasabi niyan ay ang taong pinapahalagan at sobrang mahal ka.

Yung tipong hahamakin niya ang lahat maprotektahan at maalagaan ka lang. Di niya hahayaang may taong mananakit sayo. Na di niya kakayaning makita kang umiiyak at nasasaktan.

Pero hindi lahat ng tao na kagaya nila ay habang buhay na mananatili sa mundo. Kung pwede lang sana na maging inmortal nalang sila para sa panahon na umabot tayo sa point na sawa na tayo sa buhay natin, may taong tutulungan kang makatayo at magsimula ulit.

Parang mga kaibigan ko, kahit anong mang dagok na dumating sa amin. Nananatili pa rin ang pagiging tapat at mapagmahal nila sayo. Pupunasan mga luha mo at patatawanin ka ulit. Di ka iiwan, di ka pababayaan. Sana sa lahat ng mga pangyayaring to may magandang bukas na. Makikita ko na ang mga ngiti sa mga labi nila.

Inakbayan niya ako saka tumalikod sa puntod at naglakad palayo. Sana hindi lang Tyler ang makita ko, sana silang lahat.

---------

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon