[38]: Xavier Alexander Scott

235 10 1
                                    

[XAVIER's POV]

Haaayyy! Naginat ako para marelax ako. Minasahe ko ang batok ko, ang hirap pala ng ganito no? Maraming papers na dapat pirmahan, mga meeting na kailangan iattend. Future psychologist ako hindi businessman. -_-

"Sir Xander, nandito po ang lola niyo." rinig ko na sabi ng sekretarya ko sa intercom. Ano na naman ba kailangan niya? May ipapagawa na naman ba siya? Lagi ko nalang siya pinapaboran, kailan pa kaya yung panahon na yung desisyon ko naman ang masusunod.

Tok tok tok..

Napatingin ako sa pinto at nakita ko ang lola ko ng sobrang sungit. Kaya siguro tumanda siya agad dahil laging nakamaldita mode.

"Xander, ano tong nababalitaan ko na hindi mo na inaasikaso si Aly? I told you to entertain her, right?"

Sumandal ako sa office chair ko at nagcross arms na nakatingin sa kanya. "So? I have so much work to do na dapat yung pamangkin niyo ang gumagawa at hindi ako." saka ko tinuon ulit ang pansin ko sa mga papeles.

"Hindi kitang pinalaking bastos Xander. San mo ba natututunan yan? Dun ba sa babaeng yun? Ha?! She's really a bad influence to you. Kaya nararapat na si Aly ang pakasalan mo at hindi siya."

Inangat ko ang mukha para makatingin ako sa kanya. Binigyan ko siya ng nakakatakot na tingin. Kinuha ko ang phone ko sa may drawer ko and dial Aly's number saka ko tinapat sa tenga ko ang phone.

"Hello Aly? No, wala akong kailangan. May gusto kasing kumausap sa'yo." pinindot ko ang loudspeaker para marinig ko rin."Talk now Aly.

(Hello?)

"Hello Aly. This is Eliazabeth Scott. Xander's grandma. Nasan ka ngayon iha?"

(I'm sorry grandma. I'm really busy. Oh, I almost forgot. Hindi ako magpapakasal kay Xander. I already talk to my Dad. And he says, its fine. Makikipagusap nalang daw po siya sa inyo one of this days. Bye.)

And then she hang up. Kinuha ko ang phone ko at binalik sa drawer. Yung mukha ni tanda parang sasabog na. Tumayo ako at hinarap siya. "What now? Are you gonna force me to marry her? Why don't you try to marry her? Tutal ikaw namang may gusto niyan di ba? Mahal ko si Leigh and I will fight for her kahit alam kong may kasalanan ako."

PAAKKK!

"You really disappoint me Xander. You will not marry that woman ever! Do you understand?!" napasmirk ako saka humarap ulit sa kanya.

"I will marry her grandma, NO MATTER WHAT." saka siya padabog na umalis. Nakita ko sa may pinto si Ate Sue, Jace, Hunter at Sam na isa isa niyang binangga. Pagkatingin nila sa'kin ngumiti nalang ako.

*

*

*

*

"Oy Xander pahingi ako nitong juice ah. Nauhaw ako sa sampal nong matandang yun eh." saka kinuha ni Jace yung juice ko na nasa side table. Pfft, walang sinasanto si Jace pagdating sa pagkain.

"Hoy PANDA! Wag mong ubusin. Mahiya ka naman."

"Wala akong hiya MAS. Makapal mukha ko pero gwapo pa din."

"Ano na naman connect dun ha?

"Connect mo nalang, share mo pa. Parang blluetooth." saka nilapag ulit ni Jace yung baso sa lamesa. What do you expect? Parang dun ata to pinanganak sa mental eh.

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon