[29]: Leave or die

295 8 7
                                    

Paano kung yung mahal mo iniwan ka pero mahal mo pa? Tapos dumating yung taong mahal ka? Sa anong kasabihan ka maniniwala? "First love never dies" or "love is sweeter the second time around?"

[XAVIER's POV]

Nakaupo lang ako sa may sala. Mukhang wala silang balak na kausapin ako. May nagawa ba talaga akong masama? Sa pagkakaalala ko wala naman.

Bzzzzttt!

Tinignan ko ang phone ko na nagvibrate sa tabi ko. Nakita ko ang pangalan niya sa screen. Bigla akong napangiti at agad na sinagot ito.

(Hi there honey. You're free tonight?)

Ayan na naman yung kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko pag siya ang kausap ko. She giving me a shiver.

"Yeah sure. See you tonight." saka ko binaba ang phone. Excited na ulit akong makita siya.

Ding dong!

Narinig kong may ngdoor bell. Agad akong nagtungo sa front door at binuksan ito.

And to my suprise, siya ang nakita ko. She immediately kissed me passionately. I can't resist her. Siya lng ang nagbibigay ng ganitong excitement sa'kin. Never kong naranasan kay Leigh 'to. Kung tutuusin, I just treated Leigh as a bouncer dahil hindi ako makaget over sa babaeng hinahalikan ako ngayon. Kaibigan ko si Leigh, kung minahal ko man siya, as a friend lang yun.

"Get a room please." bigla akong natauhan dahil sa boses na narinig ko. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Natalie. Sasagot pa sana ako pero tumalikod na siya at pumasok sa loob.

*

*

[NATALIE's POV]

Kailangan talaga harap-harapan ang pagtataksil niya?! Matanggalan nga ng lalamunan yung dalawang yun at ng matapos 'to.

"Hey, are you okay? Hindi na maipinta ang mukha mo." bungad sa'kin ni Tyler na kakababa lang galing sa taas. Napabuntong hininga nalang ako at dumiretso ng kusina. Naramdaman kong sumunod siya.

Kumuha ako ng tubig sa ref at nilagay sa baso. "Is there something wrong Nat? Kanina ko pa napapansin na parang gusto mo nang pumatay ng tao. I can volunteer to ripped he's f*ckin throat." patay na. Underground fighter pa naman din 'tong kausap ko. Ininom ko muna ang tubig na nasa baso ko bago ko siya sinagot.

"See for yourself." saka siya hinala papuntang front door.

Nang makarating kami ng front door. Sinilip lang naman yung nangyayari sa labas. Wala pang isang minuto, akmang lalabas si Tyler ng pigilan ko siya. Tumingin siya sa'kin, umiling ako. I know he understands what I'm trying to stay.

"Aalukin ko lang sila na pumasok sa loob." sabi ko sa kanya at binuksa ko ang pinto. Di ba pwedeng maghiwalay muna sila kahit 5 minuto lang?? Psh

*clear throat* "Xander, papsukin mo naman yang bisita mo. Nakakhiya sa mga kapit-bahay oh, d'yan pa kayo naglalandian sa labas." saka ako tumalikod at pumasok sa loob. Nakita kong nakaupo na si Tyler sa sofa. Nilapitan ko siya.

"Tell manang to prepare some snacks okay? Tatawagin ko lang sina Ate Sue." tumango lang siya at tumayo. Ako naman naglakad na ako papunta sa kwarto ni Leigh.

*

*

Pagkadating ko sa harap ng pinto agad kong binuksan ito. Nakita kong gulat na gulat silang dalawa. Sorry naman, napalakas ata yung pagkakabukas ko.

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon