[25]: Weekend Love Affair

265 7 0
                                    

[XAVIER's POV]

Papunta ako ngayon sa lugar na sinabi niya. Is that really necessary na pumunta ako? If I know gusto lang niya akong makita. Pero bakit naman bumabyahe ako patungo dun?

Pwede ko namang sabihing hindi ako pwede dahil may bisita sa bahay--este dumating na yung may-ari ng bahay. Pero bat ganun? Andito ako sa kotse ngayon nagmamaneho patungo sa lugar na yun.

Mahal ko pa ba talaga siya? Pero si Leigh ang mahal ko ngayon. Si Leigh ang buhay ko. Pero bakit parang may parte ng puso ko na ang sinisigaw ay siya.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin. Oo, minahal ko siya----noon yun. Pero ewan ko ba. Noong bumalik siya galing Europe parang bumalik rin lahat ng naramdaman ko sa kanya noon. Oo, sinabi ko ngang hindi ako nangungulila sa kanya pero kalaunan parang kabaligtaran ata.

*

*

"Ohh, there he is. Sabi ko na nga ba eh di mo ako matitiis." then she spread her arms para mayakap ako.

Lumapit ako sa kanya at niyakap din siya. May parte sa puso ko na nagagalak na makita siya. Hindi ko na talags maintindihan ang sarili ko.

Kumalas siya ng yakap sa'kin saka ngumiti and offered me a seat. Nasa isang coffee shop kami ngayon.

"What do you want Aly?" panimula ko.

Nag-smirk lang siya bago humigop ng kape. "What Aly Santos wants. What Aly Santos gets. Kilala mo ako Xander."

Kilala ko nga siya. Hindi siya titigil hanggat di ako nakikipaghiwalay kay Leigh. Mahal ko Leigh, pero parang mahal ko na rin si Aly--ulit. Hinigop ko nalang ang kape ko.

"Hindi mo pa rin nasasabi sa kanya, right?" napatingin ako sa tanong niya.

"I'm waiting for right time Aly. Hindi ko dapat binibigla si Leigh dahil nagpapagaling pa siya. Nakakasama sa kanya yun."

"Then, when is the right time Xander? Yung mahuhuli ka na niya sa akto pero idedeny mo pa rin?" napahinto ako sa sinabi niya. Tama siya, aantayin ko pa ba ang araw na yun? Hindi ko alam. Litong-lito na ako. Hindi ko nalang siya sinagot. I just heard her chuckle.

"Gawin mo na, as soon as possible Xander. Alam mo ang kayang gawin ng family mo sa business nila."

"I will." tipid kong sagot sa kanya.

"Lets go somewhere." napatingin ako sa kanya. Ang lapad ng ngiti niya.

"Go somewhere? Pumayag na nga akong makipagkita sa'yo ngayon, tapos pupunta na naman tayo sa kung saan? No."

"Ohh, come on Xander. You'll love it. Tutal ito lang naman ang nagagawa natin. A weekend love affair." mas lumapad ang ngiti niya.

"Weekend love affair? Are you insane? This is not a love affair dahil ikaw lang ang nagmamahal. Its a one-sided love affair." yung malapad niyang ngiti napalitan ng galit ata? I don't know kung paano I.explain ang mukha niya.

*

*

"WHAT?! NO! Wag mong idadahilan yang si Leigh mo na yan. Sasama at sasama ka sa'kin sa ayaw mo't sa gusto." nakakabwesit naman 'tong babaeng 'to. Hila-hila na niya ako palabas ng mall.

"Pwede muna akong di hilahin."

"Ayoko. Bibitaw lang ako pag nasa kotse na tayo. Baka tumakas ka pa."

Mind-reader ata 'tong babaeng 'to. Nahulaan agad ang gagawin ko. Tch. No choice but to follow her.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Tagaytay."

"WHAT?! Ano namang gagawin natin sa Tagaytay ng ganito kaaga?"

"Pupuntahan natin parents ko. Papakilala kita sa kanila."

Natawa ako a sinabi niya. Ano daw? Ipapakilala? Eh hindi pa nga kami odficial couple eh. "Bakit tumatawa ka?" tanong niya na nakataas ang kilay.

"Ipapakilala? Eh hindi nga tayo official couple eh." hindi niya ako sinagot at patuloy na kinaladkad ako papuntang parking lot.

*

*

[SUE TORRES' POV]

"HI KIDS!! HEHE!" sabay taas ko ng mga pasalubong ko sa kanila. Agad silang nagtakbuhan sa kinaroroonan ko.

"Ineng! Umuwi ka na pala?"

"Sister Rose naman eh. 21 na po ako, wag niyo pa po akong tawaging ineng. Nakakahiya po. ^_^"

"Ano ka ba. Tayo-tayo lang naman dito eh. Siya nga pala sinong kasama mo?"

Tinuro ko kung sino ang nasa likuran ko.

"Hi Sister Rose! ^_^" at nagsabay pa talaga silang tatlo.

"Ano ba kayong tatlo. Hindi 'to speech choir para magsabay-sabay kayo magsalita. Tch." narinig kong tumawa si Sister Rose.

"Yaaa! Ate naman eh. Wag kang mag-alala, hindi scripted yun. Yun speech choir scripted kasi eh." napailing nalang ako. Si Jace ka pa? Parang sa'kin ata nga yan pinaglihi ng Mommy niya eh. Nakita kong nagpipigil ng tawa si Austin at Tristan.

Lumapit ako kay Sister Rose. "Wag niyo na ho silang pansinin. Mga KSP po sila." napakunot ang noo ni Sister, halatang hindi niya alam yun.

"Kulang sa pansit-este pansin po Sister. Hehe."

"Wag niyo po siyang pansinin Sister. Kumakain po kasi siya ng pansit kanina sa byahe kaya ganyan." sinamaan lang ni Jace ng tingin si Austin.

"Nakakatuwa naman 'tong mga batang 'to. O siya, pumasok na muna kayo ng makapameryenda kayo." naunang pumasok si Sister. Kaya naman humarap ako sa tatlo na halata na excited sa meryenda.

Sinamaan ko sila ng tingin. "Dito lang kayo sa labas. Aba! Kumain na kayo ng pansit kanina tapos kakain ulit kayo? Ano kayo sinuswerte?"

Ang cute nilang tatlo! *0* paano ba naman kasi sabay-sabay silang nagpout. Ngumiti lang ako at lunapit sa kanila saka inakbayan.

"Joke lang yun. Kayo naman. Tara na! :)"

At ayun, patakbong pumasok ng bahay. Mga walanghiya! -___-

*

*

"Sister, kumusta naman po yung mga bata dito? Di ba sila nahihirapan? Wala bang sira yung bahay? May mga na-ampon na ho ba sa nakaraang isang taon na hindi ako nakadalaw rito?"

"Athe, ang dyami mong thanong." bastos talaga 'tong si Jace. Pinikot ko yung tainga niya.

"Wag kang magsasalita pag kumakain ka. Manners Jace." nagpeace sign lang siya at patuloy na ningunguya ang pagkain na nsa bibig niya.

"Isa pa lang naman ang na-ampon Neng. Si Joshua. Taga dito rin sa Tagaytay yung nag-ampon. Yung mga bata, sa awa ng Diyos okay naman. Yung bahay, walang problema." nakangiting nagsasalita si Sister. Buti naman kung ganun.

*

*

"Alis na kami mga bata! Pakabait kayo kay Sister ah." nakangiti lang ailang tumango. Kumaway ako sa kanila. Nakisali na rin ang tatlong kasama ko bago kami pumasok ng kotse.

"Daan muna tayo ng supermarket guys kasi magluluto ako ng masarap na hapunan." at yun. Sobbbrrraanggg lapad ng ngiti nilang tatlo. Ako kasi yung nagmamaneho. Si Austin ang katabi ko, si Tristan at Jace ang nasa likod.

Grabe yung pagka gentleman nila no? Damang-dama ko. Leche. -___-

*

Nagpark na kami. Sa labas ng supermarket. Alangan namang sa loob diba? -___-

Pagkalabas ko may nahagilap ang mata ko na pamilyar na tao.

Ahhhhh, kaya pala..

---------

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon