[11]: Is it True?!

382 11 0
                                    

[KYLIE's POV]

Its been one week noong na engaged si Leigh and Xavier. They're very happy talaga. Nakikita namin yun. Busy na din sila sa mga thesis nila dahil graduating sila. Kami ni Kai? Syempre kami pa rin. ^_^ di pa naman kami nagkakaproblema ni Kai since naging kami. Kahit boy next door yun hindi naman siya pumupunta sa ibang pinto. Hindi nawawalan ng sweet hormones sa katawan at very loving pa din.

Yeah, speaking of Kai, andyan na nakangiti. "Hi Pie.." sabay halik sa pisngi ko, "kanina ka pa ba?"

Umiling lang ako, "kakadating ko lang rin Hon. Mga 5 minutes ago." Sabay upo niya sa tabi ko. Nasa bahay lang naman kami. Its friday kasi kaya maaga kaming nakakauwi lahat. "Wanna grab some snacks Pie?"

"Gusto ko ng maruya Hon. Bili nalang kaya tayo ng saging? Tapos dito na natin lutuin para makakain lahat." Ngumiti ako at sabay pisil niya sa magkabilang pisngi ko. Tumayo na din kami at naglakad palabas ng bahay ng makasalubong namin si Mika papasok ng bahay. Nagkatinginan lang kami ni Kai dahil parang galit na galit si Mika eh. Susundan ko na sana si Mika ng pigilan ako ni Kai. "Hayaan mo na si Mika baka dahil kay Hunter yun. Wag na muna tayo makialam. Lika ka na?" Napatingin ulit ako kay Mika na patakbong umakyat ng kwarto. Binalik ko ang tingin kay Kai. "Tama ka Hon. Mamaya kakausapin ko nalang siya. Bili muna tayo ng saging ng makapagluto ako." Saka siya ngumiti sa'kin. Kaya nagsimula ulit kaming maglakad papunta sa kotse niya. Sana ok lang yung si Mika.

*

*

*

[Mika's POV]

Nakakabwesit! Ano bang gusto niyang palabasin?! Aish! Sinasabunutan ko na ang sarili ko. Please mawala ka na sa isip ko. >___

FLASHBACK

Nasa may mall ako dahil papunta ako ng grocery store para mamili ng isusuprise ko kay Hunter. Hindi pa kami ni Hunter, 2 weeks palang siyang nanliligaw sa'kin. Hindi din naman ako nagmamadali. Gusto ko munang i-cherish ang moment. Baka sakali kung may mangyari man, atleast may magandang memory na naiwan si Hunter sa akin. Aish! Umiling ako ng bahagya, bakit ko ba iniisip ang mga bagay na yun.

Nagpark na ako ng makarating ako sa mall. Ng makapasok ako, pumunta muna ako ng Starbucks para makapagsnacks since 2pm pa naman.

30 minutes lang akong nagstay sa cafè shop at naisipan kong umalis na. Lalabas na ako ng may nakita akong pamilyar na mukha. Nagkasalubong ang mga mata namin. Nakita kung may kasama siya. Namamalik mata na ba ako? Bakit naghahalikan sila? PDA masyado eh. Nangingilid na ang luha ko kakatitig sa kanilang dalawa. Patakbo akong umalis sa shop. Hindi ko alam kung sinundan niya ako o kung ano. Wala na kong pakialam pa dun.

END OF FLASHBACK

Binagsak ko nalang ang katawan ko sa kama at humagolgol ako ng iyak. Bakit nga ba ako umiiyak ng ganito? Dahil masakit? Oo, masakit, sobrang sakit. Bakit? Dahil natutunan ko na siyang mahalin ng sobra. Balak ko pa nga sana na sagutin siya ngayon. Pero wala eh, nagpakatanga ako sa isang chixboy. Nakakaantok talaga pagkatapos umiyak kaya napilitang akong ipikit ang mga mata ko.

*

*

[HUNTER's POV]

Bakit pa kasi nagpumilit yung si Hailey na magpasama sa mall! -__-" and the kiss?! The nerve of that girl! Timing na palabas si Mika ng cafè. Di ko naman talaga napansin si Mika that time kasi busy ako sa pagtingin-tingin ng pwedeng ipasalubong sa kanya. Bigla-bigla nalang akong hinahalikan ng babaeng yun! Hindi ako agad nakapagreact kasi nakita ko si Mika. Hindi ko alam ang dapat gawin that time.

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon