[AVA's POV]
"Ano bang problema mo Jace! Nabwebwesit na ako sa'yo talaga! Shooo! Alis nga d'yan!" Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito pero di pa rin natitinag ang lalaking to, napapaos na nga ako eh. Nakakainis din naman tong si Jace eh. Kanina pa niya ako kinakalabit. Naiinggit siguro kay Hunter at Mika na magkasama kanina paalis ng bahay, kakain daw sila. "Samahan mo na kasi ako kumain eh! TT^TT, buti pa si Hunter may Mika. Eh ako?! WALA! huhu!"
"Di ka ba marunong kumain mag-isa? Bakit ka ba magpapasama? Ano ako, taga-subo ng pagkain? Ganda ko namang taga-subo. Psh." Nagpout na naman po siya! Masusuntok ko na tong lalaking 'to. -_-"
Umupo nalang ulit siya ng maayos at nakacrossed arms pa. Napailing nalang ako.
"Oh? Bakit nakabusangot yang isa?" Napatingin ako kung sino ang nagsalita sabay nguso sa katabi ko. Si Austin, kakadating palang. Tumakbo si Jace papalapit kay Austin at yumakap.
"Ayaw niya akong samahan eh!" Sabay turo sa'kin. Inirapan ko lang siya.
"Eh, san ba kayo papunta?" Sabay palipat-lipat ng tingin sa'min ni Jace.Hindi ako sumagot. Kitang nag-aaral yung tao, tapos iniisturbo. Nakita mung nagpout si Jace. Hindi nalang ulit nagtanong si Austin at umakyat nalang ng kwarto habang nakayakap pa rin si Jace sa kanya. Di ba niya alam na may nakayakap na gorilla sa kanya? Tch. Umiling-iling nalang ako at tinuon ulit ang pansin sa mga papel na nasa center table ng sala. Napabuntong hininga nalang ako. Wala bang photo copy machine ang utak? Para ipaphoto copy ko nalang to para maalala ko lahat, sino ba kasing nagpauso ng test test na yan. Tch.
*
*
*
[LEIGH's POV]
Naku!! Birthday na ni Sebastian bukas! Di pa ako nakapaghanda para sa suprise namin sa kanya. Pano na'to? "Babe?" Sabay kalabit sa'kin ni Xavier, nandito kasi kami ngayon sa kwarto. Tumingala ako sa kanya kasi nakatayo siya, ako nakaupo sa may dulo ng kama nag-iisip kung anong suprise ang pwede kay Sebastian ngayon. Tumabi siya sa'kin, still wondering kung ano ang iniisip ko.
"Babe, birthday ni Sebastian bukas. Anong gagawin natin? Lagi tayong may suprisa tuwing birthday natin."
"I'll contact a catering services babe, problemahin nalang natin kung paano isusuprise si James. Papuntahin mo dito si Tristan, Tyler, Natalie, and Harper to make the invitations. Tawagin mo na rin si Dylan at Sam para sa sound system na gagamitin. Yung iba, patulungin mo nalang. Dun tayo sa conference room lahat." Grabe si babe ah, nahilo ako sa mga pinagsasabi niya. Tumayo si babe at pumunta sa may phone para tawagan ata ang catering services. Lumabas ako ng kwarto para ipaalam sa kanila. Yung sinasabi naming conference room? Yung ubod ng laki na kwarto dito sa mansion.
*
Bumaba ako ng sala at nakita ko si Ava nag-aaral. "Bunso, hindi pa ba umuuwi si Sebastian?" Tumingala siya pagkatanong ko non. "Nagtext siya sa'kin kanina ate na di daw siya makakauwi ngayon kasi may family dinner daw sila at dun na rin siya matutulog sa condo niya. Baka bukas pa siya uuwi kasi baka diritsong school lang siya. Bakit ate?" Yes! Tamang-tama, maplaplano namin ng maayos ang suprise sa kanya.
"Patapos ka na ba d'yan sa ginagawa mo?" Tapos tumingin siya sa mga papel na nakakalat sa center table. Tumango lang siya. "Pagkatapos mo d'yan dumiritso kana sa conference room ah. We have to suprise Seb sa birthday niya bukas." Biglang lumiwanag ang mukha ni Ava, tumango ulit siya at isa-isang niligpit ang mga kalat niya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nag txt ako sa kanilang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/24457064-288-k845464.jpg)
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
РазноеYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)