[43]: Jade Harper Adams

244 12 3
                                    

[HARPER's POV]

*sigh* Kakagising ko pa nga lang bad vibes na'ko. Bumangon ako at tumingin sa bintana. Another malungkot day.

Tok tok tok.

Agad akong napatingin sa pinto ng bumukas ito. "Jade, someone's looking for you. Nasa sala sila naghihintay." tumango lang ako saka sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko at lumabas ng kwarto.

*

*

*

Pagkababa ko ng sala nakita ko na may limang tao na nakaupo sa sala namin. Lumingon yung isa and there I saw Ate Sue with a comfortung smile on the face. Tumayo siya at lumapit sa'kin. Lumapit din ako sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.

"Everything's gonna be fine Harper. We're here." tumutulo na mga luha ko. Hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko. Mas hinigpitan ko nalang ang yakap ko kay Ate. Hinihimas na nalang niya ang likod ko para tumahan ako.

*sniff* "By the way Ate sino kasama mo?" saka ako kumalas sa yakap niya at tumingin sa may likuran niya para tignan kung sino kasama niya. Nakita ko si Jace, Sam, Kate and Seb. Kumaway pa ng mahina si Jace sa'kin. I've missed them so much, kaya lunapit ako sa kanila saka sila niyakap.

"Miss ko na kayo guys. I'm sorry kung di ako nagpaparamdam. I'm so sorry."

"Ano ka ba Jade, kami nga rin eh." -Kate

"Fair lang tayo Jade. Buti nga yung sa'yo may katuturan. Eh yung sa'kin? Wala." -Seb

Kumalas na ulit ako sa kanila. "Upo muna kayo papahanda ako ng almusal."

"It's fine Harper, kumain na kami bago kami umalis ng bahay kanina." ayy, umupo nalang rin ako. It's really good to see them. Wala namang masyadong pagbabago pwera nalang kay Kate na parang pumayat ng konti. Si Jace, pilyo pa rin, imbestigahan ba daw bahay namin? Busy kasi siya sa pagtingin tingin sa buong bahay.

"Hoy PANDA, wala kang makikitang pagkain d'yan."

Hala? Bat panda tawag ni Sam kay Jace?

"Sam, bat panda?" agad namang napalingon si Sam sa may gawi ko.

"Matakaw kasi yan. Nakakasawa na kasi yung baboy kaya panda naman. Hehe ^_^"

Matakaw ba si Jace? Parang di naman siya tumaba ah. "Oy, MAS hindi naman pagkain hinahanap ko ah." Mas?? Napakamot ako sa ulo ko, di ko sila gets eh.

"Oh, by the way Jade anong oras tayo pupunta dun?"

"Ah mamaya after lunch Seb. May tanong ako Seb."

"Ano yun?"

"Kayo na ba ni Kate?"

"Pfft, nope. Sadyang kami lang magkasama nong tinawagan ako ni Ate. Tsaka ako lang nakakaalam kung san banda tong bahay niyo kaya ako tinawagan ni Ate." ahh ganun naman pala. Akala ko kasi sila na.

*

*

*

"Waaa! Nabusog ako dun ah. Thanks Jade. ^_^" gumanti din ako ng ngiti kay Jace.

"Fanda, fakiabot nong fanshit." natatawa ako sa mukha ni Sam punong puno kasi yung bibig niya ng pagkain tas nagsasalita pa rin.

"Mas, imbis na sa tiyan mo papunta yung pagkain dito na tuloy sa mukha ko, leche to." saka pinahiran ni Jace ang mukha niya. Nagpeace sign lang si Sam sa kanya at patuloy na kumain. Yung dalawa naman, tahimik lang kumakain. Si Ate Sue naman may ka text sa phone.

Ang saya ng ganito kahit sila lang yung nandito, gumagaan na ang pakiramdam ko. Ang hirap na masaktan ng sobra. Ang sakit maiwan. *sigh* nagpatuloy nalang ako sa pagkain na nakangiti na pilit.

*

*

*

Papunta na kami sa lugar kung nasan siya ngayon. Kahit labag sa kalooban ko, kailangan kong magpakatatag. Katabi ko si Jace tapos sa tabi niya si Sam. Si Ate ang nagmamaneho nasa likuran yung dalawa na tulog ata? Tahimik eh. Kinalabit ko si Jace agad naman siyang napatingin sa'kin.

"Jace, paano mo nahahandle ang pain?"

"Paano?" tumango ako. Umayos siya ng upo at pinatong niya ang ni Sam balikat niya nakatulog na kasi ito.

"Nasa sa'yo naman yan eh kung paano mo ihahandle. Kung sobra kabang magpapaapekto o tatanggapin mo ang katotohanan na wala na siya." tumango tango ako, tama din naman siya.

"This is reality Jade. Hindi natin hawak ang panahon. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa'tin sa hinaharap. Hindi naman nakakatakot mamatay ang mas nakakatakot kung paano ka mamamatay."

"So? Di ka takot mamatay?" napatingin siya sa'kin saka ngumiti at umiling. "Hindi. Ang kinatatakutan ko kung paano ako mamamatay. Baka masagasaan ako at mabiyak ulo ko. Nakakatakot yun."

Oo nga no? Bat di ko yun naisip? *sigh* tumingin nalang ako sa labas. Umuulan na pala.

*

*

*

Kakalabas lang namin ng van. Malakas na ang buhos ng ulan. Buti nalang nagdala kami ng payong. "This way guys." sabi ko sa kanila at sumunod naman agad sila.

Pagkapasok namin, nakita ko si Mom na nakaharap sa kabaong. Narinig kong bumulong si Jace kay Ate.

"Ate, bat parang maliit yung kabaong? Bata ba yung namatay?"

"Shh, wag ka nga maingay Jace. Malalaman din natin ngayon."

Lumapit na si Mom sa'min at niyakap ako. Kumalas naman agad siya ng yakap at lumapit kina Ate. "I'm sorry for lost Tita."

"Thank you Sue and friends. Upo na muna kayo maya-maya pwede niyo na siyang masilayan. Ngayon din naman ang libing niya." tumango lang sila at sumunod kay Mom.

Lumapit sa'kin si Ate at bumulong. "Jade bat parang wala masyadong tao?"

"Exclusive for family members lang Ate." tumango lang si Ate at patuloy na naglakad.

*

*

*

"Ate pwede niyo na siyang tignan. Para sa huling pamamaalam." agad naman silang tumayo at sumunod sa'kin. Papalapit na kami sa kabaong niya, nangingilid na naman ang luha ko. Ayoko na siyang tignan sa huling pagkakataon pero kailangan.

O______O -mukha nilang lima.

Ehh? Bakit? Nakita kong nagpoker face na si Ate, Jace at Seb. Si Kate at Sam naman nakatulala lang. Bakit ba?

"S-siya??" sabay pa silang nagsalita at tinuro yung kabaong. Tumango ako na may tumulo na na luha galing sa mata ko.

"Seriously Jade? Are you f*ck--hhmmm!" agad namang tinakpan ni Ate ang bibig ni Jace. Seryoso naman ako ah?

"Sino ba yan Jade?" tanong ni Kate sa'kin.

*sniff* "Siya si Bruno guys. Ang pinakamamahal kong aso. Huhu! Bruno! Bat moko iniwan. Huhu!"

*cough cough* agad akong napatingin sa kanila. Nasa ibang direksyon na ang mga mata nila. Eh bakit ba? *pout*

"Ahh, Jade. We need to go. May pupuntahan pa pala kami." tumango lang ako at nagpunas ng luha ko.

Lumapit si Jace sakin at bumulong. "Jade, nakainom ka ba ng gamot mo ngayon? ^_^v" saka siya tumakbo palabas ng building. Loko talaga to si Jace. Kumaway nalang ako sa kanila.

Sorry naman kung ganun ako magreact. :3 kasi naman mahal ko si Bruno eh sobra.


---------

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon