"A friend is one that knows you as you are, understands where you have been, accepts what you have become, and still, gently allows you to grow."
[SEBASTIAN's POV]
May nagtext sa'kin kagabi, unknown number. Sino na naman kaya yun? Ganito yung text.
From: +639**********
I want to see you. Can you come over?
Di ako nagreply kasi baka scam. Uso pa naman yun ngayon.
Nakatambay lang ako sa sala ngayon. Di ko mahagilap ang iba. Siguto tulog? Ewan. Napansin kung may bumaba ng hagdan, pagtingala ko nakita ko si Ashley kinukusot pa yung mata niya.
"Hi ash, good morning!" Bahagya pa nga siyang nagulat sa pagbati ko sa kanya. Pero ngumiti din siya after she recovers from shock. Tumabi siya sa'kin sa sofa. "Morning Seb. Nasan sila? Ang tahimik ata ng bahay eh. Sabagay 6:30 am pa naman."
"Tulog mantika pa yung mga yun." Bahagya siyang napangiti sa sinabi ko.
"Ash, may tanong ako." Panimula ko.
"Ano yun?" Nagbabasa pa rin siya ng newspaper na nasa center table.
"Paano kung bumalik yung taong iniwan ka for almost 2 years?"
"What do you mean?"
"I mean. Iniwan ka ng taong pinakamamahal mo because of ambition. Iniwan ka ng walang paalam and worst pa hindi pinaalam sa'yo about that certain thing." Napabuntong hininga ako. Patuloy pa rin sa pagbabasa si Ashley.
"Is that bad? There's nothing wrong naman kung bumalik siya for good right? I mean because narealize siguro niya how important that person to her or him."
How important I am to her nga ba? Hindi ko rin alam eh. Hindi siya nakaipagcommunicate sa'kin for 2 years. May aasahan pa ba ako sa kanya? After what she did? I don't know.
Tiniklop na ni Ashley ang binabasang newspaper at tumingin sa'kin.
"Why not try na makipag-usap sa taong yun? Try to listen sa side niya. Maniwala ka man o hindi, atleast you try to listen. Kung mapatawad mo man siya, try niyong maging friends ulit. Pero kung hindi man, make him or her understand why. I'm sure he or she would understand. Hindi man maiwasan na magalit ka because of what he or she did, kumalma ka lang. Wala rin naman magandang patutunguhan kung galit ang nangingibabaw sa'yo." Saka siya ngumiti sa'kin. Mas bata siya sa'kin pero nakakapag-advice siya ng ganyan. Parang si Leigh lang. Gumanti ako ng ngiti sa kanya. "Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon Seb, don't hesitate to tell us, okay? Mga kaibigan mo kami, tutulungan ka namin." Saka niya ginulo ang buhok ko at tumayo papuntang kitchen.
Maybe she's right. Kung lagi kong tatakasan ang nakaraan baka hindi ako matahimik. The past keeps hunting me, kailangan ko siyang makausap as soon as possible. Pero hindi pa ngayon, kailangan ko pang ihanda ang sarili at puso ko sa pwedeng mangyari.
*
*
*
[SOMEONE's POV]
"You wouldn't dare."
"I will. Wala kang magagawa about that. Lalabas at lalabas din ang katotohanan. Walang sekretong hindi nauungkat." She's really unbelievable. Knowing her? Magagawa niya ata lahat eh. Napailing nalang ako. She smiled at me na parang confident siyang magagawa niya yun.
I sighed. Tumayo na ako pagkatapos kong maubos ang kape na iininom ko. "Alam ko. Wala naman talagang sekreto na hindi nabunbunyag. Pero panahon na ba? Sana nga. Sana maging maganda ang kalalabasan ng pagbubunyag mo na yan." Saka naglakad palabas ng coffee shop.
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
DiversosYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)