[62]: Forgiveness

146 10 0
                                    

[SUE's POV]

Sunday afternoon...

What a boring day. Tinignan ko ang kalendaryo na nakadikit sa may dingding ng kwarto ko. Nako, pupunta pala ako ng academy bukas kasi kakausapin namin si Chairman about sa alumni homecoming.

Kinuha ko ang wallet ko na nasa side table ng kama ko. Kinuha ko ang I.D ko noon. (Example lang po yung I.D sa taas)

Nakakamiss mag-aral sa school nato. Dami kong magagandang memories dito. Especially him.. *sigh* Makapag kape na nga lang sa coffee shop.

*

*

*

Kakarating ko lang ng mall. Wala namang may gusto sumama sakin kaya ako nalang mag-isang pumunta. Napatingin ako sa couple na magkasama. Nakakainggit naman sila. Ako kaya? Mahal pa kaya niya ako hanggang ngayon?

"Ano bang pinag-iisip mo Sue. Wag ka nga." saka ko binalingin ang tingin ko sa iba. Hayy..

"Sue.." agad akong napalingon sa likuran ko.

"Aly.."

Ngumiti siya sakin saka ako niyakap ng mahigpit. "Can we talk?" tanong niya sakin. Tumango lang ako. Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at hinila ako sa malapit na coffee shop.

*

*

*

"Hi.." mahina niyang bati sakin pagka upo namin sa bench. "Aly, wag ka nga mahiya sakin. Parang wala naman tayong pinagsamahan."

"Pinagsamahang sinira ko.." natigilan ako sa sinabi niya.

"Mianhe.. Sorry sa lahat ng kasalanan ko sayo." hindi ako makaimik. Nakatingin lang ako sa kanya habang may tumutulong luha galing sa mga mata ko.

"Di ko sinasadyang saktan ka. No.. Hindi pala ako ang dapat humingi ng tawad. Kundi ang lola niya. It was all a set up Sue."

"What do you mean?"

"Lahat. Ako si Kyle, si Xander. Lahat ng yun set up lang."

"Paanong set up?"

Pinunasan niya ang mga mata niya ng tissue at inayos ang sarili saka nagsalita ulit.

FLASHBACK

"Are you insane? No. I won't."

"Oh really Miss Santos? Baka nakakalimutan mo. Ako ang tumulong sa parents mo para makaahon ulit."

Hindi ko talaga gusto ang aura ng matandang to. Puno ng pagdidikta. "You will meet him mamayang 6pm. Ayokong magkita sila ng Torres na yun. Do what you have to do. Kung kailangang may mangyari sa inyo, then do it."

Bahagyang lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Seriously? Kahit may mangyari samin? Fvck this old lady. Ano ba tingin niya sakin. Easy girl? Tinaasan niya ako ng kilay saka tumalikod at naglakad paalis.

.
.
.

On time lang akong dumating sa meeting place namin ni Kyle. Pwede bang umatras? No.. Knowing that old lady. Kaya niya gawin ang lahat. "Aly!" napalingon ako sa taong tumawag sakin. Si Kyle, kumakaway pa ang loko. If only he knew about this. Nakangiti akong kumaway sa kanya.

"Hi. Kanina ka pa?"

"Kakadating ko lang rin."

"Oh I see. May inasikaso pa kasi ako. Monthsary namin ni Sue ngayon eh."

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon