[15]: Unknown

316 8 0
                                    

[SOMEONE'S POV]

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

Tumingin ako sa paligid.

Nakita ko si Kylie na nakasubsub ang mukha sa kama, hawak-hawak ang kamay ko. Tinapik ko siya na agad niyang ikinagising.

"Oh my God. Thank God you're awake, teka lang I'll call the doctor." sabay patakbong lumabas ng kwarto. Pinilit kog makaupo galing sa pagkakahiga ko.

Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas ito. "Good morning Miss Garcia. Kumustang pakiramdam mo ngayon?"

"I'm fine Doc. Masakit lang po yung katawan ko." tumango-tango lang ang doktor sa sinabi ko at lumapit siya kay Kylie na parang may sinabi, tumango lang si Kylie saka lumabas ng kwarto ang doktor.

Lumapit si Kylie sa'kin na parang naluluha pero pinipilit na ngumiti. Gumanti din ako ng ngiti sa kanya.

O________O

Bigla-bigla niya akong niyakap. "Akala namin di kana magigising Leigh. We're really worried about you." kumalas siya at tinignan ako. Ngumiti uli siya at kinuha ang phone niya sa bulsa niya. Sana naman si Xavier yung tatawagan niya.

[KYLIE's POV]

Lumabas muna ako ng kwarto ni Leigh. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Ayokong umiyak sa harapan niya. Kinuha ko ang phone ko ulit para tawagan si Hunter at Tyler.

(Hello Ky? May problema ba d'yan? napatawag ka?)

"Nagising na siya Ty. Punta na kayo ni Hunter dito."

*toot toot*

Alam kong nagmamadaling pumunta si Tyler dito.

*

Wala pang 5 minutes, nakarating na si Tyler at Hunter.

"Nasan siya Ky?" tanong ni Hunter na hinahabol pa rin ang hininga niya. Tinuro ko ang pinto ng kwarto ni Leigh. "Sabay na tayong pumasok." aya ni Tyler sa'min ni Hunter.

*

Pagkabukas namin ng pinto nakita naming nanunuod si Leigh ng TV. Lumingon lang siya sa'min saka kumaway at ngumiti. Nilapitan naman siya ni Tyler.

"Kumusta ka na Leigh? May masakit pa ba sa'yo?" tanong niya umiling lang ito. "Bukod sa braso ko na'to.." sabay angat ng braso niya na napilay, "wala naman. Ok na ok! ^_^" masigla niyang sagot kay Tyler. Ginulo nalang ni Ty ang buhok niya. Napangiti kami pareho ni Hunter.

"Ahh.. Ty, ano bang nangyari? Wala naman akong maalala na naaksidente ako. Busy pa nga tayo sa paghahanda for the 25th anniversary ng school eh." kunot-noo na tumingin si Tyler sa'kin.

Ano bang pinagsasasabi ni Leigh?

"Ano bang pinagsasasabi mo Leigh? Next year pa ang anniversary ng school natin." napataas ng kilay si Leigh.

"Ano ba kayo. Di ba nga nagpreprepare tayo para sa school anniversary. Di niyo maalala?"

Huh? Eh sa wala naman kaming ginawa na ganyan ah.

Tumayo si Ty at umupo sa katabing upuan sa kama ni Leigh. "Wala tayong ginawang ganyan Leigh. You were in coma for a month." bahagyang nagulat si Leigh sa sinabi ni Tyler. Nanalaki ang mata niya at umiiling.

"No it can't be. Engaged na nga kami ni Xavier." ANO DAW?!

"Engaged? Bakit wala akong maalala na inimbitahan kami ni Xavier?" singit ni Hunter na nasa couch.

Umiiling si Leigh pagkasabi ni Hunter non. "Ano ba kayo?! Nandun nga kayo eh. It was actually a set up. Akala ni Xavier na sa iba siya ikakasal but it turned out na sa'kin pala. Alalahanin niyo naman!" wala na sumigaw na talaga siya.

"Leigh, wala talagang nangyaring ganyan. Sa loob ng isang buwang nacomma ka, busy si Xavier sa school. Once in a blue moon lang siya makapunta rito." pageexplain ko sa kanya. Umiiling pa rin siya. Bakit ba niya sinasabi ang mga yan?

"No! At tsaka graduating na kami ni Xavier! Tapos.. tapos, si Mika at Hunter na nga eh.."

Ehh??

Lumingon ako kay Hunter na parang naguguluhan sa inaasal ni Leigh. Pati din naman ako eh. Si Ty kalmado pa rin. Si hunt at mika? Naging sila? Eh Aso't pusa nga sila kung magbangayan.

"Kung sana may nangyari sa mga sinabi mo Leigh edi sana di kami magrereact ng ganito. Pero wala talaga." -Tyler

"Ano bang nangyayari sa'yo Leigh?" -Hunter.

Nakitang kung namumula na ang mata ni Leigh. "Yan yung *sob* mga naaalala *sob* ko." Wala umiiyak na talaga siya.

"Yang mga sinasabi mo naaalala mo pero yung kung paano ka naaksidente, di mo maalala?" umiling lang si Leigh. Napabuntong hininga nalang si Tyler.

"Lahat ata ng sinabi mo ay kabaliktaran sa totoong buhay." napatingin ako kay Hunter. Tama siya.

"Kylie, tawagin mo muna ang doktor. Kailangan natin tong maklaro." Tumango ako at lumabas ng kwarto. Sana naman makatulong ang doktor.

*

*

[TYLER's POV]

Dumating na yung doktor na pinatawag ko kay Kylie. Nasa labas kami ng kwarto nag-uusap.

"Mr. Smith, maaaring na apektuhan ang utak niya dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga niya. At maybe lahat ng sinabi niya sa inyo is just a dream. Pakiramdam lang siguro niya ay totoo. Just explain it to her." tumango lang ako sa doktor. "At isa pa pala, pupunta yung batang muntik na niyang masagasaan." ngumiti lang ako ng bahagya sa doktor at nagpasalamat.

*

*

Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa'kin ang naiiyak na Leigh.

"Leigh it was all a dream." panimula ko sa kanya. "Feeling mo lang totoo yun. Yan ang sabi ng doktor sa'kin. Minsan kasi pag nananaginip tayo, pakiramdam natin totoo ang lahat at nangyayari lahat yun." hindi lang siya umimik sa mga sinabi ko. Baka iniintindi niya lahat.

"At pupunta yung bata na muntik mo nang masagasaan." tumingala lang siya sa-kin at tumango. Sana naman maganda ang kalalabasan ng lahat pagkalabas niya rito.

Pero nagtataka pa rin ako sa mga sinabi ni Leigh. Sana, ganun nalang ang mangyari saming lahat. Masaya lang.

Pero parang hindi ata eh.

*

A/N: Confusing ba? Ge lang. ^_^

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon