"The amount of love you have for someone seems to always be greater than the amount of pain they give you. Because no matter how much they hurt you, we still choose to stay."
[LEIGH's POV]
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nasan na naman ako? Bakit puro puti yung nakikita ko?
"Leigh? Are you okay?" napatingin ako sa nagsalita. Si Natalie, na nakaupo sa may tabi ng kama ko. Tumango lang ako sa kanya. "Where am I Nat?" dahan-dahan niya akong tinulungan para makaupo.
"Nasa ospital tayo Leigh. Don't remember anything?" wala nga ba? Meron Nat, kung alam mo lang kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. I'm dying inside. Kung pwede lang sana, tumalon nalang ako sa building na yun. Tinignan ko siya, umiling ako at ngumiti, pilit na ngiti. Kailangan, kasi ayokong mag-alala sila sa'kin. She smiled back at me at saka pumunta sa table at kinuha ang phone niya.
*
*
"Leigh kain ng marami ah. Para lumakas ka ulit. Suki ka ng ospital eh, imbis na tayo yung yumayaman, sila na tuloy ngayon. tch" loko talaga 'tong si Jace. Nagtawanan nalang kaming lahat. Kahit sa ganitong paraan naiimbsan ang sakit na nararamdaman ko. Ganito din ba yung naramdaman ni Ate Sue noon? Tinignan ko sila na naglolokohan. Nangingilid na naman yung mga luha sa mata ko. Ang swerte ko, SOBRANG SWERTE KO. Bakit? Dahil may mga taong kaya akong pahalagahan sa kabila ng lahat. Kaya akong mahalin ng walang hinihinging kapalit.
"O, Leigh Why are you crying again?" sabay pinahid yung luha na tumutulo sa mga pisngi ko. Kaya nga siguro maraming nagkakagusto kay Hunter, kahit chixboy yan, pagdating sa aming mga kaibigan niyang babae, siya na ang pinaka over protected. Mahihiya siguro ang magiging boyfriend namin sa ka over protected niya. Ngumiti lang ako at niyakap siya. Hep! Alam kong magrereact si Mika kaya di ko tinigalan ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Salamat sa inyong lahat ah. *sniff* salamat sa lahat ng ginawa niyo para sa'kin. Noong nacomatose ako, di niyo ako iniwan. Hanggang ngayon, nand'yan pa rin kayo. Thank you so much guys." at saka kami nag group hug. Abot langit ang pasasalamat ko sa kanilang lahat.
"Wag kang mag-alala Leigh. Kahit wala si Xander para sa'yo, andito pa rin kami. Lagi mong tatandaan yan ah." ayan na lumalabas na pagiging serious mode ng mga lalaki namin. Si Austin talaga, sinali pa si Xander. Ningitian ko lang silang lahat.
*
*
*
[TYLER's POV]
Sinubukan kong tawagan si Xander mula pa kanina. Pero out of reached ang phone niya. Sang lupalop naman yun pupunta yung walang signal? For the 100th time, wala pa ring sagot galing kay Xander. Does he even care for Leigh? Lately kasi cold treatment ang pinapakita niya sa amin. May tinatago ba siya?
"Mr. Smith, the doctor will see you now." tumayo ako at pumasok sa isang silid. Nakita ko ang doktor na nakaupo sa may harapan ko.
"Mr. Smith, pwede nang lumabas si Ms. Garcia. Pero dapat niyo siyang alagaan ng mabuti. Nakakasama sa kanya ang sobrang pain. Dapat niyo siyang bantayan ng maigi, she's still in recovery stage. Hindi pa siya fully recovered."
"Gagawin po namin ang lahat Doc. Salamat po." tumayo ako at nakipagshake hands saka ako lumabas ng silid.
*sigh* Tinignan ko and phone ko kung may kahit isang text man lang galing kay Xander pero wala. WALANG-WALA.
*
*
"Nacontact mo na ba si Xander?" bungad sa'kin ni Ate Sue. Umiling lang ako at umupo ulit siya sa sofa.
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
RandomYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)