[SOMEONE's POV]
Kakalabas ko lang ng plane.
I'm finally home! ^_^ tinaas ko ang dalawang kamay ko para mag-inat. Ang sakit kaya sa katawan magtravel ng halos walong oras.
"Ma'am, naayos ko na lahat ng dala n'yo dun sa kotse."
"Manong, mauna na po kayong umuwi. Pakisabi kay Mama na mamaya na ako uuwi dun. May dadaanan pa ako."
May inabot sa'kin si manong na car keys. "Sabi po ng Mama niyo na expected po na sasabihin niyo yan kaya pinadala na rin po niya yung kotse niyo. Sige po Ma'am, mauna na ho ako sa'yo."
Ngumiti ako kay manong at kumaway. Nagtatalon ako sa tuwa. Si Mama talaga. Excited na akong makita silang lahat! *^_^*
Nagsimula na akong maglakad patungo sa parking lot ng airport.
"Wow, ang ganda naman niya."
"She's like a goddess."
"Ang swerte siguro ng boyfriend niyan."
Ano daw maswerte? Wala nga akong boyfriend eh. Kaya nga ako umalis ng isang taon para makalimutan at makapagsimulang muli. Kung iniyakan ko man siya, noon yun. Iba na ako ngayon.
Bitter ba? Mas maganda nga yun. Nasaktan man ako noon. Past na yun. Bahala sila sa past, kainin niya yun.
"Hi po ate. Ang ganda niyo naman po." may lumapit na baby girl sa'kin. Na tats naman aketch. ^_^ kaya nag-squat ako para magkalevel kami.
"Aww, thank you baby girl." ngumiti lang siya at tumakbo papunta sa mommy niya. Tumayo ako at kinawayan sila.
Masisisi niyo ba ako? Kahit nakajacket ako na may hood, tapos may cap pa. At nakaskinny jeans at doll shoes lang. Maganda pa rin ako no. *wink*
*
*At sa wakas, nakarating na ako ng parking lot. Hirap talaga maging maganda. Tch.
Hinanap ko ang kotse ko at walang kahirap-hirap nahanap ko yun. Madali kasing mahanap yun kasi kakaiba siya. Color blue kasi. Hehe.
Kaya pumasok ako and start the engine. Parating na ako guys. Wait lang. Tinignan ko ang back seat, dun ko kasi nilagay ang mga pasalubong ko sa kanila.
*
*Papasok na ako sa subdivision na tinitirhan nila. "Ma'am, kayo po pala. Longe time no see po." ngumiti lang ako bilang ganti ko sa sinabi niya at nagdrive patungo sa bahay nila. I'm very excited! *^_^*
*
Kakarating ko lang sa tapat ng bahay nila. Mukhang hindi naman sila umalis. Sabagay weekend naman ngayon.
*ding dong*
Ang tagal naman atang magbukas ng mga yun. Sumisilip ako sa loob kung may tao ba talaga.
*ding dong*
Pinindot ko ulit ang door bell. Abat! Pinaghihintay nila ang matanda dito sa labas! -____-"
"And'yan na!" mukhang si manang pa ang magbubukas sa'kin. Nang mabuksan na ni manang. Sisigaw pa sana siya pero nagsign ako na wag maingay.
Niyakap ko lang siya ng mahigpit. *whisper* "Namiss kita sobra ineng."
"Manang naman eh. 21 na po ako, ineng pa din tawag niyo sa'kin?" tumawa lang siya ng mahina. Humiwalay na kami sa pagyayakapan naming dalawa at nagsimulang maglakad ng hindi gumagawa ng ingay.
*whisper* "Tulog pa ba sila manang?"
"Si Ethan, Autumn, Charles, Mikaela at Harper pa yung gising. Nasa sala lang naman sila pero mukhang inaantok pa rin yung mga yun."
Huminto kami sa tapat ng front door. "Manang, mauna kang pumasok. Pag nagtanong sila kung sino. Sabihin mo wala. Saka ako papasok after 5 minutes. Doon ako sa may kusina papasok ah." tumango lang si manang at nilagay sa sahig yung dala niyang pasalubong ko.
Binuksan na ni manang yung front door at tuluyan nang pumasok. Nakasilip ako ng konti.
"Manang sino ho yun?" rinig kong tanong ji Charles
"Wala naman eh. Baka trippings lang ng mga bata d'yan sa labas." Saka tumungo si manang sa may kusina.
Kaya nagdahan-dahan akong naglakad patungo sa likod ng bahay. Sa may kusina to be exact.
Napatingin ako sa may garden namin. Buti naman di nila napapabayaan ang mga alaga ko. Ginala ko ang tingin sa buong bahay. Namiss ko 'tong bahay na'to. Nakikita ko lahat ng pinaghirapan ko. Ang laki kasi pero sa kasamaang palad walang titira kaya sila ang pinatira ko dito lahat. The more, the merrier!! ^_^
Naglakad ulit ako. Walang isang minuto pa nakarating ako sa may likod ng bahay. Para akong akyat bahay nito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko si manang na tumatawa ng walang sounds. Weird right? Haha, hayaan niyo na. Minsan lang ganyan si manang.
Tumungo ako sa kinaroroonan ni manang. *whisper* "Gising na silang lahat ineng. Nahanda ko na rin yung almusal. Nagtaka nga si Tyler kong bakit sa kabila ko siya pinaupo." tumango ako at nililingon ang may dining area. Nasa sala na nga silang lahat.
"Tapusin niyo na muna yung pagseserve manang. At paupuin niyo na sila. Tapos balik ka dito at sabay na tayong lumabas ha. May deserts ba d'yan a ref?" tumango lang siya saka pinulot yung fried rice at lumabas ng kusina.
Binagsak ko yung mga gamit na dala ko sa may gilid ng ref at inayos ang sarili ko. Binuksa ko ang ref at wow! *0* ang dami nilang deserts ha.
Mango float.
Fruit salad.
Lecheflan.
At iba-iba pa.Mango float ang kinuha ko. Syempre, lab na lab namin lahat 'to. Kumuha din ako ng mga platito, 24 lahat kasama ko at ni manang.
"Kakain na tayo! Upo na kayo. Pero sabay-sabay tayo. May kukunin lang ako sa kusina." rinig kong sigaw ni manang sa kanila. Sumilip na naman ako ng bahagya at nakita ko silang nagsisiupuan na. Bakante yung pinakaunang upuan. Ako kaya ang uupo diyan! Ang pinakamatanda! Leech. -__-
Nakita kung tumango si manang. Signal na yun. Kaya nagets ko yun kasi hindi pa naman mahina signal ko. Globe kasi gamit ko. ^_^
Tinulungan ako ni manang dala ko yung isang tupperware ng mango float, si manang naman ang may dala ng mga platito.
Dahan-dahan kaming lumabas ni manang kusina.
O____O -reaksyon nilang lahat.
Ngumiti lang ako sa kanilang yung sobraaaaannngg lapad. Yung parang abot langit ang lapad, haha.
Infairness di pa rin sila nagrereact. Mukha ba akong ghost? Nakafreeze silang lahat at nakatitig sa'kin. Naglakad nalang ako sa may dining table at nilapag ang mango float.
"LECHE KAYO! TOTOO AKO. ANO BA!" sinigawan ko sila and poof!
"AATTTEEEEE!!!!!" sabay sabay silang nagtayuan at sinunggaban ako. Patay na ako nito. Ito na siguro ang pinakamalaking group sa mundo! >___<
--------
A/N: THE WHO? sino kaya yun?
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
RandomYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)