[HUNTER's POV]
"SERYOSO KA HUNTER?!" Tumango ako. Seryoso naman talaga ako ah? Kahit chixboy ako, ni minsan hindi ako nanligaw sa babae kasi gusto ko siya ang unang babaeng liligawan ko at seseryusuhin ko.
Nag-aalangan siyang sumagot sa'kin.
Konsensya: sympre Hunter nabigla yung tao sa sinabi mo.
Oo na nga kasi. Sorry na, hindi ko naman alam kung pano sisimulan eh. Tinignan ko siya sa mata, "Wag mo na munang sagutin yun Mika. Pero asahan mo na marami akong mga suprisa sayo. *wink*" hanla! Namumula si Mika parang kamatis, ningitian ko lang siya at nagsimulang kumain ulit. Tinignan ko siya sa peripheral vision ko, nakatitig pa rin siya sa'kin. Di pa rin siya umiimik. Hinawakan ko ang kamay niya at dun siya natauhan ulit. Ngumiti siya pero alam kong fake yun. Ok lang naman, binigla ko kasi siya. Wrong move Hunter. Tch.
**
[Mika's POV]
Ayoko na! Nahihiya na ako talaga! Alam kong pulang-pula ako kanina sa harap ni Hunter! >/////////< pero he still manage to keep me calm.
Pauwi na kami ngayon. Sabi niya kasi kanina, diretso uwi na daw kami bukas nalang daw namin kunin ang kotse ko. Tumango lang ako, hindi pa rin kasi ako makapagsalita eh. Nahihiya nga kasi ako eh! >. <
"Ok ka lang Mika?" Sabay hawak sa kamay ko ng free hand niya. "Ang lamig ng kamay mo, malakas ba yung aircon? Patayin ko nalang." Kaya pinatay niya ang aircon, sa totoo lang giniginaw rin ako pero mas kinakabahan ako sa kasama ko eh. May hiya pa rin sa katawan ko no?! >_<
"A-ah.. e-eh, Hunter seryoso ka ba talaga sa sinabi mo kanina?" Tumingin siya sa'kin tapos tingin ulit sa daan. "Seryoso ako Mikaela, alam kong nagaalangan ka kasi chixboy ako. Pero ni minsan hindi ako ang naliligaw sa mga naging girlfriend ko, sila ang nanliligaw. Kasi gusto ko na ikaw lang ang liligawan at seseryusuhin ko." That voice, alam kong seryoso talaga si Hunter sa tinagal-tagal ba naman ng pagkakaibigan namin kabisado ko na siya. Ayan na naman ang pamumula ko, kahit hindi ko nakikita ramdam na ramdam ko ang init ng mukha ko. Sana di maging awkward mamaya, siya pa naman ang kasama ko sa kwarto.
Oo tama ang nabasa niyo, siya ang kahati ko sa kwarto. >///////<
*
Dumating na rin kami sa wakas sa bahay. Pinark na niya ang kotse niya sa parking lot namin sa bahay. Tinignan ko ang wrist watch ko, 3:30 pm pa pala. Maaga pa, buti na rin kasi gusto kong magpahinga sandali. Nastress ako sa confessions ni Hunter eh. Bubuksan ko na sana ang pinto nang naunang magbukas ito.
O_O
"Lika na Mika ng makapagpahinga ka sa kwarto natin." Ayy! Kung sabihin niya yung word na 'natin' umiinit ang pisngi ko. Hunter naman eh!! >_< hindi na ako sumagot at binigay ko ang kamay ko at inalalayan niya ako palabas ng kotse. Calm down Mikaela Yvonne Alcantara! Calm down! Wag mong ipapahalata na kinikilig ka! Juice color!
**
[HUNTER's POV]
Inalalayan ko si Mika pababa ng kotse ko. Halata sa mukha niya na kinikilig siya. Awtsu! Ang Mika ko talaga! ^_^ ngumiti lang ako ng palihim.
Pinagbuksan ko siya ng pinto, namumula na naman po siya! :)
"Oh brad san kayo galing?" Salubong sa'min ni Ethan.
"Paki mo ba?" -angas na sagot ko.
"Yiieee! Nagdate kayo no?! Ikaw Ela ha! Nagtatago kana samin! *pout*" -pangungutya ni Kate samin. Nakita kong sobrang pula ni Mika at nagtatatakbo sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
RandomYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)