[31]: Bagong Salta 1.1

270 11 2
                                    

[DYLAN's POV]

I really hate Mondays. >_< tumayo ako sa pagkakahiga ko at sumilip sa may bintana. Umaga na nga talaga. Pwede dumulim ulit? Antok na antok pa ko eh.

Tinanaw ko yung katabi ko sa kama. Hilig niyang dumapa no? Wala namang giyera. Psh.

Nilapitan ko siya at niyugyug ang balikat niya. "Seb, gising na oy. Alas 10 na oh, may alas 11 ka pang klase di ba?" wala pang isang minuto, dali-dali siyang tumakbo papuntang banyo at naligo. Pinigilan kong matawa sa reaksyon ng mukha niya.

"Ancis yung tuwalya! Pakiabot!" rinig kong sigaw niya galing sa cr. Nakita ko na nasa labas na ang isa niyang kamay. Binigay ko yun.

Humiga lang ako ulit sa higaan. Nakakatamad pumasok ngayon. *sigh*

"O, bat di kapa naliligo Ancis? Di ba may klase ka rin ng 11:30?" bungad sa'kin ng bagong labas sa banyo. Pffft, pinigilan kong tumawa.

"Ahh, anong oras na ba? Pakicheck nga." naglakad siya papunta sa may side table lung san nakalagay yung alarm clock.

*batok kay Ancis* "Langya ka! Alas 7 pa pala ng umaga! Aish!" at tuluyan na yang binagsak ang katawan sa kama.

*chuckles* "Alam mo dude, mabuti nga yun eh na maaga kitang ginising."

*binato yung tuwalya* "Leche ka, kahit na no." Abat! -_-, nasisira kagwapuhan ko. Tumayo at lumabas ng kwarto.

×

×

×

"Ano ba! Ang aga aga naghahabulan kayo diyan. Hindi playground yung bahay! Tch." wala ba kahit isang araw lang na tumahimik 'tong bahay? Lagi kasing may sigawan. Kakababa ko lang galing sa kwarto at tumambad sa'kin ang nakabusangot na mukha ni Chloe. Tumingin naman ako sa direksyon kung san siya na nakatingin.

-______-"

Parang mga timang. Nilalaro kasi nila Ashley, Jace at Autumn yung aso na dala ni Ate Sue kahapon at tawa sila ng tawa. *smirk* pero nakakatuwa naman silang tignan. Kaya tumabi ako kay Chloe at inakbayan siya.

"Yaan mo na yang mga yan Chloe. Mga isisp bata yan." mabilis pa sa alas 2 kung makalingon yung tatlo at tinignan ako ng masama. Tinaas ko ang dalawang kamay ko.

"Oo na. Suko nako. Tch, lagi nalang akong tiklop sa inyo." sabay tayo ko at pimunta ng kusina.

×

×

Palabas nako ng bahay ng makita ko si Natalie sa labas. "Sabay kana sa'kin Nat." agad siyang lumingon sa'kin at ngumiti. Tumango lang siya sabay pasok sa kotse.

Pinaandar ko ang kotse at nagmaneho patungong school. "Bakit ka nga pala nakatayo lang dun sa labas Nat?" tanong ko sa katabi ko sa kotse.

"Wala naman. May naiisip lang ako that time. Sinadya ko talagang antayin ka." sabay ngiti niya sa'kin. Gumanti lang din ako ng ngiti sa kanya. Tinuon ko nalang ulit sa pagmamaneho ang atensyon ko.

×

"Oy, brad alam mo na ba? May bagong kaklase daw tayo. Tumatanggap pa pala sila kahit nasa kalagitnaan na tayo ng sem?"

"Ewan ko brad. Ano daw ba pangalan?"

"Di ko alam pangalan bard eh."

Ngayon ko lang nalaman na mga tsismoso din pala ang mga lalaki? Yan kasi bumungad sa'kin ng pumasok ako ng room. Ano naman ngayon kung may bagong nagtransfer?

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon