CUATRO

57 7 1
                                    

[chapter 4]

Ugh, lapitan ko na kaya?

Pero anong sasabihin ko?

Eto na.

Pupuntahan ko na...

“Lacey, tara na.” at dumating na nga si Sierra sabay pag-yaya ni sakin.

Hay, wala akong nagawa kundi bumuntong hininga.

“Ayan na po lola...” I rolled my eyes at pumunta kay Sierra.

At may narinig ako, kahit gaano kahina, rinig na rinig ko, kahit gaano kalayo, rinig na rinig ko. Shete, ano itong nangyayari?

“Ate...” sabi niya.

Walang pag-aalinlangan, lumingon ako sakanya. Pag-tingin ko:

“Ading?” reply ko naman.

Nasa harapan ko lang sya. Napansin ko, halos magkasing tangkad lang kami. Kaya hindi maiiwasan na magsalubong ang mata namin.

Ano ba yan, parang yung pakiramdam na habang nakaharap sya sakin, tumutunog sa background ang “Paradise” by Bazzi. Yung vibe nung kanta, parang napunta sa paligid namin, parang napakaraming confetti na light colors ang sumasaboy sa aming dalawa. Yung bilis ng tibok ng puso ko, naging magaan at parang gusto pang bumilis.

Pero sandaling nag-fade away at bumalik ako sa katotohanan.

“Ate?”

“Uh, oh ading?” I said stuttering.

“Ate feeling ko po kasi na-offend ko kayo kaninang ngumiti ako... Sorry po.” hindi siya makatingin ng diretso sakin.

Ngumiti ba sya nun? Grabe, na-misuderstood ko yung ginawa nya. Pero okay lang naman eh kahit na natawa sya dun. Pero ang ginawa ko, hinusgahan ko na sya agad.

“Hindi naman ako na-offend, atsaka kung nakasimangot ako kanina hindi dahil sayo yun neh.” sambit ko.

Oh, tama na Lacey. Masyado ka nang maraming sinabi.

Tumingin siya sa gilid niya habang naka-ngiting nahihiya. At tumigin sakin, at sinubukang ngumiti.

“Sorry po talaga.” sabi niya at bumalik na sa bench. Palagay ko, inaantay nya si Tom na matapos sa practice nila.

“Halika na Lacey...” pabulong na sinabi ni Sierra na may tunog ng nagmumultong babae.

“Oo na, ayan na.” sabi ko.

“Gusto mo isama natin siya?” she blurted out. “Oy, Dos! Sama ka muna sa amin gusto mo?!” pagsambit ni Sierra nang may kalakasan ang boses. Habang ako naman ay nataranta at sinubukan siyang pigilan pero, hindi ko na nagawa. Wala na akong magagawa, gusto ko rin yung idea nya eh, yeah.

Biglang pag-singit ko, “Pero kung 'di mo gusto ading, okay lang.”

“Ah, hindi po ate, gusto ko po.” sagot ni Theo, sana all gusto mo. Hihihi

“Ah- uh- tara na?” pautal kong sinambit.

“Kaya nga, ano pang inaantay natin?” tanong Sierra.

Pumunta kami sa isang supermarket malapit sa school, para humanap ng makakain.

Habang naglalakad kami, nakapagitna si Sierra sa aming dalawa. Pero sa tigas ng ulo ng mata ko, pilit gumagawa parin ng sulyap sakanya. Hayaan nya na sana ako kasi ngayon ko lang masusulit na tignan siya.

Pagdating namin sa part ng sweets product, biglang tumakbo paalis si Sierra.

“Punta lang ako dun sa mga inumin ah.” sabi ni Sierra.

Sasabihin ko na sana na gusto kong sumama sakanya kaso inisip ko, baka isipin ni Theo niyaya namin siya dito pero iiwan iwan rin pala namin siya.

Tumingin ako kay Theo, tumingin rin siya sakin. I gave him a sly smile.

“Ganun talaga yun, loka-loka.” I joked around.

He chuckled. Pero yung tingin nya sakin nandun parin, habang nawawala na ako sa sarili ko at 'di ko na alam ang susunod na sasabihin ko. Hindi naman ako ganito ah, kaya ko naman magdala nang usapan ah, pero bat ganito ngayon? Bakit parang nawala yung mga letra sa utak ko? Please Theo, alisin mo na ang tingin mo sakin hindi ako makapagisip.

At sa wakas, inalis niya rin ang tingin sakin. Inabot niya ang Hershey's Milk Chocolate.

“Gusto mo ate?”

“Uh? Bakit? Ililibre mo ako?” pabiro kong sinabi, pero bakit ko yun sinabi? Nagmumukha akong walanghiya.

He chuckled again.

Minsan kapag paulit-ulit ang ginagawa ng isang tao; maaaring magsawa ka o kaya naman mabwisit ka.

Pero pagdating sakanya sa tuwing ginagawa nya yan, mas lalo ko pa syang nagugustuhan.

Tumingin na naman siya sakin, pero iba na ngayon. Grabe ang titig niya. Sabay sagot na:

“Gusto mo po? Ililibre ko po kayo.”

Pero napagtanto ko, yung capacity na ng pagka-marupok ko ay 88 percent kesa sa pagka-marupok ng ibang tao. Kaya baka binibigyan ko lang ng malisya kahit normal lang naman pala sakanya lahat.

“Wag na... Mayaman rin ako neh, char.” pa-joke kong sinabi, pero agad ko ring binawi, “Pero seryoso, wag na. Pero ikaw, kung gusto mo yan bilhin mo.”

“Hindi na po, baka pagalitan ako ni Mommy.” then he chuckled, AGAIN.

Dentist kasi ang parents nila, nabanggit sakin ni Tom. Kaya even siya, hindi nahiligang kumain ng sweets dahil masyadong inaalagaan ng Mommy nila ang ngipin nila.

“Anong gusto nyo?” Sierra blurted out. Napatingin ako sakanya hawak hawak ang mga napiling drinks.

“Uh, kahit ano na po...” sagot ni Theo.

“Gusto ko yung calamansi flavor.” sagot ko naman.

“Okay, tara na. Magbayad na tayo.” sumunod si Theo kay Sierra habang nagpaiwan lang ako nang ilang hakbang palayo sakanila.

Kinuha ko yung Hershey's milk chocolate na hinawakan ni Theo at kumuha ng malaking crackers para matakpan yung chocolate at nahuli na akong nagbayad.

Hmm... Wala eh, marupok na ako sakanya, pero sa ngayon mas marupok ako sa chocolate.

Habang naglalakad kami, biglang may grupo ng babae ang nagbubulungan at I think yung term na binanggit nila duon ay “kinikilig” kay Theo.

Suspetsa ko, trip nila si Theo. Humanda lang sila.

Selosa 101.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon